Manila

405 23 0
                                        

Jake POV:

Dumating na ang araw na inaasahan namin. Nakahanda na ang mga gamit ko na nakalagay sa malaking maleta.Hinihintay ko nalang si tyronne na sunduin ako sa bahay.

"kuya mamimiss kita." yumakap si ethan sa'kin at yumakap din ako sa kanya.
"mamimiss din kita bunso, pati na rin si lola. Halika nga dito la, group hug tayo." lumapit si lola at naggroup hug kaming tatlo.
"alagaan mo ang sarili mo dun apo." lola.
"opo la, nandun naman si ate at si tyronne, you have nothing to worry about." sabi ko.

Narinig na naming bumubusina ang kotse ni tyronne.
"la, I need to go, nandyan na si tyronne." nagkiss ako sa pisngi ni lola.
"ikaw, huwag mong bigyan ng sakit sa ulo si lola ha." nagkiss din ako sa pisngi ni ethan.
"eww! si kuya, hindi na ako bata." reklamo nya.
"huwag mong kalimutan ang bilin ko. Si lola alagaan mo dito, at mag.aral ka din ng mabuti." niyakap ko sila sa huling sandali.
"oo, susundin ko lahat ng bilin mo, kuya." ethan.
"mag.iingat kayo dun apo. Ikumusta mo ako sa ate mo." lola.
"opo, aalis na po ako." hinila ko na ang maleta at lumabas na ng bahay.

Paglabas ko, hindi pala kotse ni tyronne ang maghahatid sa'min, kotse pala ni zeke.

"bilis na jake, malalate na tayo sa flight." tyronne.
"wow ha, ang aga pa kaya." binuksan ko ang likod ng kotse at inilagay ko ang luggage dun.

Pagsakay ko sa kotse, nagpaalam kaming tatlo kay lola na nakatayo sa harap ng gate. At pinaandar na ni zeke ang sasakyan.

Mga 15mins. lang ang byahe at nakarating na kami sa airport.Binaba na namin ni tyronne ang mga gamit namin sa kotse ni zeke.Pinauna ko sa loob ng airport si tyronne at kinausap ko, sandali si zeke.

"anong pag.uusapan natin, jake?" tanong nya.
"about you and my younger brother." sabi ko. Nabigla sya sa sinabi ko, at yumuko.
"I'm really sorry for.." hindi ko na sya pinatapos.
"you don't need to feel sorry, I understand both of you. All I wanted is, please don't hurt my brother's feelings. If you hurt him.." hindi nya ako pinatapos.
"I promise, I won't hurt your little brother." sabi nya.Niyakap nya ako.
"salamat ng marami, jake. Nakahinga rin ako ng maluwag." sabi nya, at bumitaw na sa pagkayakap sa'kin. Nginitian ko nalang sya.
"please take care of my lola and ethan, for me." sabi ko.
"you've always count on me, jake." ngumiti sya.
"sige, I need to go inside." sabi ko.
"mag.ingat kayo ni tyronne sa byahe." zeke.
Tumango lang ako, at pumasok na sa loob.

"anong pinag.usap nyo ni ezekiel?" tanong ni tyronne. Nakaupo kami ngayon sa waiting area.
"nagbilin lang ako sa kanya, na bantayan nya paminsan minsan sila lola." ako.
"ahh, ok." maikli nyang sabi.
Naka onboarding na ang flight namin, kaya pumunta na kami sa gate no.4 kung saan nandun ang eroplano na sasakyan namin.

Pagpasok namin sa loob ng eroplano inilagay namin sa passenger cabin ang aming mga bagahe.At umupo na kami ni tyronne sa passenger seat.

"take this." inabot ni tyronne ang isang chewing gum.
"thanks." sabi ko. Tumango lang sya.

"fasten your seatbelt and get ready for take off" announce yung isang cabin crew.

Pinikit ko ang aking mga mata, habang nginunguya ko ang chewing gum na bigay ni tyronne.Naalala ko ang usapan namin ni william kagabi.

(flashback)

"Kasi kung hindi nya ako mahal, bakit nya isasakripisyo ang pag.aaral nya sa maynila, para lang sa akin." Hindi iyon mawala sa isipan ko, kaya bumaba ako sa kusina at kumain ng ice cream.

=1 message recieved=
I open the message came from william.
*sunduin kita sa airport bukas.*
*no need, kasama ko naman ang kaibigan ko.* reply ko.
*sino dun?* txt nya.
*si tyronne.* reply ko.
*ahh, ok. Saang university sya, mag.aaral?* txt nya.
*sa sandoval rin.* reply ko.
*so, you mean, iisang kwarto lang din kayo titira?* txt nya.
*nope, may sarili syang unit outside the campus, sabi nya.* reply ko.
*buti naman, akala ko, titira kayo nang magkasama.* txt nya.
*paano kung ganun nga? may problema ba dun?* reply ko.
*oo, kasi, gusto ko, akin ka lang. 😊* txt nya.
*here we go again.* reply ko.
*joke lang.* txt nya.
*speaking of unit. Ikaw bahala sa place na titirhan ko ha.* reply ko.
*don't worry, I already handle that thing. Sa loob ng university may dorm, doon tayo titira ng magkasama.* txt nya.
*living with you? why? akala ko, ako lang mag.isa sa unit na kukunin mo?* reply ko.
*ayaw mo nun, always na tayong, magsasama.😉* txt nya.
*may magagawa pa ba ako.* reply ko.

Casual Lovers Where stories live. Discover now