N♡TE: Ba't kasi nauna ang chapter 57?
CHAPTER#: 58
SA LOOB kanina ng silid, pinakiusapan ko ang mga bata na huwag magulo sa pamamasyal. Kulang na lang mag makaawa ako at lumuha ng holly water para pakinggan nila ako. Kung maari naman jusko! Kahit sa next life na sila gumawa ng kasaamaan!
Ayoko pa kaya makulong mga besh! Sa asta pa naman ng mga quintuplets akala niyo mga tambay na sa kanto at amot imbornal pa.
Sa bungad pa lang ng hagdan nakita ko si Dalter.
Hinihintay niya kami sa sala at hindi nakaiwas sa'kin ang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi ng makita ang ayos namin ng mga bata. Siyempre, habang ako naman ay napasimangot kasi bitter pa din ako. Lalo pa ako na badrtrip ng mapansin ko na halos pareho kami ng kulay na suot na gray t-shirt. Siya ay naka itim na pants habang ako naman ay nakasuot ng itim na leggings. Mukhang couple goals pa yata kami ng kupal.
Eww...
Narinig ko pa ang mga bulungan ng mga bata. Pasimple ko sila itinulak para mahulog sa hagdan---eme! Pero rinig ko na pinag bubulungan nila na kesyo may pagtingin na raw sa'kin ang kanilang amain at na engkanto na sa angkin kong ganda?
Napa roles eyes ang bida niyo, siyempre! Ang ganda ganda ko naman talaga. Super pa sa super! Mahihiya si Kathryn Bernado sa alindog ko kaya expected na...
"Shall we?"
Sino pa nga ba? Siyempre si Dalter the bolder star!
Iniwas ko ang tingin sa kaniya pero siyempre sininghalan ko pa, tinuon ko ulit sa mga bata ang atensyon ko na plano pang magpahulog sa hagdan. Gagaya pa ata sa mga drama. Sarap batukan eh.
Kinapitan at inalalayan ko ang mga ito pagbaba.
Ang lilikot!
Bakas ang excitement sa mga mukha nila na gusto ko ng mabura sa hilatsa ng kanilang pagmumukha.
"Saan po tayo pupunta?" Nakangiting tanong ni Odanus habang pansin ko na magkakahawak sila ng kamay. Halos mag twinkle twinkle ang mga mata ng mga kupal. Ngumiwi ako. Hindi nila ako maloloko . . .
Nakatingala sila sa'min dalawa ni Dalter. Sa amoy pa lang, alam ko na malapit siya sa'kin. Tama nga ako dahil nasa mismong likuran ko na nga ito.
Agad nanlaki ang mata ko sa gulat ng maramdaman ang mainit na bagay na mabilisan humaplos sa akin bewang.
Siraulo!
"You will see later, for now aalis na muna tayo---"nagsitakbuhan na agad ang lima papalabas. Hindi na pinatapos magsalita ang Papa nilang nababaliw na. Iniwan nila ako kasama ang walanghiya. Mga traydor!
Huminga muna ako ng malalim at sinulyapan siya na kasalukuyang nakatitig sa'kin.
"Tigilan mo ako Dalter, kung ayaw mo masuntok!"
Inamba ko pa sa kaniya ang middle finger ko na ikinangiwi niya. Pero sandali lang iyon dahil sa bigla niyang pagngise at paglapit sa'kin. Agad ko siyang sinenyasan na swiper no swping! Aatras na dapat ako kaso mukhang mautak ang baliw dahil nabasa niya ang sunod ko na gagawin. Napasinghap ako ng mahuli niya aking bewang, hindi ko na magawang makatakas pa sa higpit ng kaniyang hawak. Siyempre pabebe tayo ng mga ten seconds sabay hampas at tadyak kung ayaw pa talaga pumirmi. Sinamaan ko siya ng tingin habang nagpupumiglas.
"Sinasabi ko sa'yo Dalter, ayoko ng ginagawa mo na 'to," hindi niya ako pinakinggan. Yumuko pa siya para matitigan pa lalo ang aking magandang mukha. Nakatitig siya sa'kin---iyang mga mata na 'yan na nagpapatunaw ng pusong bato ko, na nakuha ng mga anak ko na busy na paandarin ang sasakyan. . .

BINABASA MO ANG
Hiding Vowels (On-going)
UmorismoSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ This story isn't perfect like other best authors here in wattpad. Though, I ho...