6

5 0 0
                                    

"Dito lang po" sabi ko sa driver ng Taxi. 

Ginilid ni kuya yung Taxi at tumigil siya, inabot ko naman ang bayad sakanya at bumaba na kami ni Yva sa Taxi. 

"Ano, kakatok na ba tayo o tatayo nalang tayo dito?" Tanong ko kay Yva. 

"It's been 1 year na din ng hindi ako bumibisita dito" Sabi niya saakin habang naka tingin parin siya sa bahay. 

"Tara na?" tanong ko sakanya.

Tumango siya at nag doorbell na kami. 

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at bumungad saamin si Laurense. 

Naka suot si Laurense ng Long sleeve na puti at naka Pants siya na itim at naka itim din siyang sapatos. Pormal na pormal ang suot niya.  Si Yva naman ay naka Sunflower na Tshirt at naka Ripped jeans at Habang ako  naman ay naka croptop na naka puting jacket at naka White na jogging pants.

"Hello, nandito kana pala Yva" ngiting sabi ni Laurense. 

"Kasama ko si Yanna oh, hindi lang ako ang nag punta rito" sabi  ni Yva kay Laurense. 

"Oh, hi" biglang tingin ni Laurense saakin at ngumiti din saakin. 

Nag senyales siya na pumasok na kami kaya una ng pumasok si Yva at sumunod naman ako sakanya. 

Pag ka pasok namin ay sinara na ni Laurense and pinto at nakita kung hindi din nag bago ang mga furniture o kahit ano sa bahay nila Yva. Nilibot ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang kwarto na lagi naming pinupuntahan ni Yva nung bata pa kami. 

"Nandito na pala kayo" biglang ngiti saamin ng nanay ni Yva. 

"Hello po Tita Shella" biglang tingin ko kay tita at ngumiti. 

"Kamusta na kayo?" tanong ni Yva kay Tita Shella. 

"Okay lang naman, tara umupo muna kayo" at saka tinuro niya ang sofa na nasa gilid. 

Tumango naman kami ni Yva at umupo na kami. 

Nag intay kami ni Yva ng limang minuto ng bigla si Yva na tumayo at pumunta kay Laurense. Hindi na ako tumayo at tinignan ko lang sila na nag uusap. Hindi ko alam kung ano ang pinag uuaspan nila pero parang seryoso ito. 

Maya maya pa ay tumayo na ako at pumunta muna sa kusina nila dahil bigla akong nauhaw. Alam ko na ang pasikot sikot ng bahay nila dahil lagi ako napunta rito ng bata pa kami. Bago ako maka punta sa kusina ay napa daan muna ako sa kwarto na lagi naming pinag tatambayan ni Yva. 

Kailan man ay hindi ko nakita si Laurense na pumunta rito sa bahay nila dahil nasa ibang bansa siya kasama ang tatay niya. 

"Wala paring pinag bago" sabi ko ng makita ang loob ng kwarto. Pumasok ako sa loob at nakita ko sa gilid, sa tapat ng bintana ang dati naming bahay bahayan ni Yva. Nakita ko rin sa loob ang mga luto lutuan at ang mga laruan na nasa box. 

"Wala talagang pinag bago dito sa kwartong to" sabi ko at ngumiti. 

"Nandito ka pala, kanina pa kita hinahanap e" biglang sabi sa harapan ng pinto at naka tingin saakin. 

Napa tingin naman ako sakanya at saka pumunta pa palapit sakanya, sinara ko ang pinto at bumalik kami ni Yva sa kinauupuan namin. 

"I'm home" sabi ng dad ni Yva pag ka bukas niya ng pinto. 

"Hi po Tito Benj" sabi ko at kumaway. 

Ngumiti siya saakin at dumeretso siya sa taas. Mukhang hindi na siya nagulat saakin at parang alam niya na na pupunta ako dahil nga lagi kung kasama si Yva. 

Blinded by LoveWhere stories live. Discover now