8.) Baryo Tarectecan

119 2 3
                                    

''Stop crying.'' hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba iyang sinabi sa akin ni stateside. Pinipigilan ko naman ang mga luha ko, pero ayaw tumigil.

Gusto ko nang mawalan ng malay dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko pa lang ang nangyari sa mga kapatid ko at ang lagay nila ngayon ay nanghihina na ako.

Wala pa man ay buo na sa isip ko na grupo nila bakulaw ang may gawa nun. Dahil imposibleng may kaaway ang mga kapatid ko na iyon, mga sugarol lang ang dalawang iyon, pero marami silang mga kaibigan.

''huhuhu... ka-kawawa na-naman ang mga k-kapatid k-o'' sumisigok sigok na sabi ko habang panay ang pagpunas na ginagawa ko sa mga luha ko.

kasama ko silang dalawa ni mang alfonso na magpunta sa bahay namin.

Si stateside ulit ang nagmamaneho ng sasakyan. Ibang sasakyan nanaman ang gamit namin ngayon.

(A/N: hindi ko maisip yung isusunod ko dito, nakalimutan ko agad, nakakainis. haayyy.)

''May alam ka bang nakaalitan nila hija?'' nilingon ko si mang alfonso na nasa likuran.

Umiling agad ako. Sigurado akong walang makakaaway ang mga kapatid ko na iyon.

''Imposible yan mang alfonso, kilala ko ang mga kapatid ko na iyon. Hindi sila mahilig sa gulo.'' sabi ko habang umiiyak pa din.

Pinaka nag-aalala ako kay r-jay, may sakit na hika ang kapatid kong iyon. Baka dahil sa bugbog na natamo nya ay atakihin siya ng hika nya.

Si tisoy naman, sigurado akong hindi mapakali ngayon iyon, siguradong inaalala nya ang mukha nya.

Maarte sa mukha at katawan nya ang kapatid kong iyon, kung tatanongin nga ako kung sino ba ang mas mahal nya, yung girlfriend ba nya o ang mukha nya. Siguradong iyong mukha nya ang pipiliin nya.

''Iliko mo sa kanan teban, pag nakita mo yung selya's lugawan doon na tayo hihinto.''

wala naman siyang imik na sumunod sa sinabi ko.

''Pero paano tong kotse? doon pa kami sa looban. Okay lang ba kung iwan nalang natin dyan sa tapat? ipapabantay ko nalang kay nanay selya.''

''Okay.'' hindi ko maiwasang mapatitig kay teban. mukhang may malalim syang iniisip.

Nang makahinto na kami sa tapat mismo ng lugawan ni aling selya ay dali-dali na akong bumaba. Ipinakisuyo ko nalang kay aling selya yung kotse ni teban, ng pumayag siya ay niyaya ko na agad sila ni mang alfonso.

Hindi ko na talaga binigyan ng pagkakataon si aling selya na magtanong, at baka abutin pa kami ng madaling araw sa pagsagot ko palang ng tanong nya.

Bukod kasi sa pagtitinda ng lugaw, ang magchismis din ang isa sa mga hobby nya.

Halos madapa ako sa pagmamadali ko sa paglalakad, pero hindi ko iyon alintana. Kanina pa naninikip ang dibdib ko sa pag-aalala sa mga kapatid ko.

''slow down, will you?'' sabi sa akin ni stateside ng muntikan nanaman akong matapilok.

kalmado lang siyang naglalakad habang nakapamulsa, ganun din si mang alfonso.

kung hindi lang ako nag-aalala ay baka naloko ko na sila.

pareho kasi silang naka slacks at long sleeves pa. Hindi akma ang suot nila sa lugar namin.

Kung hindi ko sila kilala ay iisipin ko na nag-aalok sila ng bahay at kotse.

Pagkaliko namin sa eskinita sa kaliwa ay nakasalubong ko sila bertong taga at junior laway.

Nagulat sila pareho ng makita ako.

Taas Ang Kamay! Kidnap 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon