"Umayos ng pila para maibigay agad ang grocery at noche buena para sa'ting mga kababayan---"

NAPA-IRAP ang mga katabi kong marites at marisol. Kinutya kasi nila ang ayos ng tanod namin na mukhang pangkawatan ang fashion na si Tanod Tabolboy.

"Kita mo 'tong panot na tanod na 'to! Magti-trenta minuto na tayo sa pila kung ano-ano pang sinasabi!"

"True sis! Kanina pa 'yan e! Nagpapangaral pa siya tungkol sa pasko e akala niya naman 'di tayo nagsisimba!"

"Feeling talaga! May mga latest chika ba kayo mga beshiwaps?"

Nagsitilian ang mga palaka na akala mo kinikiliti ang puwet!

"Meron te! Buti na tanong mo? Alam mo---" nagkumpulan ang lima kaya pasimple din akong dumikit sa kanila para makarinig ng chismis. Tiba-tiba na naman ang tenga ko neto! Haha.

"Kelala mo ba si Aleng Jelly? Iyong nagtetenda ng mga herbal na gamot!?"

Agad naman silang nagsitanguan. Eksahederang pinaypayan muna nito ang sarili bago tapusin ang sasabihin. Oa din 'to e. Pa-lunok ko kaya sakaniya pamaypay niya.

"Aba! Peke pala ang mga herbal na eyon! Naku! Bumeli pa man din ako ng gayuma doon! Nanewala naman kase ako na galing pa raw iyon sa pawis ng dinosaur! Grabe! Na luko ba ako!"

Madamdamin niya pang hinawakan ang puso at tumingala sa langit e saktong may tumulong ipot ng tuko. Narinig namin ang matinis niyang sigaw sa pandidiri. Nginiwian ko sila. Bilis ng karma.

Kakalungkot.

Dahil sa ipot kaya sila umalis sa pila. Kailangan muna raw nilang maidala ang beshiewaps sa malapit na CR para maalis ang mabahong amoy ng tae ng tuko.

Natuwa naman ako kasi malapit na agad ako sa pila. Mapapabilis na ang uwi ko sa bahay, mahirap iwan ang mga quintuplets na iyon dahil baka kumalat na ang kasamaan nila sa baranggay. Uulan ng dugo at ibibitin nila ako ng patiwarik dahil sa'kin isisi ang kasamaan ng ugali ng mga anak ko.

Sunod na agad ako sa apat rito sa pila kaya ngisi-ngisi kong kinuha sa tanod ang blue na eco bag. Tumabi agad ako sa dinaraanan ng mga tao at sinilip ang laman. Napangiwi ako. Masama ang pakiramdam ko sa mga 'to e. Kinuha ko ang spaghetti sauce na ang pangalan ay "Fantastic Boi." Napamura ako. Sabi na nga ba! Sunod sunod ko ng rinap ang mura at sumpa sa Mayor namin.

Binasa ko pa ang iba . . . Fantastic Gurl Condensed. Macaroni Boi . . . Evaporada Melk. Nata de Coco Martin. HaKdog ni Mayor . . . may asin na galing pa sa dagat ng sirena at suka? Na galing pa sa wiwi ng matandang ermetanyo--- Kurap talaga si Mayor!


....

NAMAMAWIS ang aking kili-kili power sa pagod na paglalakad at sa siksikan sa palengke kanina. Pauwi na ako ngayon sa'king munting nasusunog na mansiones--- nangangarap lang ako ng gising.

Marami kasing mumurahin kanina kaya 'di talaga ako nagpapahuli sa pakikipagsiksikan, tadyakan para makahabol lang ng 100 lima na, 50 sampu na mga ganoong presyo. Bukod din sa nakatanggap ako ng malutong-lutong na mura kanina sa pamimilit sa mga tindahan na babaan ang presyo ng isda, karne at kung ano-ano pa. Pagod na pagod ako.

Wala nama kasing masama kung gawin nilang 50 pesos ang isang kilo ng tilapia! Kukuripot e, patay na nga iyong mga isda nila. Duling pa ang iba!

Alas-diyes na ng makarating ako sa Baranggay Bato-bato. Malapit lang naman kasi ang bayan kaya kahit lakarin mo lang okay na. Maliit lang ang Baranggay namin, bukod sa puro gawa sa kawayan at concrete ang mga bahay ay kitang kita agad ang Baranggay hall, makikita din ang malaking public school kaya madali ko lang mahatid sundo ang mga anak ko. Dinig na dinig ang jejemon na kanta sa buong Baranggay. Magkakapitbahay din kami kaya halos magkakakilala din ang lahat. Hindi din nauubos ang mga sugarol.

May mga tambay na nagmumurahan. Maririnig agad ang videoke at kumpulan ng mga chismosa sa tabi-tabi. May likuan papunta sa mga karinderya. Katulad na lang noong Mamihan ni Ate Sugar na ninang ng mga anak ko.

Pero nakapagtataka lang dahil halos magkumpulan ang mga taong bayan, nagsisigawan sila ng ayiii at kung ano-ano pa na hindi ko na maintindihan. Dahil dakila akong chismosa ay nakisingit din ako. Narinig ko ang mga boses na mukhang may hawak yatang mic maya halos rinig na ng buong baranggay.

Ayokong mag-isip ng kung ano pero bakit kinakabahan ako?

Ayokong paniwalaan ang aking masamang kutob.

"Ang aming awiting ito ay para sa limang mga dilag na kay---"

"Puputi ng ipin,"

"Kabigha-bighani,"

"Kay ririkit,"

"At kagagandang dilag."

Pinagdudugtong dugtong nila ang mga sasabihin at pinapalalim pa ang kanilang boses. Napailing ako. I know na I know na mali ang kutob ko. Mga walanghiya siguro ang mga ito. Napapailing ulit ako. Siguro kulang sa aruga ang mga batang 'to kaya kung ano-ano na ang pinagagawa sa buhay. Humihithit din siguro sila ng rugby dahil sa walang makain sa buhay at hikaos din sa hirap. Napasinghap ako. Nakakaawa sila!

"Lunes . . . Noong tayo'y nagkakilala🎶"
(Nagkakilala~🎶)

"Martes . . . Noong tayo'y muling nagkita🎶"
(Nagkita🎶~)

"Miyerkules . . . Na ospital inyong tabelbel🎶"
(Ang mabahong si Tabelbel~🎶)

"Huwebes . . . Iniibig namin kayo baby🎶"

"Biyernes . . . Biyernes ngayon baby🎶"

"At pagsapit ng sa-bado! Ay pasko na----"

"Mga walanghiyang bata kayo! Kebata-bata niyo pa, nanliligaw na, ha! Lumayas kayo sa harapan ko! Nanliligaw? E 'di pa nga mga tuli!"

Nagsigawan ang mga tao dahil mukhang nagwawala na si Aleng Tebelbel. Ngayon ko lang napansin na nasa tapat pala kami ng kaniyang bahay. Dito galing ang mga kumpulan ng mga tao.

Napapangiwi na ako. Mga bata talaga Tsk. Kung ano na lang ang ginagawa. Kung nagsisitino lang sila at hindi laging nagpapasaway. Baka hindi laging mukhang haggard ang mga magulang nila. Hay . . .

Humawi ang kumpulan at ngayon ko lang nakita ang mga batang tinutukoy niya. Nagtatawanan pa ang mga ito. Naka-suot sila ng mga barong na pang-buwan ng wika kahit magpapasko na bukas.

"Aleng Tebel . . . Hindi ka ang hinaharana namin. Come back na kasi kayo ni Ka Uhug. Kung na-iinggit."

Nagsimula na nilang asarin ang matanda na nangingit sa inis.

Nasisinagan ng araw ang kulot nilang buhok na nakalugay . . . Muntikan ng humiwalay ang kaluluwa't dangal ko sa mga batang 'to ng makilala sila.

E mga anak ko 'yan!




(N♡TE: Joke joke lang po 'ya, ha? Naalala ko kasi iyung pinamigay no'ng sa baranggay namin na cornbeef. Hindi kilala ang brand. Pabigay nila iyon sa'min. Kasagsagan pa kasi noon ng pandemic kaya may pa-relief sila. Ganern. Haha 'di ko makalimutan.)




Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon