12.)

114 3 3
                                    

''A-aray k-o!'' napahawak agad ako sa ulo ko ng sumakit yun dahil sa biglaang pagtayo na ginawa ko.

''Bakit ba napaka sakit ng ulo ko?'' nagtatakang tanong ko sa sarili ko habang pilit na inaalala ko ang mga nangyari kagabi.

''tsk...'' naglasing nga pala ako kagabi kasama sila teban dahil kay panying.

haaay buhay.

Gusto ko na talagang isipin na may sumpa ang pangalan ko, bakit imbis na puro ligaya ang nararamdaman ko dahil yun naman ang pangalan ko, eh puro lungkot at pait ang nararanasan ko.

''napakasakiiiit!!!! kuya ideee! ang sinapit, ng aking buhay!!!! napakasakiiit!!!! kuya idee!!!! sabihin mo kung ano ang gagawin......''

Kahit hindi na ako sumilip sa labas ay alam ko na kung sino ang kumakanta na iyon.

''Anak ng! may hang owber kana nga ay ganyan pa ang maririnig mo!'' sinulyapan ko sila betbet at bunso na katabi ko sa papag. tulog na tulog pa rin sila.

Nang tignan ko ang orasan ay alas singko pa lang ng madaling araw.

Dahan-dahan akong umalis sa kinahihigaan namin.

''nako naman! ang sakit talaga ng ulo ko.!'' kaunting galaw lang ay kumikirot talaga ang ulo ko, mukhang napadami nga ang inom ko kagabi.

Muling sumagip sa isip ko si panying kaya malalim akong napabuntong hininga. Nasasaktan pa rin ako kapag naiisip kong ikakasal na siya sa iba.

''napakasakiiiit!!!! kuya ideee! ang sinapit, ng aking buhay!!!! napakasakiiit!!!! kuya idee!!!! sabihin mo kung ano ang gagawin......''

Inis na napatingin ako sa bintana at agad na dumungaw doon.

''Mang pretty boy naman! ang aga-aga o! tulog pa ang mga kapatid ko, kahit nga ang mga manok eh hindi pa tumitilaok eh, sinisimulan nyo na agad banatan yang playlist nyo!'' inis na sigaw ko kay mang pretty boy, na kung titignan mo eh malamang hahanapin mo kung nasaan ang pinagbasehan ng pangalan nya.

Malawak naman ang ibinigay nyang ngiti sa akin at tsaka muling ipinagpatuloy ang pagsisibak ng kahoy.

''Pasensya kana igay at mukhang nagising yata kita? maaga akong nagpunta rito dahil maaga din kasi ang pasok ni pasencia.'' napataas ang kilay ko.

''Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin kayo natatauhan-este sinasagot ni sensiang?'' tumango-tango naman si mang pretty boy habang nakangiti pa rin.

Bilib din naman talaga ako sa pagtitiyaga ni mang pretty boy.

''Oo ligaya, pero nararamdaman kong malapit na akong sagutin ni pasencia.''

''Talaga ho? eh yan din ho ang sinabi nyo sa akin dati, limang taon na ang nakakalipas ah?--- hehehe maganda yan, siguro ay dapat papalitan nyo na ang pangalan nyo, gawin nyo na ring pasencia.''

'mas bagay sa inyo!'

''Bakit naman igay?'' kunot noong tanong nya!

''Uso ho kasi yun! couple name! hehehe'' mukhang natuwa naman siya dahil lalong lumapad ang pagkakangiti nya.

''Boy! hindi pa ba tapos yang panggatong?!'' dumungaw si pasencia sa bintana at pagalit na sinabi iyon.

Taas Ang Kamay! Kidnap 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon