(Kenzo's P.O.V)
Two days after that night. I've made promise to myself, that I'll make sure, my wifey, would be my first priority.
Exacty 6am ay bumangon na'ko and today, I'm planning to cook breakfast for him, 'cause it's been awhile since the last time we'd eat breakfast together.
"ano kayang masarap lutuin?" tanong ko, sa sarili ko. Habang nakatingin sa laman ng ref.
"tama. I'll cook adobo for him." sabi ko. Sabay nilabas ang whole chicken sa ref. at ang iba pang mga ingredients.
Binabad ko muna sa tubig ang nagyeyelong whole chicken at nagsaing na rin ako ng bigas sa rice cooker 😂😂. Habang abala ako sa paghihiwa ng mga sangkap ay bigla kong naalala ang unang gabi ng pagkikita namin ni wifey. He's so wasted that night, to think na magpapakamatay ako 😊. Dahil sa pag-rereminisce ko, ay nasugatan ko ang daliri ko.
"ouch!!" sigaw ko. Bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsilyo at bigla ring tumulo ang dugo sa sugat ko. Namutla ako ng makakita ako ng dugo at hindi na 'ko nakagalaw sa kinatatayuan ko.
"good morning!!" Napatingin ako, sa papalapit kong wifey. "oh my god!" sigaw nya. Bigla syang tumakbo papunta sa'kin at kinuha ang kamay ko, at sinipsip ang sugat sa daliri ko.
"ano ka ba!! bakit nakatunganga ka lang d'yan?!" nag-aalala nyang sabi. Nakatingin lang talaga ako sa kanya. Tinigilan na nya ang pagsipsip sa daliri ko at hinugasan na nya ito ng tubig.
"dito ka lang ha! kukuha lang ako ng first aid kit." bilin nya sa'kin. Tumango lang ako at tinungo na nya ang kwarto namin.
Tiningnan ko ang sugat sa daliri ko at siniguradong wala na talagang dugo na lalabas dito. Nang matiyak ko, ay nakahinga na 'ko ng maluwag. Ewan ko ba? simula bata palang ako, ay takot na 'ko sa dugo. Everytime na nasusugatan ako o nakakakita ng dugo ay namumutla agad ako. Maswerte nalang ako, dahil nandito ang wifey ko. Lumabas agad sya ng kwarto, dala ang first aid kit at lumapit sa'kin.
"Akin na kamay mo." sabi nya. Inabot ko sa kanya ang kamay ko.
"next time, mag-ingat ka naman." dagdag nya. Napangiti nalang ako sa kanya.
"opo. Sorry kung napag-alala kita." sabi ko. Tumingin sya sa'kin at binalik ang tingin sa daliri ko.
"sinong hindi mag-aalala?? eh, nakita kong napakaputla muna kanina." sabi nya. After nyang lagyan ng gasa ang sugat ko, sunod naman nyang ginawa ay takpan ito ng bandage.
"I'm so lucky to have you." Biglang sabi ko.
"I know. Pero mas maswerte ako, sa'yo." sabi nya.Napangiti ako, sa sinabi nyang iyon.
"talaga? gaano ka kaswerte?" tanong ko. Tumayo sya at pumunta sa likuran ko.
"sobrang swerte ko, dahil ikaw ang binigay ng tadhana para sa'kin." sabi nya. Habang nakayakap sa likod ko. Ang sarap ng yakap nya sa'kin, sana ganito sya palagi 😍.
"ikaw ha? magaling ka nang magpakilig." sabi ko. Bumitaw na sya sa pagyakap sa'kin.
"syempre! akala mo ikaw lang? magaling din kaya ako." sabi nya. Lumingon ako sa kanya at nagtungo naman sya sa lababo.
"magluluto ka ba?" tanong nya. Sabay angat ng whole chicken.
"sana, kaso..." Hindi na nya 'ko pinatapos pa.
"ano bang lulutuin mo?? ako nalang magluluto?" sabi nya. Nagulat at napangiti ako sa sinabi nya.
"oh? why are you smiling?" tanong nya.
"nothing." tugon ko.
"ok, so? ano ngang lulutuin mo? " tanong nya ulit. Napabuntong hininga ako.
"adobo. I was planning to surprise you, but here it happened." sabi ko. Nginitian nya 'ko at kinuha ang kutsilyo sa mesa.
YOU ARE READING
Casual Lovers
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...
