Chapter 3

4 1 0
                                    

Maxine Idelfonso's POV

Kinagabihan, nag aya si Brent na maglaro kami ng xbox. Napakabasic lang naman niyang talunin. Psh! We've been doing this since we we're 10. Kabisado na namin ang galaw ng bawat isa.

"Nangangalawang ka na?" I asked to him with a smirk.

"You can't beat me" sabi niya saka ako tinalo.

"K. O" sambit niya.

"Ha! Chamba-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil may biglang nagbukas ng pinto sa kuwarto niya.

Napaawang ang labi ko ng makita na si Belle iyon.

"Akala ko ba dalawang oras lang ang session niyo?" I asked him. And thank God I managed to hide my real expression.

"Ah. Oo, I'm just here to talk to, Duke" sabi ni Belle.

Hindi naman siya ang kausap ko.

"Ah. Sige, bababa muna ako"
"Kukuha lang ako ng meryenda" tumatangong sagot ko para bigyan sila ng oras para mag usap. Para umalis na siya, panira ng moment.

I'm sure badtrip si Duke, naputol quality time namin eh.

Pagkababa ko sa hagdan nina Duke ay agad akong nagpunta sa kusina. Nakita ko si Tita doon, nag babake ng cookies. Kagaya ko ay mahilig din siyang magbake. Mas nauna ko siyang maging close kesa kay Brent.

"May nabake na akong cookies dito, iakyat mo na ito para sabay sabay na kayong magmeryenda"
"Wag lang kayong masyadong magpagabi at delikado sa daan." sabi niya at magalang na lang akong tumango tango.

"Thank you po" mabilis kong sabi saka nagmamadaling umakyat.

Kaya lang hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Nakayakap si Brent kay Belle. Napakurap kurap ako dahil pakiramdam ko, hindi na ako kailangan pa dito.

Gusto ko ng umuwi.

Paulit ulit akong napalunok dahil sa nakabara sa lalamunan ko. Hinga, Sin.

Bumaba na lang ako sa hagdan at magpapaalam na sana. Kaya lang hindi ko makita si Tita o si Tito.

Gusto ko ng umuwi. Ayaw ko ng maghintay dito para magpaalam.

Nilapag ko na lang ang pinggan sa may lamesita saka na lumabas. Wala na ang kotse sa labas. Gusto ko mang tawagan si Manong Tatang ay ayaw ko. Pakiramdam ko wala akong karapatang mang abala ngayon.

Umuwi akong naglalakad. Hindi naman masyadong malayo ang bahay nina Brent samin.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mag isip.

Bakit pakiramdam ko inaagawan ako? Bakit pakiramdam ko hindi ko gustong magkakasama kaming tatlo sa iisang lugar? Bakit pakiramdam ko, kapag nakikita ko sila, gusto ko silang paghiwalayin?

Samantalang, wala namang kami.

Saka bagay sila, parehong B.

.

.

.

Laking pasasalamat ko at naabutan ko pa ang Valentines Day. Nakaharap ako sa vanity table habang sinusuklay ko ang buhok ko.

Sabi ni Mama, I should stay simple yet elegant looking every second of my life.

I am wearing a 24 karat gold necklace with a diamond. Anyway, I decided to wear a dirty white backless dress paired with cream colored high heels. I also put the red ribbon that Brent gave me 3 years ago.

Nang makalabas ako ng kuwarto ay agad akong dumiretso sa kusina para kunin yung brownies na pinapalamig ko. Brent likes baked products, kaya every Valentines Day, pinagbabake ko siya.

Hiniwa ko ito into bite size para magfit yung limang slices sa lalagyan. Binuksan ko ang ref and I found the chocolate coated strawberries na pinapalamig ko rin. I put the strawberries and brownies in a cupcake liner.

Kinuha ko ang hugis pusong lalagyan sa may gilid. Inihanda ko na ito kanina pa, nilagyan ko ito ng mga hugis pusong papel na may iba't ibang size.

Hindi ko ginupit yun isa isa no!

Fine! Ginupit ko na. Sinadya ko para mas lalong hindi niya makita yung isang heart don na may nakalagay na "I love you". Ang cringe pero anong pake ko. Kapag binasa iyan ni Brent, hindi na non iisipin yung pagiging cringe ko, matutuwa yun at mahihimatay kasi nalaman niyang gusto ko siya.

Maxine The Great na ang magkakagusto sa kanya, ayaw niya pa?

Tinakpan ko na ang lalagyan saka ako nagpunta sa maid's quarters para ipasabi na malalate ako ng uwi mamayang hapon dahil pupunta pa ako kay Felicity para maghanap ng gown para mamayang gabi. Isa kasi ako sa nag organise nitong event for about a week.

Ang theme ng Valentines Day namin ay Vintage. Bookworms ang nangunguna sa pag oorganise ng event kaya hindi na ako nagtaka. Dress code: brown, white, and cream or conservative type of dresses.

Pumasok ako sa room and I found Brent there. Looking so nervous for something might happen. Kinakabahan siguro siya na yayain ako. Well, every year naman kaming laging partners, hindi na ito bago sakin, ang yayain.

"Brent?" Mahinahong tanong ko. Tumingin siya sakin saka napalunok.

O sakin nga ba siya nakatingin?

Nalihis ang mga mata niya bago pa siya makatingin sakin ng limang segundo.

Apat, apat na beses siyang huminga nang malalim. Napatingin ako sa mga bulaklak na hawak niya. Aabutin ko sana ito kaya lang parang may nagsasabi sakin na huwag kumilos o magsalita.

Tatlo, tatlong pulang bulaklak ang hawak ng mga kamay niyang nanginginig.

Dalawa, dalawang hakbang ang ginawa niya para mas mapalapit sa kanya.

Isa, isang pangungusap ang hindi ko aakalaing dudurugin ako sa puntong ito.

"Can you be my date, Belle?"

Hinga nang malalim at saka pumikit, Maxine. Hiyawan ang dumagundong sa apat na sulok ng kuwarto.

"'Yun oh!"

"SHIPPPPP"

"Bakit kaya si Belle ang niyaya niya?"

Kanya kanyang bulungan, kanya kanyang reaksyon pero ang pinakamaingay ay yung mga kaklase naming masaya para sa kanila.

Dumukdok ako sa desk habang hawak ang ballpen. Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang nangyari kanina.

Bawat taon ako ang kasama niya ah? Did he like her? Akala-

Tama, lahat ng ito ay akala ko lang. Wala siyang sinabi, dapat hindi ko pinansin. Dapat hindi ako nagpadala sa emosyon ko.

Tumayo ako saka kinuha ang hoodie na nakasabit. Saka ko kinuha ang headphone ko at cellphone.

Hindi ako magpapatugtog ng masasakit na kanta noh! Magpapatugtog ako ng masaya. Masaya ako para sa kanya! Hmp!

Biglang nagpause ang Dura sa headphone ko kaya napasilip ako sa telepono.

"Gown"

'Iyon ang title ng reminder. Agad akong nagmadali pabalik sa bahay. Dali-daling pumasok sa maid's quarters para tawagin si Manong Tatang.

"Kay Felicity po tayo, Manong Tatang" Excited na sabi ko.

Hindi dapat ako magpaapekto sa kanya. Hindi naman ako nagpapaganda para sa kanya. Marami pa rin sigurado ang naghihintay na masilayan ako ganda ko.

I wore a victorian dress. The cream color of this dress is really emphasising my skin tone. I wore a red lipstick to complement my blue eyes. I put a light eye shadow and contour. Some blush and highlighter to finish my look.

I wore a pearl jewelries; necklace and earrings are enough. In terms of necklace, I really like it when it's pendant is not that big and long earrings emphasise my neck and colar bone very well, the earrings have only pearls at edge.

All done.

Ngayong gabi na ako aamin. Wala ng atrasan.

Got It? Got ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon