12

2 0 0
                                    

"Saturday na naman." Sabi ko habang naka higa at naka cellphone.

"Ang bilis ng araw 'no, super sonic ata yung araw ngayong week e." Sagot naman ni Yva na nasa kama rin niya.

"Sinabi mo pa." Sabay tawa ko.

"Any ways, nag message na ba sa 'yo si jowabels mo ulit?" Tanong nito sa akin.

"Oo e- Ay!? Sinong jowa!? Bitch!" Hindi ko agad na intindihan ang sinabi niya sa sa 'kin dahil ako'y naka titig lang sa cellphone ko at nag ha-hanap ng pwedeng pag chismisan.

"Uy, sino nasa isip mo nung sinabi ko yung word na 'jowa', huh?!"

"Wala. Lutang ako, okay?! Nag ha-hanap kasi ako ng pwedeng chismis e." Pag de-depensa ko sa sarili ko na tama naman.

Habang nag s-scroll ako sa Facebook ay nag message si Nics sa 'kin. "Wow! Nag paparamdam pa pala 'tong bruhang 'to!" Sabi ko at binuksan ang message ni Nics sa akin.

Message: NICS - WILD MO
-Tara gala! Pwede ako ngayon. Nakalmutan ko kung kelan yung sinabi kong gala nating tatlo e.

Message: You
-Anong oras yan?

Message: NICS - WILD MO
-Ngayon na. Nasa harap na ''ko ng building n'yo:)

Na pa ubo ako bigla.

Message: You
-Ang bilis mo talaga tuwing may galaan 'no! Hindi pa nga ready yung kasama mo e!

Message: NICS - WILD MO
-Oms. Hintayin ko nalang kayo dito, bilisan n'yo.

Nireact ko nalang ng fun react yung message niya at sinabihan na si Yva na mag ayos dahil nandito nga si Nics sa building namin.

Buti nalang at naka ligo na kaming dalawa ni Yva kanina pang umaga dahil kung hindi ay matatagalan kami! Nag suot ako ng Over-sized T-shirt at shorts dahil mainit naman e. Si Yva naman ay naka suot ng Jogging pants at jacket.

"Ang init init, ayan suot mo sis!" Reklamo ko sa kanya.

"Kaya nga diba! Mainit! So, mag susuot ako ng ganito para proteksyon sa maganda kung balat!" Sagot naman nito sa akin.

May point naman s'ya, pero pwede naman siya mag sun screen e! Pero bahala siya sa buhay niya, Her body, her choice. Kinuha ko ang bag ko na naka sabit sa may tabi ng mga sapatos at inayos ang bag ko. Nag suot na rin ako ng sapatos at nag light lipstick.

"Hay salamat at naka baba na rin kayo sa lungga ninyo!" Sabi ni Nics ng makita kaming dalawa ni Yva.

"E kasalanan mo yan e! Nag aya ka kung kailan ka nandito na!" Reklamo ko sa kanya.

Nicolet was wearing a thin cloth jacket and a white croptop inside of it. Naka maong pants din siya at naka sapatos syempre alanganamang naka paa lang diba. Chos.

Pumunta na kami sa kotse niyang ma-mahalin at syempre umupo diba, alanganamang naka tayo lang kami habang nag da-drive 'tong kupal na 'to. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Yva kay Nics.

"Kahit saan. Kung sa'n 'ko trip." Sagot naman nitong babaeng 'to.

"3pm na 3pm mag aaya ka ng gala tapos sa-sabihin mo na kahit saan?! Anong na kain mo sis!" Reklamo ko naman sa kanya.

Bored nga kami ni Yva pero jusko! Hindi naman namin sinabi na ganitong ka init kami la-labas 'no!

"Alam ko na kung saan tayo pupunta!" Biglaang sabi nito sa 'min.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blinded by LoveWhere stories live. Discover now