Chapter 4

7 1 0
                                    

Maxine Idelfonso's POV

Lahat ng dinadaanan ko, napapaharap sakin.

I know I'm beautiful.

Palingon lingon ako sa paligid habang hinahanap si Brent. An hour late, actually.

8pm nagsimula ang event. 9pm na akong nakarating.

Kaya lang, mukhang busy siya.

Tumawa siya habang hawak ang kamay ni Belle. Hanggang sa tumayo silang dalawa at nagpunta sa gitna.

Wala sa kanila ang atensyon ng iba dahil lahat ay may kanya kanyang mundo. May kanya kanyang kasayaw.

Lumunok ako saka na lang umiwas ng tingin.

Ang totoo kaya ako nalate ay hinihintay ko si Brent. Nawala sa isip ko na hindi ako ang niyaya niya. Nawala sa isip ko na nagpropose siya sa classroom. Nawala lahat iyon sa isip ko nung nag aayos na ako.

Nasanay akong naghihintay sa pagdating niya kapag may ganitong event.

Kumuha ako ng wine. Walang alcohol ito kaya pinayagan ang SSG.

Tiningnan ko ito, kaya lang, natigilan ako dahil sa kantang isasayaw nila.

"Tadhana"

The first ten seconds of the song made me shiver.
Iinom na sana ako kaya lang may nagsalita sa gilid ko.

"May I have this dance, Sin?" lumingon ako saka napakurap kurap.

"Clark" pagbawi ko sa pagkagulat.

Ngumisi siya saka inilahad ang kamay sa harapan ko. Gusto niya akong makasayaw? Hindi na nakakagulat, sa ganda kong ito? Hindi ko na tinanggihan dahil baka umiyak pa.

Nagtungo kami sa gitna saka doon nagsayaw.

"You look stunning" Brent said.

Nanlaki ang mga mata ko saka napakurap.

"What?" I asked.

"I said, you look stunning" natatawang sabi ni Clark.

A while ago, I just saw Brent, right?

Inikot niya ako saka hinawakan sa baiwang. Ngayon nasa likod ko siya at sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Minsan nadidikit yung pisngi niya sa pisngi ko.

Hindi kami nag iimikan. Hindi ko alam bakit tahimik siya. Ako, tahimik dahil sa parang butas sa puso ko. Parang may kulang. Parang may hindi tama. Parang hindi ako magiging masaya kung hindi si Brent yung kasayaw ko.

Clark is like a brother to me. Nothing more, nothing else.

The silence doesn't bother me. It somehow comforts me.

"Nakausap mo na ba siya tungkol sa pag alis mo?" Clark suddenly said.

"Mamaya" mahinang sambit ko.

"Dadalawin kita minsan" he said and I just smiled.

"May I have this dance?" napalingon ako sa nagsalita.

It's Brent.

"Hey" I smiled to him.

Hinawakan niya ang kamay ko saka inilagay sa batok niya. He then placed his hands on my waist.

"I want to take this as a opportunity to say goodbye, Brent" I said. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Huh?" napatigil siya sa pagsayaw kaya tumigil na rin ako.

"I'll be in New York"
"Doon ako mag aaral." tumingin ako sa mga mata niya. He's shock, confused, and sad?

Kasi magkaibigan kami. Tama, magbest friends kami. That's all.

"Ahh okay, take care of your self, then" ngumiti siya saka hinaplos ang buhok ko.

Hindi niya man lang ba ako pipigilan?

Pigilan mo ako, please! I'm begging! Just say it! Gagawin ko!

Baka pag umalis ako, mawawala yung nararamdaman ko. Baka kapag umalis ako, hindi na siya yung mundo ko.

Baka sakali.

Nagsayaw ulit kami. But the silence is uncomfortable to bear. Kaya hindi na kami nakapagsayaw matapos ng kanta.

God knows how much I want to hold him forever.

Hinatid niya ako sa upuan ko ng gabing 'yon saka bumalik kay Belle. 'Yon na ang huling sandali na nakausap ko siya.

I was alone the whole night. Pero hindi ako umalis. I watched him laughing with other girl. Atleast kapag umalis ako, ang huling memorya ko sa kanya ay masaya siya.

Kahit na kasama pa ng iba.

Got It? Got ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon