5.) Empire

123 5 0
                                    

"Tutong! Bochog! Ano buhay pa ba kayo??" Hirap na hirap na dumilat sila tutong at bochog at tsaka marahan na tumango.

Nasa loob na kami ng sasakyan nito nila stateside, nasa likuran sila tutong at botchog katabi nila si mang alfonso habang ako ay katabi itong si teban na nagmamaneho ng sasakyan.

Sa hindi na malamang beses ay nilingon ko ulit sila tutong. Hindi ako mapakali lalo na kapag nakikita kong parang kaunti nalang ay matutuluyan na silang dalawa. Kahit naman ganyan sila ay silang dalawa ang tinuturing kong matalik na kaibigan.

"Bochog, tutong! Humihinga pa ba kayo?? Bakit parang wala na kayong mga dugo? Huy? Nakakarinig pa ba kayo?!" Pabaling pabaling ako ng ulo ko sa kaliwa't kanan na para bang may hinahanap ako, ganyan kasi ang gawain ko kapag hindi ko alam ang gagawin ko at sobra ang tensyon na nararamdaman ko.

"Ang sabi ni mang lorenzo, yung beterinaryo sa atin, kapag nabubulag na raw eh malapit ng matigok! Mamamatay na ba kayo?!" Bahagya kong ipinasok ang katawan ko sa loob para mapalapit ako ng kaunti sakanila.

"Eto ilan to? Nakikita nyo pa ba ito??" Iwinagayway ko pa sa harapan nila ang mga daliri ko. Kumibot kibot ang mga labi nila pero hindi nila ako sinagot. Nananatili rin na nakapikit ang mga mata nila.

"Will you sit your ass properly?? how many fucking times do you have to ask them if they're okay?" Nilingon ko si stateside na bagaman nagsasalita ay nananatili pa rin sa harapan ang tingin nya. Kunot na kunot ang noo nya at halatang naiinis. Sabagay minu-minuto yata kung mainis ang lalaking ito eh.

"Chine-check ko lang naman kung okay lang sila! Masama ba yun?? Tignan mo nga sila oh! Parang tig-isang kutsara nalang ng dugo ang meron sila!" Nag-uumpisa nanamang mangilid ang luha ko, kapag sobra na ang nararamdaman kong pag-aalala ay umiiyak ako.

Hindi na sya umimik pero nakakunot pa rin ang noo nya.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kila bochog na nakapikit pa rin hanggang ngayon.

"Mga pre wag kayong mamamatay ah?! Walanghiya kayo! Isang batalyon ang bilang ng mga pamilya nyo! Ano yun? Sa akin nyo lahat iiwan?? Magdidildil nalang kami ng asin pag nagkataon! Huhuhu!" Hindi ko na napigilan at naiyak na talaga ako, sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko kaya pinahiran ko iyon gamit ng t-shirt na suot ko.

Naramdaman kong nakatingin sa akin si stateside kaya nilingon ko siya, nahuli kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko mabasa kung ano ba ang nasa isip nya. Agad din naman siyang nagbawi ng tingin nang makita nyang nakatingin din ako sakanya.

"Huwag ka nang mag-alala hija, okay lang naman sila, masyado pang malakas ang mga pulso nila para bawian ng buhay, nagpapahinga lang sila dahil nakakapanghina talaga ang mawalan ng dugo." Sabi ni mang alfonso matapos nyang pulsuhan ang dalawa. Iniangat nya ng bahagya ang kanang braso ni tutong na may tama ng bala at sinipat iyon.

"Sebastian, ilang minuto pa ba bago tayo makarating sa ospital?" tanong ni mang alfonso habang sinisipat pa rin ang braso ni tutong.

Nang wala akong marinig na sagot galing kay stateside ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy teban! Tinatanong ka ni mang alfonso! Baka gusto mong sumagot?"

"I won't bring them to the hospital." Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya.

"Anong sabi mo?? at bakit hindi mo sila dadalhin?! Akala ko pa naman may puso ka! Huh!! Ano bang inaalala mo ha??! Yung bayad sa pagpapa-admit?! Ako na bahalang dumiskarte dun! Basta pumunta lang tayo sa ospital! Dun sa ospital sa amin mura lang! doon nalang---"

"Shut.the.fuck.up.and.wipe.your.mother.fucking.tears." punong-puno ng diin kahit na sa mabagal at mahinang paraan nya lamang iyon ginawa. Pinagkatikom-tikom ko naman ang bibig ko dahil sobrang lapit ng mukha nya sa akin.

Taas Ang Kamay! Kidnap 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon