8

6 0 0
                                    

4am.

"Good morning self, tumayo kana self, mag ayos kana self, mahal na mahal kita self, ayaw kung mawala ka sa piling ko self" sabay lagay ko ng kamay ko sa bibig ko at hinalikan ko iyon at nilagay ito sa noo ko. 

Natawa nalang ako sa ginawa ko at bumaba ng kama. Nakita ko naman si Yva na tulog pa kaya ginigising ko na siya. 

"Hoy gising na bruha! anong oras na oh" sigaw ko sakanya at sabay kuha ng unan at binato ito sa kanya. 

Nakita kung nagising na siya at bigla niya namang kinuha ang cellphone niya na naka charge at tinignan ang orasan. 

"4am palang naman eh!" sabi ni Yva sa akin at halatang gusto niya pang matulog .

"Gusto mong ma late?" tanong ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako at tumawa nalang ako. 

Pumunta muna ako sa kusina at umupo ako, tahimik na nag dasal ng ilang minuto. 

Tumayo na ako sa at pumunta sa may kalan. 

Kinuha ko ang kawali at inilagay ito sa kalan. Binuksan ko na ang apoy at hinayaan ko munang uminit ang kawali. 

Habang iniintay kung uminit ang kawali ay kumuha muna ako ng sausage sa cabinet at kumuha din ako ng butter sa reff. 

Binuksan ko ang sausage at binuhos ang tubig ng sausage sa lababo.

Pag ka buhos ko ay nilagay ko ang kamay ko sa kawali at naramdaman kung mainit init na ito kaya kinuha ko na ang butter at kumuha ng tinidor para kumuha ng slice ng butter. 

Nilagay ko ang slice ng butter sa kawali at kinalat ko iyon.

Pag kalat ko ng butter ay nilagay ko na din ang sausage. 

Mabilis ma luto ang sausage kaya ayun ang napili kung kainin namin ngayon ni Yva. 

"Wow sausage" sabi ni Yva sa likod ko habang tinitignan niya ang sausage. 

Halatang kaka tapos lang ni Yva maligo dahil naka taklob pa ang buhok niya sa towel. 

"Mag lagay ka na ng plato, kutsara, at tinidor at mabilis lang namang ma luto ito" sabi ko kay Yva. 

Tumango lang siya at kumuha na siya ng mga pinapautos ko sa kanya. 

Pinakuha ko na din siya ng mangkok para mailagay na ang sausage doon. 

Nalagay na ni Yva ang mga plato sa lamesa at ang mga kutsara at tinidor. 

Tapos ng ma luto ang sausage kaya sinarado ko na ang apoy at kinuha ang sausage sa kawali. 

"Kain ka na muna, maliligo lang ako ng mabilis" sabi ko kay Yva ng mailagay ko ang mangkok na may lamang sausage sa lamesa. "Kumuha ka na ng kanin dyan, may natira pa naman tayong kanin eh" dagdag ko pa. 

Tumango siya. "Yung bilis mo naman 30 minutes e" pang asar niya sa akin. 

"Gusto mo 20 minutes?" tanong ko sa kanya at sabay tumawa. 

"Kung kaya mo" hamon niya sa akin. 

"Sige ah" sagot ko sa kanya. 

Inirapan ko siya at nag lakad nag lakad na papasok sa kwarto at dumeretso sa CR. 

Binuksan ko ang heater ng shower para uminit ito at para maka ligo na ako. 

Hinubad ko ang mga damit ko at nag simulang maligo. 

Blinded by LoveWhere stories live. Discover now