6.)Enemy

76 3 0
                                    

"Ikaw? Hindi ka ba kakain?" Tanong ko kay stateside habang sinisimulan ko nang lantakan yung fried chicken na hawak-hawak ko.

Pagkarating naming dalawa sa kusina ay napaka daming pagkain doon. Hindi naman siguro ako bibitayin pagkatapos nito diba? Sana lang talaga.

Gaya nang nakaugalian nyang gawin, hindi nanaman nya ako sinagot. Sa halip ay lumapit siya sa coffee maker na nandoon, mukhang magkakape lang siya.

Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang pagkain ko, grabe ang gutom na dinanas ko. Kamusta na kaya sila bochog? Sana naman ay okay lang sila.

Umupo siya dalawang silya ang layo sa akin. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin habang may hawak na tasa ng kape.

Kung iba-iba yan ay iba na ang iisipin ko sa madalas na pagtitig nya sa akin. Sa katunayan nga niyan ay dalawang matadero sa palengke sa amin ang muntikan nang magtagaan dahil lang sa akin. Ibig sabihin noon, may kagandahan din naman akong maipagyayabang kahit na papaano.

Pero dahil siya si teban, na sobrang gwapo at suplado hindi ko makuhang isipin na naaakit siya sa ganda ko.

"What is your connection on that group?" Biglaan akong napalingon sa gawi nya, nang walang ano-ano ay nagsalita siya.

"Ha?" Hindi ko pa agad naintindihan kung ano ba ang sinasabi nya.

"Yung mga grupo ba nila bakulaw ang tinutukoy mo?" Nangunot ang noo nya sa sinabi ko.

"How did you got involved on that group?" Muling tanong nya sa akin. Kinabahan naman agad ako. Hindi kaya pulis talaga itong si teban? At inuumpisahan na nya akong kunan ng statement? Mukhang tagilid yata ako dito.

Pasimple kong iginala ang mata ko sa kabuuan ng kusinang iyon, mahirap na baka marami na palang nakaaligid sa akin na naghihintay lang na may mali akong sabihin.

"I am asking you woman. I'm sure that you didn't want me to repeat my question." Muli kong ibinalik ang tingin ko kay stateside ng sabihin nya iyon.

Hirap na hirap ko munang nilunok ang kinakain kong manok bago ko siya sinagot.

"A-ah e-eh k-kuwan-- ano kasi eh--" hindi ko alam kung paano akong magpapaliwanag sakanya. Wala naman talaga kaming koneksyon sa mga bakulaw na yun eh. Kaya anong sasabihin ko??

Hindi ko naman pwedeng sabihin dito kay stateside na napadaan lang kami nila bochog doon at naisipan na naming sumama sa mga walang hiyang iyon! Siguradong hindi nya iyon papaniwalaan.

"And don't ever think on telling lies to me, because if you do, i will fucking send you to hell." Tuluyan na akong nawalan ng gana dahil sa sinabi niyang iyon.

Kung tinatakot niya ako ay nagtagumpay siya, pero mukhang hindi lang nananakot itong si stateside eh, nasaksihan ko mismo kung paano siyang pumatay ng wala man lang kahirap-hirap.

Pinigilan ko ang pangingilid ng luha ko, sasabihin ko sakanya ang totoo pero nasa kanya na iyon kung papaniwalaan ba niya.

'Langyang buhay to oh! Ano bang nagawa kong masama at minamalas ako ng ganito?? Nagtatrabaho naman ako ng marangal ah?? Wala naman akong inaagrabyadong tao-- maliban nalang kay bumbay! Pero 350 nalang naman ang kulang ko dun ah?! Haaay.'

Huminga muna ako ng malalim at tsaka diretso ko siyang tinignan sa mismong mga mata nya, para malaman niya na totoo ang sasabihin ko.

"Maniniwala ka ba sa sasabihin ko?" Tanong ko sakanya pero hindi siya sumagot, nananatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Ano? Maniniwala kaba ha?? teban?" Muling tanong ko. Inilapag niya sa lamesa ang hawak ng tasa ng kape. Wala nanaman siyang sagot.

"I am commanding you to tell me the fucking truth, so just do it, and don't fucking ask for more."

Napaka arogante talaga ng lalaking ito! Akala mo kung sino! Maya't maya pa ang ginagawang pag-iingles!

"Eh tinatanong lang naman kita! Baka naman kasi magsayang lang naman ako ng laway dito tapos hindi mo rin naman papaniwalaan! Alam mo kasi tingin ko sayo, hindi ka naman basta-basta--- ah eh, paanong kwento ba ang gusto mo?? Horror o action?? Hehehe" kunwari ay kumagat akong muli sa hawak-hawak ko pa ring hita ng manok, para maialis ko ang tingin ko sakanya. Napakasama kasi ng ginagawa nyang pagtingin sa akin eh. Ang galing talaga manakot ng lalaking to eh.

"Are you making fun of me huh woman??" Halatang iritadong tanong niya sa akin.

"Ano? hindi ah! Pasensya na pero seryosong tao ako, ni hindi ko nga hilig ang magbiro!" Tinaasan lang niya ako ng kilay at sumandal siya sa inuupuan niya.

Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa kahit na nakaupo ako, naiilang naman ako dahil sa ginagawa nyang iyon.

"Okay!You refuse to explain yourself to me? Then go and get undress." Nanlaki bigla ang mga mata ko nang sabihin nya iyon. Iniisip ko nga kung nabingi lang ba ako, kasi kung iyong itsura nya ang pagbabasehan ko eh para bang wala lang sakanya ang sinasabi nya.

"A-ano k-kamo?? Pi-pinaghuhubad mo ba a-ako??!" Utal-utal na tanong ko sakanya.

"Well atleast you are not fucking deaf woman." Sabi nya at may kaonting ngiti na sumilay sa labi nya, na talagang nagpatulala sa akin.

May igu-gwapo pa pala itong si stateside? Grabe. Samantalang yung iba halos pati gilagid nila lumabas na kakangiti pero nagmumukha lang na tiyanak.

Ipinilig ko ang ulo ko para maalis ang iniisip ko.

'Ano ka ba naman ligaya!? Nakuha mo pang humanga sa taong yan na wala ng ginawa kundi ang takutin ka??'

"A-aba! Teka lang ha! Pero teban hindi naman yata ako makakapayag diyan sa sinasabi mo!" Halos pasigaw kong sinabi sakanya pero nananatili lang na blangko ang itsura nya, habang diretso lang na nakatingin sa akin.

"Hindi porke pinapakain mo ako, at tinulungan mo ang mga kaibigan ko, eh papayag nako sa lahat ng ipapagawa mo! Pasensya na, pero disenteng babae ako at hindi ako makakapayag na kukunin mo lang ng ganun ang puri ko!" Mabuti nalang at dire-diretso ko iyong nasabi. Totoo naman ang lahat ng iyon. Birhen pa kaya ako! Pero ang pinaka inaalala ko sa lahat ay baka makita nya ang panty at bra ko na malapit na talagang summurrender. At hinding-hindi ko mapapayagan iyon!

Tinitigan ko siya ng masama ng marinig kong nakakainsulto siyang tumawa.

Sisigawan ko pa lang sana siya nang biglang may humatak sa akin at pwersahan akong itinayo at iniharap sakanya.

'Ano nanaman ba??!'

Nakita ko ang lalaking may pagkakahawig kay stateside, pero mas sumisigaw ang kayabangan ng lalaking ito kung itsura nya ang pagbabatayan ko. Pero grabe din ang kagwapuhan na taglay ng lalaking ito!

"Sino ka?" Mas lumawak ang pagkakangisi nya at nanlaki ang dalawang mata ko nang unti-unti nyang inilalapit ang mukha nya sa akin.

'Anong gagawin nya?? Bakit ba lumalaganap ang mga gwapong bastos ngayon???'


Merry Christmas sa lahat!!!

Taas Ang Kamay! Kidnap 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon