Prologue

237 8 3
                                    

"Yariin nyo na yan!" Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko, at mas nadagdagan pa iyon nang marinig kong sinabi iyon ng tinatawag nilang boss.

Nakita kong tumingin sa akin yung boss nilang kaunti lang ang inilamang sa unggoy. Itinuro nya ako at inutusang lumapit.

Nanginginig man ako sa takot ay napilitan din akong lumapit.

'Kapag nagalit siya ay bibigyan ko nalang siya ng saging dahil paniguradong yun ang paborito nya!'

"Ikaw babae, ikaw na ang yumari! Siguraduhin mo lang na matotodas mo nang tama, kung hindi ay ikaw ang totodasin ko." Pagkasabi nun ay iniabot nya sa akin ang isang baril.

'Tangna! Ni hindi ko nga alam kung paano gumamit nito! Pwede bang pagpractisan ko muna ang nakakapanggigil na pagmumukha ng tsonggong to?!'

Wala na akong nagawa kung hindi lumakad na at magpunta kung saan nandoon ang mga 'bihag' namin para 'todasin'.

Nangangatog ang mga tuhod ko, at halos namamanhid na ang mga kamay ko dahil sa sobrang panlalamig niyon.

Nang makapasok ako sa kwartong iyon ay tumambad sa akin ang dalawang lalaking nakagapos at may busal sa bibig.

Ang isa ay halatang nanghihina na, nakayuko siya at tila ba wala nang malay.

Nang magbaling ako sa lalaking katabi nya ay sumalubong sa akin ang mga matatalim nyang tingin. Hirap na hirap akong napalunok at agad kong inalis ang tingin sa lalaking iyon.

"Tirahin mo na." Bulong sa akin nang lalaking kasama ko.

Napapikit naman ako dahil doon. Hindi ko na alam ang gagawin.

'Hayop ka tutong! Kasalanan mong lahat ito, makaalis lamang ako dito ay yari ka talaga sa akin!'

Nang magmulat ako nang mga mata ay nanginginig ko nang iniangat ang baril na hawak at itinutok ko iyon sa lalaking hanggang ngayon ay masama pa rin kung makatingin.

'Bahala na !'

Taas Ang Kamay! Kidnap 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon