ATTICUS P.O.V
"Damn it Dad! Kahit kailan hindi ako magpapakasal sa babaing gusto niyong ipakasal saakin dahil kahit anong gawin niyu desisyon ko parin ang masusunod!" Nangangalati kong sigaw sa aking ama.
"Wala kang magagawa dahil oras na umayaw ka wala kang mapapala na kahit anong yaman na galing sa angkan natin. Tandaan mo pamamanahan lang kita at sa oras na suwayin mo ang gusto ko kahit isang kusing wala kang mapapala sakin." Galit din na sagot niya sakin, gustong gusto kong sigawan siya dahil sa galit pero hindi ko magawa.
"Hanggang kailan niyo kokontrolin ang buhay na meron ako dad? lahat naman ginawa ko? pinalago ko ng maayos ang kumpanya at sinigurado kong malalagay tayo sa ikalawang ranko sa buong mundo pero kulang parin? at anong sinasabi mo na wala akong makukuha ni isang kusing sa pinag hirapan ko? baka nakakalimutan mo na ako ang naging dahilan ng pag angat mo, sa oras na mawala sakin ang pamamahala ng kompanya mo sisiguraduhin kong babagsak ka." Malamig at madiin kong saad sa kanya.
Nakita ko kung paano siya matigilan sa mga sinabi ko, alam kung hindi niya ako kayang bitawan dahil alam niya ang kahihinatnan niya.
"At kung may papakasalan man ako, sisiguraduhin kong babaing mahal ko lang ang ihaharap ko sa altar!" Pagkatapos kong sabihin iyun ay agad akong tumalikod upang lumabas pero napatigil ako ng bigla siyang nag slalita.
"Kung ganon bibigyan kita ng sampung araw para iharap samin ng Mommy mo ang babaing ipinagmamalaki mo at mahal mo, pag hindi mo nagawa, sa ayaw at sa gusto mo papakasalan mo ang babaing gusto kong maging asawa mo!" Pagkatapos niyang sabihin iyun ay hindi na ako sumagot at agad na lumabas sa mismong opisina niya sa bahay.
"Oh, anak nagkasagutan na naman ba kayo ng papa mo?" Tanong ni Mommy na nakasalubong ko na mukang papunta sa opisina ni Dad.
"Ano pa ba ang bago? Kung hindi lang uhaw sa yaman si Dad, hindi kami araw-araw na magsasagutan at nakaka rindi narin siya, aalis muna ako Mom magpapalamig lang." Walang gana kong sambit kay Mom at agad itung hinalikan sa nuo at nilagpasan upang lumabas ng bahay.
Agad akong bumaba sa hagdanan at nag deritsong lumakad papunta sa main door ng bahay at lumabas.
Sumakay ako sa Motor ko at agad itung pinatakbo, naisipan kong pumunta na lang sa bahay ampunan dahil duon ko lang nararamdaman ang ginhawa, pakiramdam ko wala kakong problemang dala kapag pumupunta ako sa bahay ampunan dahil sa mga bata.
Kung hindi dahil kay Adam hindi ko malalaman ang bahay ampunan na iyun.
Sa oras nag pagpapatakbo ko ng motor ko ay nakarating ako mismo sa harapan ng ampunan, may napansin akong kotse na mukang pang mayaman ang may ari, hindi ko nalang ito pinansin at agad na pumasok sa loob, pag pasok ko palang ay nakita kuna ang ibang trabahador na nag nag t-trabaho sa mismong ampunan na ito, kinawayan ko lang sila hanggang sa may isang batang lumapit sakin habang naka ngiti ng masaya.
"Kuya! Buti maman bumisita ulit kayo dito!" Sherra said, an angel girl who always welcome me when I'm going to visit here in orphanage.
"Hey, baby girl how's your day?" Tanong ko sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.
"Okay lang naman kuya, halika po, pasok muna kayo sa loob at tatawagin ko lang si sister Mary." Nakangiti niyang sambit at agad niya akong sinamahan sa loob ng ampunan.
"Maupo na lang muna kayo kayo sa sofa kuya, tatawagin ko lang si sister Mary." Tinanguan ko lang ito bago ako sumandal at nag cross arms na nakaupo sa sofa.
Habang tumingin ako sa paligid ay biglang dumating si sister Mary at ang ikinagulat ko ay kasama niya ang babaing matagal ng hinahanap ni Adam. Hindi ko mawari kung kailan ito dumating sa pilipinas.
BINABASA MO ANG
MILLIARDAIRE SERIES 1: The Billionaire's Missing Wife [Revised Version]
Romance[REVISED VERSION] She offers him her heart and give him a child. Despite her imperfections, he accepts her. She gives him everything she has, yet she believes that he has deceived her. He tried everything to keep her safe, but he believes that his d...