Chapter 1

7 1 1
                                    

Maxine Idelfonso's POV

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa building namin. Hindi pinapansin ang mga nakatutok na mata ng mga tao sakin.

Aminin man nila o hindi, alam ko na naghihintay lang sila ng pagkakataon para magkamali ako. Para may masabi sila sa likod ko. Too bad, perfect ako.

Inayos ko ang bag ko saka ako pumasok sa room namin. Katulad ng tipikal na classroom, apat na sulok, cream na kulay ang mga dingding, anim na mahahabang ilaw, at maraming upuan.

The great Maxine Idelfonso is here. As expected, tatahimik ng ilang segundo saka mag iingay ulit.

Umupo ako sa tabi ni Brent Duke De Guzman. The guy who likes me.

Paano ko nalaman? Alam ko lang.

Matalino ako, maganda, at mayaman. Sinong hindi magkakagusto sakin?

Pogi siya, mabait, and he's sexy too. Hindi siya mayaman pero okay lang, ang mahalaga, kung yayayain niya ako sa date, okay lang na ako na muna ang magbaya-

"Grab a partner, we'll do activity No. 5"
.
.
.
.
.
"It's 39, Maxine" sabi niya.

"It's 45, Brent. Why don't you check your answer?" irita kunwaring tanong ko. Baka nga mali ako ahihihi. Syempre matalino siya, mas matalino siya ng .1 percent. Ibigay na natin, kawawa naman.
.
.
.
.
.
"The correct answer is 45". Pagkasabing pagkasabi ni Mr. Mateo ay agad akong napangiti. I know I'm right. I'm always right.

Kaya alam kong tama na may gusto sakin si Brent. Can't he just say it? O baka naman nag iipon pa siya para magarbo kapag umamin siya sa akin?

"See that? It's 45, saan mo naman napulot ang 39? Tanggapin mo na lang na mas matalino ako kaysa sa 'yo. Looks like, I'll have the rank 1 this grading?" I said and smiled at him.

"I only got one mistake, what makes you think you'll get the rank 1 this time? One mistake can't change my overall grade, Max" ani niya. Dumiretso kami sa upuan namin sa canteen.

"Every mistakes matters" sagot ko saka kumuha ng fries sa pinggan niya.

We're friends since grade 1. That's because his father and my Dad are best friends since high school.

Napapailing na lang siya saka uminom ng juice. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang sariling kamay. His hair is so pretty, malambot iyon, it's messy because of what he did.

Perfectly messy, I could say.

Tumingin siya sa akin. Alam ko namang maganda ako he doesn't have to look at me like that.

Umiwas ako ng tingin saka napainom ng chocolate drink. Napabalik ang tingin ko sa kanya pero hindi na siya sakin nakatingin.

Napalingon ako sa likod ko at may nakita akong babaeng nakangiti sa kanya. Naglakad ito palapit samin saka nagsalita.

"Can I sit here, Duke?" tanong niya.

Hindi pwede. Sino ba siya para tumabi samin? Diamond ba siya para maging best friend ko-

"We don't own the cafeteria" Duk-

Did she just called him Duke?! Ha! Second name basis?! 11 years na kaming magkaibigan but I never called him Duke!

Ngumiti ang babae sakin saka siya tumabi kay Duke-Brent. This guy! Kung gusto niya ako, dapat ako lang yung malapit sa kanya!

The audacity!

"So my place or yours?" Sabi ng babaeng mukhang sinuntok sa labi sa sobrang pula. At ano yung place-place na yan?

Nakakunot noo akong tumingin kay Brent. Siya naman ay tumingin lang sa babae saka sumagot.

"Yours" saka siya tumingin sakin.

"Maxine, this is Belle Domingo, my tutee" "Belle, this is Maxine, my best friend" pagpapakilala niya.

He's giving me an assurance. I know that. Ayaw niyang isipin ko na may relasyon sila ni Belle.

She's wearing a uniform. Pretty decent, pero wala ba siyang hiya? Ang lalaki dapat ang nag aalok at nagyayaya. Parang walang delikadesa kung siya ang magyaya mismo, kahit na sa pagkain lang! Ganito ba kapag hampas-lupa?

"Hi Maxine! I'm Belle Domingo!" She cheerfully said.

Hindi siya maganda. Mas maganda ako kaysa sa kanya, mas matalino-hindi ko kailangan ng tutor, mas mayaman.

Napairap ako sa hangin.
___
A/N: Kakatapos ko lang panoorin yung First Love. Nasashock ako kapag nakakakita ng katawan. (inosente)

Got It? Got ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon