(Kenzo's P.O.V)
Today is saturday at nagyaya si wifey na dalawin daw namin ang ate niya.
"kenzo, are you done?" narinig kong sabi nya.
Nasa kwarto pala ako ngayon nagbibihis at sya naman ay nasa living room.
"I'm almost done, wifey!" malakas kong sabi. Nagmadali na akong magpapogi at lumabas na ng kwarto.
"charan! I'm done." nakangiti kong sabi. At nilapitan ko na sya.
"finally, you're done. So, let's go." tumayo na sya. At binuksan ang pinto.
"wait!" sabi ko. At nilingon nya 'ko.
"what?" tanong nya.
"wala ka bang napansin sa hitsura ko?" tinaas-taas ko pa ang kilay ko.
" wala naman, bakit??" seryoso nyang sabi.
Lumapit ako sa kanya at inilapit ko ng husto ang mukha ko, sa mukha nya.
"what are you doing?" umiwas sya ng tingin, at namula ang pisngi nya.
" sigurado ka?? wala kang napansin, sa ayos ko ngayon?" tanong ko sa kanya.
Tinulak nya ako nang mahina.
"fine!! you look more handsome today." sabi nya. At lumabas na sya ng tuluyan.
Ang sarap talagang mapuri ng taong mahal mo. Sinarado ko na ang pinto at sinundan na sya.
"jake, hintay!" malakas kong sabi. At hinabol ko na sya.
Nang maabutan ko na sya, ay hiningal ako ng kaunti at hinawakan ko ang braso nya.
"bakit mo naman ako iniwan." nahihingal ko pang sabi. Nginitian lang nya 'ko.
Pumasok na kami sa elevator, at pinindot nya ang ground floor. Pagkababa namin, ay diretso na kami sa parking lot at sumakay na kami sa kotse ko.
"kinakabahan akong mameet ang ate mo." sabi ko sa kanya.
"bakit naman??" tanong nya.
"kasi, baka masungit at pagalitan lang ako." nakayuko kong sabi.
"huh?? mabait ang ate ko. At bakit ka naman nya pagagalitan??" seryoso nya'ng tanong.
"kasi, nasapawan ko ang kagwapuhan ng kapatid nya." nakangiti kong sabi. Bigla nya akong sinuntok sa balikat.
"aray! ang sakit nun, ah." napahawak ako sa brasong sinuntok nya.
"ikaw kasi eh!! ang daming kalokohan." nakabusangot nyang sabi. Natawa nalang ako sa reaction nya.
"oh?? bakit ka nakatawa??" tanong nya.
"wala lang. I love you, wifey." malambing kong sabi. Namula ang pisngi nya, sa sinabi ko.
"kailan pa tayo aalis??" pag.iiba nya ng usapan.
"sabihin mo muna, ang gusto kong marinig." sabi ko.
"ano yun??" maang-maangan nyang tanong.
"ok, hindi tayo aalis, kapag hindi ko narinig ang gusto kong marinig." sabi ko.
Tumingin sya sa'kin at bumuntong hininga.
"fine! I love you too, hubby kong mas gwapo pa sa'kin." sarkastiko nyang sabi.
"yun lang?? nasaan ang kiss ko??" lumapit pa'ko lalo sa kanya.
"mr. sandoval, masyado ka na yatang abusado." sabi nya.
"ok, edi hindi tayo aalis." sabi ko. He suddenly grab my nape by using his right hand, and he kiss me passionately.
Napapikit ako sa ginawa nya, para akong tinatangay sa ulap ng matamis nyang halik.
"satisfied?" napadilat ako nang marinig ko syang nagsalita. Ngumiti nalang ako sa kanya at pinaandar na ang kotse.
YOU ARE READING
Casual Lovers
RomanceWritten and Owned by: Akiro No copyright | ARR 2015 (Revised January 2023) WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT Plagiarism is a crime. Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip...
