Chapter 6

0 0 0
                                    

Maxine's P.o.V

Nakita kong pumasok sa pinakaloob ng coffee shop yung lalaki. Hindi ko na nakita yung mukha niya kanina dahil sa kahihiyan pero nakita ko yung suot niya. White pants, white sneakers, white shirt saka light gray sweater. He's holding a book on his right hand, nakasabit naman sa kaliwa niyang braso ang bag na hawak niya.

He's like a walking sunshine, palangiti. Kasama niya yung mga barkada niya sa pinakaloob ng coffee shop. Kitang kita kasi sa puwesto ko ang lamesa nila.

Nagkibit balikat na lang ako saka nag umpisa ng kumain. Ilang araw bago matapos ang bakasyon ay sinubukan kong magadvance study, kahit medyo tinatamad ako. Binilisan kong kumain dahil 40 minutes na lang ay mag uumpisa na ang klase. Paglabas ko sa coffee shop ay hinanap ko na ang classroom na papasukan ko para sa unang subject.

Inilibot ko ang paningin sa classroom na 'to. Malawak, ang mga lamesa ay parang mga upuan sa theater, pataas nang pataas. Nakahati sa walo para madaling daanan. Sa harap ng mga lamesa ay isang malaking white board at maliit na lamesa na may mic.  The classroom is bright because of the lights, maliit na bilog at iilang mahahabang ilaw na umaabot mula sa kanan ng classroom hanggang sa kaliwa.

Ten minutes before the class ay pumasok ang grupo ng mga kalalakihan na nakita ko sa coffee shop. Nangunguna sa kaingayan yung lalaking natamaan ko, sunod ay isang lalaking nakaitim na hoodie at itim na pants, mukhang hindi nagsasalita, at yung isa naman ay katawanan yung kaninang lalaki.

Hindi ko naman ito natamaan sa ulo, bakit parang nasiraan?

Nakakatawa yung tawa niya pero nakakairita dahil ang lakas, isa pa ay nasa classroom na, ang ingay pa rin? Umupo sila sa bandang likuran ko, malas naman. Kung may kakaibiganin man ako sa school year na ito ay yung tahimik na lalaki ang gusto ko.

Nagdadaldalan pa rin sila sa likod ko kaya napairap na lang ako. Pag 'to di nanahimik-

"Hey guys, tone down your voices, we're literally inside the classroom." narinig kong sabi nung isa, malalim ang boses, parang bagong gising.

"I heard we have a transferee from the Philippines!"
"Really? Asian nerds are getting high for sure."
Nagtawanan ang mga nasa gilid ko kaya napalingon ako sa kanila.

Mga bobo kaya sila?

Ilang saglit pa ay dumating ang lecturer namin at namatay ang mga ilaw. May nagflash sa white board at nag pakilala ang lalaki. Si Mr. Roberts, mabait siya at magaling magturo.

Unlike sa Pilipinas, madalang ang recitation sa mga klase. Puro sulat at pakikinig lang ginawa ko, habang ang ibang mga kaklase ko naman ay diretso laptop na. Nagdala naman ako ng laptop pero mas preferred ko pa rin ang sulat kamay. Nang matapos ang klase ay naghabilin pa ang lecturer bago nagpaalam. Bumukas na ang mga ilaw at nagsitayuan na ang mga estudyante, dalawang oras din ang inabot ng unang klase.

Tumayo ako at iniligpit ang mga notes ko. Hinawakan ko ang leeg ko dahil nanibago ang katawan ko. Hindi na sanay na nakaupo.

Ikaw ba naman magbakasyon sa kama?

"Hi!"

Napadilat ako at tumingin sa lalaking nasa harapan ko.

'Yong makulit na maingay...

Napatingin ako sa likod niya at napansing wala ang mga kaibigan niya. Bumalik ang tingin ko sa kanya at sinipat ang kabuoan niya.

"Do you need something?" tanong ko at napatingin sa orasan. Hindi pa naman ako gutom pero gusto ko sanang maglibot para maging pamilyar ako sa school at hindi malate sa paghahanap ng mga classrooms.

"Ahhm... I'm Gabriel Brown! Are you new here? Your face is unfamiliar. Do you have friends already?Wanna join us in cafeteria?" sunod sunod na sabi niya. Mukha siyang matangkad na bata dahil sa kadaldalan niya.

"No thank you! Maybe next time." ngumiti ako sa kanya.

"Next time then.." ngumiti siya saka tumango.

Umalis na ako sa classroom na iyon, medjo ayaw ko kasi sa madaldal.

Got It? Got ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon