10

5 0 0
                                    

"Anong iniisip mo?" tanong sa akin ni Yva habang nag lalakad kami pauwi. 



Kakatapos lang ng klase namin at madami na naman kaming mga gagawin. As usual ganun naman lagi. 



6 pm na kami naka alis sa school dahil may meeting pa kaming SCC. Inintay ako ni Yva sa may bench habang ako ay nasa room kasama ang iba pang miyembro. 



"May nag confess sa akin kanina" sagot ko naman sa kanya. 



"At sino naman yan?" sabay taas niya ng kilay sa akin. 



"Ethan" 



"Luh?" 



"Hindi na ako nakapag salita kanina dahil nagulat ako sa sinabi niya" sabay hinga ko ng malalim. "Oo, aaminin ko na may gusto ko si Ethan dati, pero ngayon kasi iba na e" "Kung sinabi niya na dati palang na gusto niya na ako, siguro pwede pa."



"What do you mean by 'siguro pwede pa' huh?" tanong niya sa akin. 



"Wala" sabi ko at mas nag lakad ng mabilis. 



Ayaw ko muna mag sabi kay Yva na gusto ko si Laurense dahil hindi pa naman ako sigurado e. Mag uusap muna kami ni heart and mind kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. 



"Hoy anong wala? Bakit may nagugustuhan kana talaga? si kuya ba yan?" sabay harang niya sa dinadaan ko. 



"Ewan, pag-iisipan ko muna ok? naguguluhan pa'ko" sagot ko sa kanya at nag lakad sa ibang direksiyon kung saan hindi na naka harang si Yva. 



Hinayaan nalang ako ni Yva at nag lakad na kami ng tahimik. 



Nang nasa harapan na kami ng condo namin ay nakita namin si Laurense na mukhang iniintay kami. Naka suot si Laurense ng Plain White T-Shirt at naka Cotton Pants at naka rubber shoes din siya. 



"Oh bakit ka nan dito?" Tanong ka agad ni Yva kay Laurense. 



"Hindi na nag re-reply yang kaibigan mo sakin kaya hinintay ko na kayo dito" Sagot naman ng mahinahon ni Laurense sa amin. 



"Bakit hindi ka nalang nag intay sa loob?" Tanong ko naman sa kanya. 

Blinded by LoveWhere stories live. Discover now