4

6 0 0
                                    

"Thank you sa alak!" sabi namin kay Nics bago lumabas sa condo niya.

Tumawa siya. "Oh siya sa susunod ulit!" sabi niya saamin.

"Kelan yan?" tanong ko sakanya.

"Abangan niyo nalang!" sabi niya saakin.

"Ay nako! sige na nga! Lasing na din yung kasama ko e! Babye na" sabi ko sakanya habang hawak hawak ko si Yva at hawak din ni Laurense si Yva sa kabila.

"Bye" sabi niya saamin.

"Dami nitong nainom malamang" sabi ko sa hangin.

"Ang bigat naman nito" sabi ni Laurense.

"True" sagot ko sakanya.

Napa buntong hininga ako ng maka rating kami sa elevator. Kinuha ko ang cellphone ko gamit ang isa kung kamay.

"1 na pala" sabi ko ng makita ang orasan sa cellphone ko.

Akala ko 11 palang eh! Pero ano pa nga ba inaasahan ko? ganto naman lagi tuwing nag aaya si Nics e. Lagi nalang nauuwi hanggang madaling araw na.

Naka sakay na kami sa elevator at hinintay na bumukas ulit ito.

"Inaantok nako" sabi ko habang humihikab.

Maya maya pa ay nakita kona bumukas na ang elevator kaya nag lakad na din kami ni Laurense pa labas at nakita namin si Sean.

"Uy, hatid ko na kayo?" tanong niya saamin.

"Ay wag na, nakakahiya!" sabi ko kay Sean.

"I insist" sabi niya saakin at bigla niyang tinanggal ang kamay ko na nag aalalagy kay Yva at siya ang pumalit.

Nag lakad na siya ulit kaya napa sama nalang si Laurense at nilagay nila ito sa kotse.

Nawala lalo ang mood ni Laurense ng makita ko ang mukha niya. Mukhang ayaw niya kay Sean ah, bakit kaya?

"Ano tara?" tanong ni Sean saamin.

"Sama kana sakanya, mag tricycle nalang ako" seryosong sabi ni Laurense saakin.

Tinignan ko siya at hinawakan ang kamay niya at hinatak siya. Pinapasok ko siya sa loob at sumabay na din akong pumasok at sinara ang pinto.

"Tara na" sabi ko kay Sean.

Nag drive na nga si Sean at bigla akong napa tingin kay Laurense. Nakita ko na naka hawak parin pala ako sakanya kaya tinanggal ko agad ang kamay ko sakanya. Bigla naman siyang napa tingin sakin papunta sa kamay ko.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

"Nothing, 'di ko namalayan na naka
hawak parin pala kamay mo saakin.

Napatawa ako kaya napa tawa na din siya.

"Saan ko pala kayo ibababa?" biglang tanong ni Sean saamin.

"Sa Torre de Manila" sabi naman ni Laurense may Sean.

Tumango si Sean at nag dadrive parin.

Na abutan kami ng traffic kaya napa tagalan pa kami bago maka uwi.

Habang nag hihintay kami na mag green light ay bigla nalang ako napa sandal sa balikat ni Laurense at naka tulog nalang bigla.

Habang natutulog ako ay naaamoy ko ang perfume niya. Ang bango.

Inayos ni Laurense ang ulo ko para hindi mahulog yung ulo ko sa balikat niya. Ang soft ng kamay niya at may pag kalamig ng unti.

"Gising na Yanna!" sigaw ni Yva saakin. Ang sakit ng ulo ko at antok na antok parin.

Blinded by LoveWhere stories live. Discover now