11

4 0 0
                                    

"Thank you for making my night, wonderful." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Bumaba na ako sa kotse niya at nag paalam ulit sa kanya at hinintay ko na maka alis siya bago ako pumasok ng building. 



"Naka uwi na 'ko." Sabi ko para marinig ni Yva na naka uwi na 'ko. Tinanggal ko ang mga sapatos ko at inilagay sa may nilalagyan namin ng sapatos dito sa gilid ng pinto. 



"How's your date with my kuya? Torpe ba? Boring ba?" Tanong niya sa akin nang maka upo ako sa sofa at binuksan ang TV. 



"Straight forward." Sagot ko sa kanya at ngumiti. Nag hanap ako ng pwedeng panoorin ngayon dahil bored ako. Alam ko rin namang hindi ako makaka tulog ka agad lalo na sa ginawa ni Laurense kanina. Straight forward moments nga naman hayst. 



"Straight forward? Weh? 'Di nga?" "Panong straight forward yan?" Sunod sunod na tanong niya sa akin na parang batang excited sa kwento ng iba. 



"Wag na, baka mainggit kapa sa relasyon namin e." Sabi ko at tumawa. "Uy Business Proposal." Pag iba ko ng topic ng makita ko ang Kdrama na 'yon sa netflix. 



"Ano ngaa? Bakit hinalikan ka ba niya ha?" Tanong niya sa akin. 



"Oo." Sabi ko at ngumiti. Sinumulan ko ng panoorin ang K-dramang nakita ko. 



"Weh? Forehead or lips?" 



"Forehead. Syempre hindi ko pa siya papayagan na halikan ako sa labi 'no! I want it to be more special, you know." 



"Gusto mo more hot?" 



"Gaga!" Sabi ko at hinampas siya nang malakas. 



Tumawa lang siya at nanood na lang kami. 



"Anong oras na?" Tanong ko ng maalipungatan ako. Naka tulog na kami sa sofa ni Yva. Yva is on my lap while I'm just sitting here at the sofa. 



Hinanap ko ang cellphone ko sa bag ko at nang makita ang oras ay napa tayo ako ka agad.



"Tang ina! Ang sakit!" Sabi ni Yva ng maka upo siya nang maayos at hawak hawak ang ulo niya. 



"8 NA, LATE NA TAYO SA FIRST SUBJECT NATIN." Sabi ko habang nag mamadali akong mag ayos ng mga gamit. 

Blinded by LoveWhere stories live. Discover now