3.) At my back

122 5 3
                                    

Nang makabalik kami doon sa tingin kong hide out ng mga bakulaw na ito ay agad silang nagsibabaan.

Nung mukhang hihilahin pababa ni john mongoloid itong poging bastos na ito ay tinitigan nya agad ng masama si john mongoloid.

"You dare to touch me or i will ripped you to death asshole! " dahan-dahan nyang sinabi iyon kay bakulaw pero nakakatakot ang paraan nya ng pagkakasabi noon. Yung tipong hindi talaga sya nagbibiro.

Nang lingunin ko si john mongoloid ay nakakunot ang noo nya pero parang may takot akong nakikita sa mga mata nya.

Sabagay kahit naman ako nakakaramdam ng takot sa lalaking to. Iyong itsura nya kasi, kahit na gwapo siya halatang mas madalas nga siyang gumagawa ng masama.

Isa pa, sa tingin ko lang ah. Kung magwa-one on one tong si stateside tsaka si john mongoloid, sigurado tumba agad tong si bakulaw. Sa taas at tikas pa lang ang laki na ng inilamang nito ni stateside.

"Huwag mo daw siyang hahawakan kung hindi yari ka." Singit ko sakanilang dalawa dahil hanggang ngayon eh nakakunot pa din ang noo nito ni john mongoloid kay stateside. Malamang kasi hindi nya naiintindihan, nakalimutan kong bukod sa paggawa ng kawalanghiyaan, wala ng alam ang mga bisugong to.

"Dalian mo! Bumaba kana!" Sabi nito na sinuklian lang ng matatatalim na titig ni stateside. Mukha talagang natakot tong si bakulaw dahil tumalikod na siya at tsaka nauna na sa paglalakad.

'Ano bang klaseng mga kidnappers to? Iniiwan yung kinidnap nila? May lakad ba sila mamaya at nagmamadali sila? Sabagay, sa ganitong kaliblib na lugar eh mahihirapan din siyang tumaka---

"Oh bakit?" Natigil ako sa iniisip ko ng mapansin kong nakatingin na pala sa akin si stateside, at ang sama-sama ng tingin nya. Iniisip ko kung mainit ba talaga ang ulo nya kaya siya ganyan oh natural lang talaga sakanya ang ganyan kasama kung makatingin. Para siyang papatay ng tao ano mang oras.

"Get out of here." Madiin nyang sinabi na nagpakunot sa noo ko. Pero di ko siya sinagot dahil di ko rin maunawaan ang ibig nyang sabihin.

"I said you get the fucking out of here woman, Now!"

"Ay now! Ano ba? Bakit ba naninigaw ka?!" Napaigtad ako dahil sa gulat ko sakanya, bakit ba napakahilig magmura at sumigaw ng lalaking ito?

"I am giving you another chance to be out of here, you think you can fucking escape here? Fucking.no. because you are nothing but a fucking small time crook." Tumingin din siya kila bochog na nandoon pa rin pala sa loob. Nasa parteng likod sila, katabi iyong amo nitong si stateside.

Doon ko lang din napansin na kami nalang pala ang tao doon. Bakit ba lagi kaming iniiwan ng mga bakulaw na yun?  At ano nga yung sinabi nya? Small time crook? May kasamaan talaga ang pag-uugali ng lalaking to eh. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hehehe eh boss, makikisabat na ano? Paano mo nalaman na kusinero ako? Pero hindi rin naman ganoon ka-smol taym yun, bah malaki din kinikita ko dun. " Nakakunot noong nilingon nito ni stateside si tutong, kahit gusto kong sapakin tong si tutong dahil sa katangahan nya ay mamaya ko nalang gagawin. Uunahin ko muna tong mayabang na ito.

"Anong sinabi mo? Hoy, wala kang karapatang pagsalitaan kami ng ganyan dahil hindi mo alam ang buong nangyari! Akala ko, akala namin marangal tong napasukan namin yun pala---"

"Tss. i don't wanna hear your lies and stupidity, just get the hell outta here--- fuck! What did you do woman?!" Galit na galit nyang sinabi matapos kong kurutin ang labi nya, kaya hindi na nya natapos ang sasabihin nya.

"Masyadong masasama ang mga lumalabas dyan sa bibig mo!" Tinitigan ko rin siya ng masama.

'Langyang buhay to oh! Ang gwapo talaga ng lalaking to, kaso napaka sama ng ugali!'

Taas Ang Kamay! Kidnap 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon