Chapter 16: Her Little Princess

660 21 0
                                    

ELEANOR MIA P.O.V

"Oh my god! Mommy si ate, she's going to give birth!!!!" Matinis na sigaw ni crizia sa buong sala ng mansion namin sa hacienda. Kahit kailan talaga ang lakas parin ng kanyang boses hindi kuna alam kung may makaka tagal pa sa kanyang lalaki pag may manliligaw sa kanya.

Ako naman na naka upo sa wheel chair ko at pumutok na ang panubigan ko subrang nananakit na ang tiyan ko pigil na pigil ko ang sumigaw at tiniis muna ang sakin.

"Kapit ka muna baby wag mong pahirapan si mommy." Pilit na sabi ko at hinaplos ang tiyan ko, alam kung nadagdagan ang pamumutla ko ngayon dahil manganganak na ako.

"Anong nangyari?!" Sigaw ni mama habang papasok.

"What happened?!" Tarantang tanong din ni mama at sunod sunod na nag sipasukan ang mga tauhan ni papa na may mga dalang barin habang si percy na hawak hawak ang kanyang laruan na baril.

Mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko lalo na ang nakikita ko ngayon sa harap ko na para ba silang susugod sa gera.

"Nasaan ang kalaban!" Sigaw ni lisa na tumatakbong papasok sa loob ng mansion.

"Tutulungan niyo ba ako o makikipag baril pa kayo!" Inis kong sigaw at namimilipit na sa sakit.

"Dad, Mom, manganganak na si ate! dalhin na natin siya sa hospital!" Natatarantang sabi ni crizia pagkarinig ni papa sa sinabi ni crizia ay namutla ito at hindi alam ang gagawin bigla na lang silang nag yakapan ni mama, damn anong ginagawa niya. saad ko sa isip ko.

"D-dad.... nahihirapan na ako pero bakit pa kayo nagyakapan jan." Dahil sa sinabi ko ay natauhan sila ay agad na lumapit sa likod ko si dad at siya na ang nag tulak sa wheel chair ko palabas ng mansion.

"IHANDA NIYO AGAD ANG SASAKYAN MANGANGANAK NA ANG ANAK KO!" Sigaw niya at tumalima naman ang kanyang mga tauhan. Halos mag sitakbuhan silang lahat palabas.

Agad kaming nakalabas ng mansion at agad din akong sinakay ni dad sa van bago umandar ng napaka bilis ang van habang naka hawak sa kamay ko si mama at pinapa kalma ako.

"Damn, wag niyong sabihin sakin na sumama kayong lahat at iniwan si percy na mag isa sa hacienda!" Sigaw ko sa loob ng van. Muntikan ng mapa preno ang driver dahil sa sigaw ko.

"Mom, I'm here!" Sigaw ni Percy sa likod kaya kumalma ako, akala ko naiwan siyang mag isa sa hacienda.

"Anak kalma lang wag ka munang umiri wala pa tayo sa hospital ng mga Ramirez!" Sabi ni mama.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras bago ko maramdaman na huminto na ang kotse, at alam kong nasa tapat na kami ng hospital.

Biglang binuksan ng marahan ang ni papa ang van at agad niya akong binuhat ng walang kahirap hirap, bago siya nag madaling pumasok sa hospita habang si mama naman ay nangunguna at sumigaw sa mga nurse.

"NURSE HELP US! MANGANGANAK NA ANG ANAK KO!"

Dahil sa sigaw na iyun ni mama ay agad naman nag silapitan ang mga nurse dahil kilala nila ang pamilya ng mga Aberra halos lahat ng nurse na lumapit samin ay may isa isang dalang wheel chair pero hindi na namili duon si papa at agad niya akong pinaupo sa pinaka malapit sa kanyang wheel chair.

Nag assists naman ang mga nurse at dinala niya ako kung saan sinasagawa ang pagpapa anak sa mga nanay.

Agad nila akong inasikaso habang naiwan naman sa labas ang lahat ng pamilya ko. Nang naka higa na ako ng maayos ay parang hinang hina na ako, pero pinilit ko parin ang dapat kong gawin para mailabas ang batang nasa tiyan ko.

MILLIARDAIRE SERIES 1: The Billionaire's Missing Wife [Revised Version]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon