Realization

312 22 0
                                        

(Kenzo's P.O.V)

Buong weekend namin ni wifey, ay sa place kami ni ate abegail nagstay. I didn't expect na ipapakilala ako ni wifey, bilang boyfriend nya. Sobrang saya ko that time, dahil tinanggap ako ni ate abegail bilang boyfriend nang kapatid nya, kahit hindi maganda ang kinahinatnan ng relasyon nila ni kuya.

"salamat ate." sabi ko, kay ate.

"para saan??" tanong nya.

"kasi tinanggap mo'ko, kahit nagkahiwalay na kayo ni kuya oliver." sabi ko. Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko.

"ano man ang nangyari sa'min ng kuya mo, labas kayo dun. Basta, huwag mong saktan ang kapatid ko." sabi nya.

"promise ate, I will never hurt, jake." paninigurado ko.

"promise mo 'yan ha. Kapag nalaman kong sinaktan mo ang kapatid ko, malalagot ka sa'kin, willy." seryosong sabi ni ate.

"I promised." sabi ko.
Ngumiti si ate sa'kin at niyakap nya 'ko.

"ayy.. ang sweet naman." Biglang sabi ni wifey. Nasa kwarto pa kasi sya kanina.

"sali ako." lumapit sya sa'min at niyakap kami ni ate.

"sige na, baka malate pa kayo." bumitaw na si ate, sa pagkakayakap.

Tiningnan ni wifey, ang kanyang wristwatch.
"maaga pa naman." wifey.

"mas mabuti nang maaga, para makapaghanda pa kayo." sabi ni ate. At may inabot syang short brown envelope kay wifey.

"ano 'to ate?" tanong ni wifey.

"tingnan mo." ate. Tiningnan ni wifey ang laman ng envelope.

"passbook and atm card." wifey.

"yes, para direct munang makuha ang padalang pera nila mama at papa." sabi ni ate.

"alam ba ito nila mama at papa?" tanong ni wifey.

"yes, ako ang nag.offer sa kanila na gawan ka ng sariling bank acc. para hindi ka na maabala sa pagpunta sa'kin." sabi ni ate.

"pumayag sila agad?" wifey.

"oo. Kasi responsable at malaki ka na rin daw." sabi ni ate.

"thank you, ate." yumakap si wifey, kay ate.

"welcome nathan. Sige na, baka malate na kayo." sabi ni ate. Bumitaw na si wifey.

"sige ate, babye at thank you dito." sabi ni wifey. Tumango lang si ate.

"sige mauna na kami, ate." paalam ko kay ate.
Tumango lang din sa'kin si ate.

Nakasakay na kami sa kotse, nang pumunta si ate sa may gate, at pinaalalahanan kami.

"huwag kalimutan ang pag.aaral." sabi nya.

"opo, ate." sabi ni wifey. At umalis na kami.

(Justine's P.O.V)

Nagmulat ako ng mata, nang may kumakalikot sa tenga ko. Ang aga-aga nang.iisturbo na!!. Iisa lang naman ang taong gagawa nito.

"goodmorning" nakangiting bungad sa'kin ni adrian.

I knew it!! sya lang kasi ang may access na maglabas-masok sa bahay ko, maliban sa'kin at sa mga magulang ko.

"what brings you here??" tanong ko. Habang kinukusot ko ang mga mata ko.

"I'm here to pick you up." niyakap nya 'ko at kiniss sa pisngi. Ngumiti nalang ako sa ginawa nya.

"bangon na." hinila nya 'ko patayo. Ngunit, nagmamatigas lang ako.

Casual Lovers Where stories live. Discover now