Boyfriend's Duty

353 24 0
                                        

(Justine's P.O.V)

Every weekends, nakasanayan ko nang magjogging sa loob ng subdivision, nakaka dalawa, tatlo o apat na ikot ako, depende sa mood. I'm doing this, just to relax my mind, to keep my body in shape as well.😊

Pagkatapos kong magjogging ay uuwi ako ng bahay, para maligo at pupunta sa favorite place ko... Ang coffee shop, na naging tambayan ko na, sa tuwing nag.iisa ako.

"goodmorning, sir justine." nakangiting bati ni glenn. Actually, naging close kami, in a short period of time.

"goodmorning din, glenn." nakangiti ko ring bati sa kanya.

"one americano and one slice of dark chocolate cake, sir?" tanong nya. Tumango at ngumiti ako sa kanya.
"ok, just wait for a minute, sir." nakangiti nyang sabi. At umalis na sya sa counter, para ihanda ang order ko.

Nakatingin lang ako sa kanya, habang abala sya sa paggawa ng americano. Ngayon ko lang napansin, may kagwapuhan din palang taglay, ang taong 'to. What if, magkagusto ako sa kanya? o magkagusto sya sa'kin?? May chance kayang maging kami??

"sir! sir!"

Napabalik ako sa realidad, nang tawagin nya 'ko. Shit!! nakakahiya!!.

"sorry, glenn. May iniisip lang. Heto na bayad ko." inabot ko sa kanya, ang pera. Nakita ko, ang pagpipigil nyang tumawa.

"what?? may nakakatawa ba??" tanong ko.

"wala po, sir. heto na po ang sukli nyo." inabot nya ang sukli ko.

"sayo na 'yan." sabi ko.

"pero sir, palagi nyo nalang akong binibigyan ng ganito kalaking tip, nakakahiya na pong tanggapin." nakayuko nyang sabi.

"hindi mo kailangang mahiya, binigay ko sayo 'yan." sabi ko. At tumalikod na'ko sa kanya.

"thank you sa tip, sir justine." sabi nya.

Humarap ulit ako sa kanya, at lumapit.
"glenn, can I get your phone no.??" nakangiti kong tanong. Nabigla sya sa sinabi.

"po?? bakit po?" tanong nya.

"I just want to keep in touch with you." sabi ko. Sabay labas ng phone ko.

"ok, po." Inabot ko sa kanya ang phone ko, at isinave na ang no. nya, sa phone ko.
"ito na po, sir" sabi nya. Sabay abot sa phone ko.

"ok, thank you." sabi ko. Tinawagan ko ang no. nya, at tumunog agad ang kanyang phone.

Kinuha nya ang kanyang phone, at sasagutin na sana ang tawag. Ngunit, pinigilan ko sya.

"Don't answer it." sabi ko. Sabay pakita sa phone ko. Ngumiti lang sya sa'kin.
"Isave mo ang no. ko. Kapag may kailangan ka, don't hesitate to call." sabi ko.

"ok, po, sir." sabi nya.

"welcome." sabi ko. Tumalikod na'ko sa kanya, at pumunta na sa favorite table ko. Doon sa pwesto ko, malaya akong nakakapag.isip.

(Adrian's P.O.V)

"good morning, tita." bati ko, sa mommy ni sofia.

"good morning din, hijo." nakangiti nyang tugon. At pinapasok ako, sa loob ng bahay nila.

"si sofia, po?" tanong ko.

"nasa kwarto pa, hijo. Sandali lang, at aakyatin ko muna." sabi ni tita. At umakyat na sya sa kwarto ni sofia.

Sa living room na'ko naghintay, habang binabasa ko ang dyaryo, na nakalatag sa mesa.

"babe, kanina ka pa?? sorry, kong matagal akong mag.ayos??" Nagulat ako, sa biglang pagsasalita ni sofia. Nakafocus kasi ako, sa pagbabasa ng dyaryo.

Casual Lovers Where stories live. Discover now