Chapter 2

5 1 0
                                    

Maxine Idelfonso's POV

Hawak ko ang binake kong cookies na favourite ni Brent. Adik yun sa cookies eh, kawawa naman baka mamatay pag hindi nakatikim ng cookies ng crush niya.

Huminga ako nang malalim saka kumatok sa bahay nila. Walang gate kaya pinto agad ang bungad.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Tita Bea. Nagulat pa siya ng makita ako, parang nakita yung jowa ng anak niya, eh yung anak niya nasa loob, may kabit.

"Hello po, Tita Bea! Nagpadala po si Mama ng cookies" pinakita ko sa kanya yung container. Kinuha niya sakin yon habang nakangiti saka niya ako pinapasok.

"Nasa likod sina Brent, Maxine" "Isasalin ko lang itong mga cookies" sabi niya saka pumuntang kusina.

Alam ko naman na nandito yung babaeng pang-ugh! I mean yung babaeng tinuturuan ni Brent.

Pumunta ako sa likod pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Si Brent saka si Belle. ANG TAHIMIK! SAKA MASYADONG MALAPIT!

Wala namang dapat ikaselos. At hindi naman ako nagseselos. Syempre mag aaral sila, malapit talaga dapat.

Tumalikod na ako dahil naiinis ako. Naiinis ako kasi masyadong mainit dito. Sa kwarto ko malamig, may aircon. Psh!

"Tita Bea, aalis na po ako, ah? Ayaw ko po kasing maistorbo sila sa pag aaral"

"Madaling madistract ang mga nag aaral kapag may kasama silang ibang tao na hindi naman nag aaral"

Nagmamadali akong lumabas sa bahay nila. Nakita ko si Manong Tatang sa labas, naghihintay sa akin kaya agad akong sumakay sa van.

Umuwi kami kaya agad akong umakyat sa kuwarto. Hindi ako magdadrama, mag gagawa ako ng assignment. Sino ba siya? Walang dapat ipagdrama. Saka sino ba yung sinasabi ko? Wala naman ah?

"May business trip ang Papa mo, Sin" "It'll take 2 years, kaya napagdesisyunan namin na doon muna tayo sa New York titira" sabi ni mama.

Desisyonabilty siya sa part na sasama ako.

"I don't want to" agap na sagot ko sa isip.

"Okay po" maikling sagot ko sa kanila.

"Great!" sabi ni Mama.

"Come on! Ayaw kong umalis sa Pilipinas!" Pagdadrama ko sa isip. Come on!

"Sin, 2 weeks na lang aalis na tayo"
"Make it quick to bid your goodbyes." sabi ni Papa kaya napangiwi ako nang palihim.

"Okay po" I said.

"Kay Duke ka lang naman magpapaalam dahil siya lang naman ang kaibigan mo dito" natatawang sabi ni Papa.

"Kamusta ang school?" sabi ni Mama

Marami pa ring tao, may teachers pa rin, may pintura pa rin, may pinto, may apat na sulok-

"I got the highest scores" sabi ko na lang saka kumain.

"Tapos na ako, can I go to my room now?" I asked.

Naisip ko tuloy yung sinabi ni Papa. Hindi naman ako tatanggi kung sasabihin ni Brent na magLDR kam-
___

A/N:
Sabi ni Ma'am Jam ang pagsusulat ng nobela ay para magpamulat ng mga mambabasa. Ang gusto kong makita niyo dito ay WAG MAG ASSUME!

Got It? Got ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon