10.) Panying

85 3 0
                                    

''Si kuya panying ang ultimate crush ni ate igay!'' narinig kong pabulong din na sinabi ni betbet kay stateside habang pumapasok kami sa loob ng bahay.

Tinignan ko agad si betbet ng masama, ichichismis lang ako, dyan pa talaga kay stateside!

Pero dahil dakilang manhid ang kapatid ko, hindi nya naramdaman ang nakakamatay na titig ko.

Ngiting ngiti pa siya habang nagkukwento.

''Sigurado kinakabahan na yan si ate, akala mo naman naging sila! hihihi, kung hindi ko pa alam kuya teban, hashtag friendzone forever siya kay kuya panying! hihihi.''

aba't luka-luka talaga ang kapatid ko na ito, sa paanong paraan ko kaya siya sasabunutan.

Inilipat ko ang tingin ko kay stateside, nakakunot ang noo nya habang nakatingin din sa akin.

''Really?'' sabi nyang hindi inaalis ang pagkakatingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, hindi ko alam na bukod sa pagiging suplado at mayabang, chismoso din pala siya.

''Yes! malaking tsek, kuya teban! dat is so rayt!''

Iniiwas na sa akin ni stateside ang tingin nya.

Nagulat ako ng makita kong ngitian nya si betbet. Tipid na ngiti lang iyon pero nakakagulat na ng sobra.

Hindi ko inakala na may kakayahan pala siyang ngumiti. Ang akala ko kasi ay puro pagkunot ng noo at pagsibangot lang ang alam nyang gawin sa mukha nya.

''Kuya teban yu ar so pogi! yu ar so pogi wen yu smile!'' gusto kong matawa ng alisin bigla ni stateside ang ngiti nya, bumalik nanaman siya sa pagiging seryoso, ng makita nyang nakatingin din ako sakanya ay mas lalong sumeryoso ang mukha nya, pero hindi pa rin naitago non ang pamumula ng mukha nya.

Natatawa akong tumalikod. Tama si betbet, doble ang iginwapo nya noong ngumiti siya.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay medyo nakaramdam ako ng hiya. Alam ko kasi na mayaman sila, at talagang hindi sila bagay na tumira sa bahay namin.

Mas pinamodernong bahay kubo lang ang bahay namin. Kung titignan si stateside ay alangan na alangan talaga siya doon.

''Ah-eh, ito ang bahay namin, pasensya na kayo ah? medyo marupok na ito, matagal kasing hindi natirhan.''

Pinagmasdan ko si teban habang iginagala nya ang tingin nya sa kabuuan ng bahay namin.

Seryoso lang ang itsura nya, at hindi naman makikitaan ng pagkadisgusto.

''Dalawa ang kwarto dito, sa kaliwa iyong kwarto namin nila bunso at betbet.'' sabi ko habang itinuturo ang kwarto namin na kurtina lang naman ang nagsilbing harang.

''Doon sa isa pang kwarto, siguro kayo nalang ni mang alfonso ang gumamit noon teban. Dito sa labas ko nalang papatulugin sila tisoy.'' nilingon ako ni stateside.

''No need to do that, we prefer to sleep here.'' pagkasabi noon ay naglakad siya papunta sa likod. Wala sa loob na sinundan ko siya.

''Ah-eh, sigurado kaba ha teban?, medyo malamok kasi dito sa labas kapag gabi na.'' Saglit lang nya akong tinignan, bago bumalik ulit sa pagmamasid sa bahay namin.

Marahan siyang tumango na dinugtungan lang nya ng napaka habang ''yes''.

Kahit na kailan ay ang sarap nyang kausap, kaya imbis na kausapin pa siya ay si mang alfonso nalang ang binalingan ko,kasalukuyan nyang ginagamot ulit ang mga sugat nila rjay at tisoy. Gusto ko nang isipin na isa syang doktor.

''Ikaw mang alfonso?Okay lang po ba sa inyo? Sa pagkakatanda ko po masama ang pakiramdam nyo kanina, okay na po ba kayo?''
nilingon ako ni mang alfonso habang patuloy pa rin ang pag gamot kay tisoy.

Taas Ang Kamay! Kidnap 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon