Chapter 7

0 0 0
                                    

Maxine's P.o.V

Natuloy ang plano kong maglibot sa school. Malawak lahat ng facilities. Una kong napansin ang malawak na field. Mukhang mahilig nga talaga ang mga tao dito sa Football. May covered gym din na kasalukuyang pinagpapractice-an ng mga cheer dancers. Napadaan din ako sa swimming pool kung saan may isang player lang do'n na nagp-practice.

Sipag!

Kalat ang mga tao sa school at may mga kanya kanyang buhay. Napadaan din ako sa library para magtingin ng mga libro na baka makatulong sakin. Muntik na kong mapasigaw nung may nakita akong naghahalikan sa bandang likod! Jusmiyo!

Ang daming mga malalantod sa mundo!

Halos wala akong matandaan sa unang araw ng klase. Konting interactions sa mga kaklase, minsan introduce yourself, pero madalas nakikinig lang talaga at "mind your own business". Hindi na rin nasundan pa ang interaction namin nung mga maiingay. Hindi ko akalain na mahirap pa lang makipag kaibigan dito sa ibang bansa.

Mas namiss ko tuloy yung mga acquintances ko saka si-. Parang totoo yung mga nasa palabas, except hindi ka nila gagalawin kung wala ka namang ginagawang hindi nila gusto. May mga nakikita rin akong mga "asian nerds" ika nga nung mga babae sa gilid ko kanina. Gusto ko sana silang makilala kaya lang ang lalalim masyado ng pinaguusapan nila sa science nung napadaan ako sa kanila sa bleachers.

Sumakay ako ng bus mag isa at huminto ito sa malapit na convenience store kaya pumasok muna ako para mamili ng mga snacks. Ubos na rin kasi 'yong nasa pantry. Gummy bears, chocolate bars, mochi, chichirya and ice cream! Dampot lang ako nang dampot dahil bukod sa hindi naman sa 'kin yung card, gutom na 'ko!

"Have you eaten, Max?"

HUH?!

Max?! Excuse me?! May tumawag ba sa 'kin? Ang lambing pa nung pagkakasabi niya kaya takang taka akong napalingon sa likod ko at nagulat sa lalaking nasa harap ko.

"I haven't eat yet-" nagugulat at nagtatakang sagot ko.

Mula sa paa niya ay tumaas ang tingin niya sa 'kin saka napataas ang isang kilay. Walang iba kundi yung kaibigan nung madaldal, yung nakaitim na tahimik. Nasa convenience store at may hawak na dog food?

"I don't care." Sinabi niya iyon nang walang emosyon sa mukha.

"You literally just asked me." Nakakunot na ani ko.

"No, I didn't. I said 'have you eaten, Max?'"

"Exactly, My name is Maxine, Max!"

"This is my dog, her name is Max. I don't even know who are you" sabi niya saka nilampasan ako.

AAAHHHHH!!! Lupaaaaaaaaaaaa!! Kainin ako ngayon na! HUHUHU!

Lahat ng murang alam ko ay nasabi ko na sa isip ko dahil sa kahihiyan. Ang mas nakakahiya pa may dalawang babae sa same aisle na nakarinig sa pag uusap namin. Grabe! Rinig na rinig ko ang mga tawa nila kaya napatakip ako ng mukha sa sobrang kahihiyan. Agad akong nagbayad sa cashier at buti na lang nakalabas na 'yong lalaki.

Mabilis akong naglakad papunta sa bahay at pagkarating ko ay agad akong dumiretso sa kuwarto at nagtalukbong sa comforter at nagpagulong gulong sa kama ko. AYAW KO NG PUMASOK!

Got It? Got ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon