Surprise Date

291 22 0
                                        

(Jake's P.O.V.)

"very well done, guys." sabi ni prof. kenth. Nagpalakpakan naman kaming lahat, dahil natapos na rin ang audition namin at excited na rin sa kung sino ang makakakuha ng lead role.

"prof. kailan po ba namin malalaman ang final results?" tanong ni luke.

"the day after tomorrow. Sige guys, I gotta go." sabi ni prof. at bumaba na sya sa stage.
"great act." sabi ni prof. sa'kin.

"thanks, prof." sabi ko. Lumapit sa'min sila patricia at 'yung luke.

"you too, guys. Ang galing nyo." sabi ni prof. sa kanilang dalawa. Ngumiti lang si patricia at nagmalaki naman ang luke na 'to.

"pretty sure naman ako prof. na ako ang makakakuha ng lead role." pagmamayabang nya. Ngumiti si prof. sa kanya at tumingin sa'kin.

"Let see." sabi ni prof. Pagkatapos nun ay umalis na sya.

Tiningnan ako ng masama ni luke, ginantihan ko rin ang mga titig nya sa'kin. Akala siguro nya matatakot ako sa kanya, no way!!. Kaya ayon umalis, natakot siguro sya sa'kin. (bwahahaha... joke lang.)

"congrats, jake. Ang galing mong umarte kanina." si patricia.

"hindi naman. Parehas lang tayong lahat na magaling." sabi ko.

"sos! pa-humble ka pa." si patricia. Nginitian ko nalang sya.

"asan sila andrea at clarisse?" tanong ko, para maiba ang usapan namin. Tinuro ni patricia, sila andrea na papalapit na sa'min.

"here, take this." si andrea. Inabot nya sa'kin ang naka-hanger na white tuxedo.

"para saan 'to??" tanong ko. Sabay abot ng tuxedo.

"may party tayong pupuntahan." sabi nya.

"anong party??" tanong ko.

"basta! huwag ka nang matanong." si andrea. Sabay hila sa'kin palabas ng Drama club.

Wala na 'kong nagawa kundi ang sumunod sa kanya at sumakay kami sa kotse nya. With clarisse, patricia, and her bodyguards.

"señorita, saan po tayo?" tanong ng driver/bodyguard nya.

"manong, sa Casa Hotel tayo." sabi nya.

"opo, señorita." 'yung driver. Sabay paandar ng kotse.

"wait lang andrea, kailangan ko munang magpaalam kay kenzo." sabi ko.

"no need na jake. Pinaalam ka na namin kay william, pumayag na sya." sabat ni clarisse.

"pe-pero kailangan ko munang maligo, nangangamoy pawis na 'ko." sabi ko. Napatitig silang tatlo sa'kin.

"excuses. Pero sige, pagbibigyan ka namin." si andrea.

"thanks." saad ko.

"manong, hinto ka muna sa campus dorm." utos ni andrea.

"opo, señorita." yung driver.

Pagkahinto namin sa parking lot ng dorm, ay bumaba na kami agad sa kotse at sumakay sa elevator. Pinapasok ko silang tatlo sa unit namin ni hubby at pinagtimpla sila ng juice.

"guys, kung may gusto kayong kainin, kuha lang kayo sa ref." sabi ko.

"ok. Maligo ka na para makaalis na tayo." sabi ni andrea.

"ok po, señorita andrea." sabi ko. Sabay pasok sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ay tinawagan ko kaagad si hubby, para magpaalam sa kanya na isasama ako nila andrea sa isang party.

Casual Lovers Where stories live. Discover now