Maxine's P.o.V
Kinabukasan ay nagsuot ako ng sleeveless brown turtle neck saka ko ipinares sa cream colored slacks. I wasn't contented at it so I added a black belt and a black sweater on my neck. I smiled at my reflection saka inayos ang mga gamit sa itim na bag.
Sobrang nakakahiya ang nangyari kahapon sa convenience store that's why I refuse to remember it. Isa pa, malay ko bang aso 'yong kausap ng lintik na 'yon? Lahat naman ng tao nagkakamali.
Napatango tango ako sa mga iniisip ko kaya agad na akong pumunta sa ibang coffee shop! No way magkikita kami agad agad ng tatlong 'yon. Oo nga at hindi na ako nahihiya, kaya lang papalipasin ko muna 'yong araw. Sakto at iba ang subject ko kahapon, kaya siguro naman hindi kami magkikita kita.
Iyon ang akala ko, dahil nandito ako ngayon sa canteen kasama silang tatlo. Bakit? Dahil inabangan ako ng bwisit na Gabriel sa labas ng classroom. Tuparin ko raw 'yong sinabi ko kahapon. Astig!
"So how's your life as a student here?" Gabriel asked. Nasa tabi ko siya habang nasa harapan naman namin 'yong dalawa. Nakangisi 'yong isa habang nakaheadphone ang isa habang kumakain.
"Thank you for asking. Well, I'm still adjusting, but I'm sure I'll be able to adapt soon." Nakangiting sabi ko. 'Yong pinaka plastic na ngiting maibibigay ko. Mukha silang mga f*ckboy pero mabango. Hindi katulad sa amin na makikita mo pa lang maamoy mo na ang asim.
"So you're from the Philippines? Why are you so white? It's hot there, right? And there's a lot of island!" segunda nung nasa tapat namin. Ano nga ulit pangalan nito?
"Aaron, you can't just ask people why their skin is white or what!" saway ni Gabriel kay Aaron. Buti sumabat siya kasi nakakalimutan ko 'yong mga bagay na walang kuwenta.
"Genes, I guess?" sagot ko na lang saka ngumiti. Kumain ako ng french fries na libre nila. Masarap!
Nalaman kong Soccer player pala si Aaron at Gabriel. Halos hindi naman nagsasalita ang isa, Lucifer daw, kabaliktaran ng dalawa na puro tawa. Nang maubos ang social battery ko ay nagpaalam na ako sa kanila.
"Hindi ba nakakahalata 'yong dalawang 'yon na ayaw ko ng kausap? Badtrip nakakapagod makipagplastikan! Oo nga at gusto ko ng kaibigan pero sana naman 'yong tahimik lang!" pagbulong ko sa sarili.
"You should've said that sooner, Ms. Plastic. I didn't know you're like that. Kung alam lang ng mga kaibigan kong labag sa loob mo ang umupo sa lamesa, hindi ka nila pipilitin." nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Agad akong napalingon kay Lucifer at napatingin sa hawak niyang cellphone.
Nakakaintindi pa siya ng tagalog?!
Nagrerecord ba siya?!
"Yes. It's recorded. Now, what do we do? I understand Filipino, French, English and Mandarin. I can translate this for my dear friend." kinaway niya ang cellphone sa harap ko.
Wala naman akong pakialam kahit ipagkalat pa niya ang mga sinabi ko. Pero kasi, sa tingin ng mga tao dito kanina nung nasa cafeteria kami, mukang maimpluwensiya sila. Ayaw ko rin ng mga away at baka hindi na ako kaibiganin ng ibang mga tao.
"What do you want?" pagtatapang tapangan ko. Ayaw ko lang naman ng kaibigang maingay, hindi ko sinabing gusto ko ng away. Ano bang nangyayari at ang malas malas ko?
"Pretend to be my girlfriend. My parents wants me to be in arranged marriage, which is the last thing I want. If you'll be my girlfriend, I can always find a way to get Gabriel and Aaron out of your sight."
BOLANG!
"'Di ba kung magiging girlfriend mo ko, mas lalo kong makakasama 'yong mga kaibigan mong maingay? Isa pa, sagabal ka sa pag-aaral ko. Ayaw ko ng istorbo-"
"If I act jealous to my friends, and snatch you away from them, we'll be alone. Always. I won't say a word if we're alone. I can help you with your studies, I'm one of the outstanding students in our Department. I won't call you unless my parents wants to see you."
"No." tumalikod ako at naglakad na palayo. Nakakaintindi pala ng tagalog 'tong bwisit na 'to? Siya pa naman 'yong pinakagusto kong maging kaibigan dagil tahimik din siya. Iyon pala ganito siya? Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanya!
"I can make everyone here hate you." bulong niya sa tainga ko habang nakaakbay sakin.
WUANDYSVWOAMAVXOSLAJNUCYVRMDPCYNAKNAM-
Ang bilis niyang maglakad?! Pero mas mabilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Got It? Got It
Teen FictionSynopsis Maxine Idelfonso is famous for being delicate and achiever girl. Everyone sees her as a perfect girl. But they don't know she's a two faced. She's a kind of girl who don't let everyone see the real her even her best friend, Brent Duke De G...