(Jake's P.O.V)
Pagkapasok pa lang namin ni hubby sa classroom, ay agad na kaming sinalubong nila clarisse.
"oyy jake, may nagbigay ng flowers and chocolates, sayo." sabi ni clarisse.
"huh?? sino??" tanong ko. At tiningnan ko si hubby. Nakita ko, sa mukha nya ang pagtataka.
"hindi rin namin alam." clarisse. At hinila ako, papunta sa upuan ko.
"ito ohh." Inabot ni patricia ang bouquet of red roses, sa'kin.
"at ito rin." Inabot ni andrea ang tatlong klase ng toblerone.
" wow, ang romantic naman nang nagbigay. Sana ako din." sabi ni clarisse.
Nagtataka man, ay inabot ko ang flowers and chocolates. Binasa ko ang notes, na nakasulat.
*Hi, Jake. Hope you'll like it. 😊 ~ from: secret admirer. *
"akin na." sabi ni hubby. Agad nyang kinuha ang bouquet of flowers and chocolates sa kamay ko. At binigay kina clarisse.
"sa inyo na 'yan, girls." sabi ni hubby. Nakita ko sa mukha nila, ang pagtataka.
"ok, lang ba??" tanong ni clarisse, sakin.
"oo naman, hindi kasi ako mahilig sa flowers and chocolates. Alam nyo na." nakangiti kong sabi.
"thank you, jake." masayang sabi ni clarisse.
"tuwang-tuwa?? feeling, sya ang binigyan?" pambasag ni andrea at patricia.
"chee!! inggit lang kayo." sabi ni clarisse, at bumalik na sila, sa kanilang upuan.
Umupo na rin kami ni hubby, at napansin ko ang pananahimik nya.
"oy, tahimik ka? may problema ba??" tanong ko. Umiling lang sya.
"wee?? 'di nga?? sabihin mo na." pangungulit ko. Tumingin lang sya, nang seryoso sa'kin.
"don't tell me? na..." hindi nya 'ko pinatapos.
"yes, nagseselos ako." mahina nya'ng sabi. Kinilig ako, sa sinabi nya.
"seryoso?? bakit??" tanong ko. Lumapit at bumulong sya, sa tenga ko.
"ako 'yung boyfriend mo, pero iba ang nagbigay ng flowers at chocolates sa'yo." bulong nya.
"wala kang dapat ikaselos. Kasi, ikaw ang pinili ko." bulong ko. Napangiti sya, sa sinabi ko.
"oyy, kinilig." bulong ko.
"sinong hindi kikiligin dun." sabi nya. Kinurot ko nalang ang pisngi nya, at ginantihan din nya 'ko.
"sana all." napalingon kami ni hubby. Sila clarisse lang pala, at ang iba pang mga kaklase namin.
Nagtitigan at nagtawanan nalang kami ni hubby.
(Justine's P.O.V)
Dahil sa maaga pa, ay naisipan kong pumunta muna sa paborito kong coffee shop, at doon muna tumambay.
"good morning, sir." nakangiting bungad sa'kin ng barista.
"good morning din." nakangiti kong sabi. Pansin ko lang, na bago ang barista ngayon.
"bago ka dito?" tanong ko.
"opo sir, kakasimula ko lang kahapon." sabi nya.
"ahh, I see." Tiningnan ko ang name plate nya. " glenn, pala ang name mo." sabi ko.
"yes, sir. Ahh.. sir, can I take your order?" yung glenn. Napangiti nalang ako.
"ayy sorry, nawala sa isip ko." natatawa kong sabi. Napangiti nalang sya.
" isang americano at isang slice ng dark chocolate cake." sabi ko.
YOU ARE READING
Casual Lovers
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...
