Hindi mababaw na dahilan ang nararamdaman ko, para sayo!!" inilapit nya ng husto ang mukha nya sa mukha ko.
"here we go again, pwede ba? tigilan mo na ang kakatrip sa'kin." sabi ko.
"hindi kita pinagtritripan, lahat ng sinabi kong pabiro, totoo yun!! totoo lahat yun!" hinawakan nya ko sa magkabilang pisngi at dahan dahang lumapit ang labi nya..
Kinakabahan ako, kasi nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga na palapit na ng palapit.
Hanggang sa naramdaman ko na, ang malambot nyang labi ay dumampi sa labi ko.
Wala akong ibang nagawa, kundi pumikit at lasapin ang tamis ng kanyang halik. Tanging paghinga at lakas ng kabog sa aking puso, ang naging musika sa sandaling iyon.
Actually, second kiss ko na ito, pero feeling ko, this kiss, is my first kiss.
Nasa ganun akong sitwasyon, nang maalala ko ang ginawa sa'kin ni aljosh.
"kenzo, tama na, mali ito!" tinulak ko sya.
Lumabas agad ako sa classroom. Sa fire exit ako dumaan, instead sa elevator.
Nagmamadali akong naglakad, para di nya ko maabutan, ngunit sadyang bilis din nya akong naabutan, at hinawakan ang kaliwang braso ko.
"jake, sandali!" nang mahawakan na nya ang braso ko.
"kenzo, bitawan mo'ko!!" pagpupumiglas ko.
Sa halip na bitawan, niyakap pa nya ako mula sa likod.
"hindi kita bibitawan, hindi ka na makakawala sa'kin." sabi nya. Umiyak nalang ako.
(Kung pwede ko lang sanang pagbigyan ang puso ko, ginawa ko na. Kaso, alam ko ang kahihinatnan nito. Masasaktan at masasaktan rin lang ako sa huli.)
"sabi nang bitawan mo'ko!! ano ba?!" pinipilit kong kumawala sa pagkakayakap nya, ngunit nabibigo lang ako.
"mahal na mahal kita, hindi kita sasaktan." sabi nya. Umiiyak na rin sya.Kasi ramdam ko ang pagpatak nito sa leeg ko.
"kung mahal mo'ko, hayaan mo akong mag.isip." sabi ko.
"kung mahal mo'ko, huwag mong ipilit ang gusto mo!! hayaan mong piliin kita, dahil mahal kita!! hindi yung ipipilit mo ang sarili mo sa'kin!" dagdag ko.
Bumitaw na sya, sa pagkakayakap sa'kin.
"tama ka. Hindi ko dapat ipilit ang sarili ko sayo." pagkasabi nyang 'yon. Umalis na sya.
Naiwan akong mag.isa at umiiyak sa fire exit. Nanatili akong nakatayo at hindi iniinda ang pangangalay ng aking binti. Mga ilang oras din akong nasa ganung posisyon, nang maisipan ko nang bumalik sa classroom. Inayos ko muna ang sarili ko, bago ako pumasok.
"nasaan ang possessive boyfriend mo?" tanong ni adrian. Nang makaupo na ako.
"hindi ko sya boyfriend, magkaibigan lang kami." sabi ko.
"kaibigan o ka.ibigan??" nagtawanan ang dalawa.
"bahala kayo, isipin nyo ang gusto nyong isipin." sabi ko. Pero hindi ko mapigilang hindi mag.alala kay kenzo. Nasaan kaya sya ngayon?.
Patuloy pa rin sa panunukso ang dalawa. Hindi ko nalang sila pinansin. Maya-maya lang, dumating na rin ang prof. namin sa Arts si Prof. Yuan Santos, pakilala nya.
"ok class, I want you to relate arts in different feelings. Give atleast one."prof. yuan.
Maraming nagsipagtaas ng kamay. At karamihan sa kanila, love ang sagot. May mga sumagot din ng happiness, pain at iba pa. Ngunit may umagaw ng atensyon ko, nang iconnect ni sir ang arts sa love.
"alam nyo class, ang arts din ay parang pag.ibig. Bakit??" prof. yuan.
"bakit po sir?" tanong ng mga girls.
"kasi sa arts ibibigay mo ang lahat, kailangan mong paglaanan ng panahon o magfocus sa ginagawa mo. Pero, kapag pumalpak o nasira diba nakakapanghinayang ang effort na nasayang?? Pero dahil sa gusto o mahal mo ang ginagawa mo, willing kang maglaan ulit ng panahon, kahit na hindi ka sure sa pangalawa o pangatlo mong subok?? Pero kapag naging maganda ang kinalabasan,diba ang sarap sa pakiramdam, kasi lahat ng paghihirap naging worth it." prof. yuan.
"tama ka dyan sir." sabi ng karamihan.
Napaisip ako sa sinabi ni prof. Tama sya, maaring magkamali sa una, pangalawa o pangatlo, ang importante sinubukan mo.
Masaya ang klase nung si prof. yuan ang nagturo. Pero nung natapos na ang klase nya, naging boring na ang sumunod na mga klase.
Pagkatapos ng first day of school, ay nagdecide na akong, bumalik sa dorm. Pagkarating ko agad akong pumunta sa kwarto, hoping na nandun lang si kenzo, pero wala sya.
Napag.isipan ko nalang na maligo muna. Pagkatapos kong maligo at makapagbihis, ay dumiretso ako sa kusina at naghanap ng pwedeng lutuin panghapunan. Nakapagluto na ako't lahat, wala pa ring kenzo na dumating. Kaya nung mga 8pm na, napag.isip kong mauna nalang kumain, dahil sa gutom na rin ako. Naghugas ng plato, nag.aral at hinanda ko na ang susuotin ko para bukas, ngunit wala pa ring kenzo na dumating. Tiningnan ko ang oras sa phone ko.
"mag aalas onse na, pero wala pa rin sya." pumunta ako sa living room at dun ko sya hihintayin.
Nakaabang lang ako sa pinto, at umaasang umuwi na sya. Tingin sa oras, tingin sa pinto, tatayo, uupo, pabalik balik ko nalang ginagawa, para hindi antukin. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang phone ko at tenext ko sya.
*kenzo, saan ka na?*
*umuwi ka na plss.*
*hihintayin kitang umuwi.*
Yun ang mga tenext ko sa kanya.
Kahit maghahating gabi na, hinintay ko pa rin sya. Alam kong may mali ako, pero tama lang na protektahan ko ang puso ko. Mahirap ng maulit ang nangyari sa'min ni aljosh. Pero bigla kong naalala ang sinabi ni sir yuan.
"Pero dahil sa gusto o mahal mo ang ginagawa mo, willing kang maglaan ulit ng panahon, kahit na hindi ka sure sa pangalawa o pangatlo mong subok?? Pero kapag naging maganda ang kinalabasan,diba ang sarap sa pakiramdam, kasi lahat ng paghihirap naging worth it."
Paulit ulit yung bumabalik sa isip ko.
"tama na ok!! ano naman kung gusto ko sya?? hindi ko isusugal ang puso ko, para masaktan lang ulit."
Para na akong baliw, na kinakausap ang sarili ko. Minabuti ko nalang na matulog sa kwarto, kasi may pasok pa bukas.
_
_
_
_
Naalimpungatan ako, nang may mga bisig na yumakap sa'kin.
to be continue...
YOU ARE READING
Casual Lovers
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...
