Chapter 5

5 1 0
                                    

Maxine's P.o.V

Sa totoo lang, hindi ako sanay. Hindi ako sanay na hindi siya ang katabi ko. The venue is classy but so high, everyone is having their own world, grinning ear to ear and will probably gonna look back to this day after many years. Taliwas na taliwas sa nararamdaman ko, ayaw ko na rito, hindi bagay ang emosyon ko sa lugar na ito. At may parte sakin na ayaw matandaan ang gabing ito.

Ito pala iyon, ang pinakamahirap na emosyong mararamdaman mo, masakit na masaya. Ang sabi ng utak ko, dapat masaya ako, dahil masaya ang best friend ko, pero alam ng puso ko na kahit anong kontrol ko sa sarili ko, hindi ko kayang hindi masaktan. Kayang kaya kong peke-in ang aking mga ngiti para paniwalain ang iba na masaya ako, pero hindi ko kayang paniwalain ang sarili ko.

Ako lang ang nakakaalam no'n. Kakatwang ngayon lang ako nalungkot na hindi alam ni Brent. Dahil noon, kapag sumisigaw na ang loob loob ko, alam niya, siya lang ang may alam, at kahit hindi siya ang may gawa no'n, kayang kaya niyang patahimikin ang isip ko.

Iyon siya sa akin, sandalan ko kapag mahina, panyo kapag umiiyak, at unan na kaya kong yakapin para patahanin ako. Wala naman akong ginawa buong gabi kundi kumustahin yung mga kasama kong nag organize, kung comfy ba sila, masaya ba sila, okay ba lahat?

Nagpasundo ako kay Papa nung gabing iyon. Nagulat pa nga siya bakit daw nagpasundo ako, hindi ba raw ako ihahatid ni Brent. Nagtanong pa nga kung nag away ba kami. Puro iling lang ang nasagot ko sa mga tanong niya.

Parang nakakawalang gana kasi

Umalis kami ng Pilipinas nang may bigat sa dibdib ko, at hindi ko man lang mailabas iyon dahil mag isa ako. Busy sina Mama at Papa, at wala naman akong ibang kaibigan na mapagsasabihan ng mga sama ng loob ko bukod kay Brent.

Ang hirap magmahal ng kaibigan. Iyan ang napatunayan ko sa mga nagdaang araw, ang hirap tiisin na kumustahin siya, ang hirap bumangon dahil hindi ko na siya makikita sa buong araw, ang hirap kumain dahil palagi kong naiisip "paborito niya 'to", "eww kahit si Brent 'di to kakainin eh", at ang hirap matulog dahil kahit sa panaginip ko, siya pa rin.

Hanggang do'n na lang ba 'yon?

Nagpasya akong mamasyal dahil wala naman akong kasama sa bahay. Napadaan ako sa isang fountain at agad kong inilabas ang camera ko.

*click*

Napangiti ako sa ganda ng shot! Pero napawi rin ng maalala ko yung araw na naglalakad kami ni Brent sa isang park at biglang umulan. Naghabulan kami habang tumatawa, nadulas pa nga si Brent eh! Ang tanga kasi niya, alam ng tiles yung sahig, hindi nag iingat.

Natawa ako sa isip at napangiwi nung lumabo ang paningin ko dahil sa pamamasa ng mga mata ko. Tsk! Baka isipin ng mga tao dito nababaliw na ko. Tatawa tapos iiyak!

Umuwi na lang ako dahil nawalan na ako ng gana.

Ilang linggo ang lumipas at para akong patay. Babangon, kakain, manonood sa T.V., maliligo, matutulog. Mag isa dahil gabi na uuwi ang mga magulang madalas ay madaling araw at tulog na ako. Halos makalimutan ko na nga ang boses ko, kundi lang ako bibili sa convenience store ay makakalimutan ko na ang boses ko.

At ilang araw pa, dumating na ang araw ng pasukan.

Maaga akong nagising dahil sa excitement, ang tagal ko ng tahimik! Gusto ko ng gulo, mapa-schoolworks o personal-charot! Okay na rin ang may bagong makilala para na rin mas madali akong makalimot.

Awit nagmomove on kahit hindi naging sila—

Sobrang aga kong nagising, 6am pa lang gising na ko, 9am pa ang first period ko. Naghanda ako sa loob ng isang oras, kalahati naman sa pagc-commute, at dahil marami pa akong oras, nagpasya akong dumaan muna sa coffee shop na malapit sa canpus, iyong madalas kong puntahan sa mga nakaraang linggo.

Pagpasok pa lang ay bumungad sa akin ang napakagandang atmosphere. Kulay krema ang mga dingding habang puti naman ang kisame, may mga display na halaman dito, hindi ako sigurado kung buhay ba o plastic lang.

At dahil hindi pa ako nakakapag-almusal, nagpasya akong bumili ng crossiant at dalawang red velvet cookies. Naalala ko tuloy nung valentines- ERASE! Ang daming mga sweets, katabi ng lalagyan ay ang pwesto ng cashier. Ang alam ko ay mag asawa ang may ari nitong shop. Ang lalaki ay barista habang ang asawang babae nito ay baker. Ayaw daw nilang mag hire dahil iyon na ang bonding nilang dalawa. Weird nga dahil MWF lang bukas ang shop.

Napatingin ako sa isang sulok ng shop. May bowl do'n, sa lamesang pinagpatungan ng bowl ay may signage na "read a secret, drop a secret". Hindi ko alam kung anong pumasok sakin at kumuha ako ng papel sa bowl. Tutal hindi pa naman sineserve ang order kong almusal.

"I accidentally ripped my classmate's paper when I was asked to submit the whole class's papers. That was the only written task that was given to us, my classmate failed the class because I thrown the paper in the trash."

Baka mapatay ko yung taong gagawa sakin no'n. I can't imagine the confuse face of that student.

Kumuha ako ng papel sa gilid at nagsulat, pagkatapos no'n ay ibinalik ko ang papel sa bowl bago inihulog ang sinulat ko.

"I fell in love with my best friend."

Iyon na ang pinakasikreto ko eh.

"Ow" napadaing ako dahil saktong pag harap ko ay may lalaki akong natamaan.

"My bad"

"Sorry!"

Got It? Got ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon