4.) Teban

102 5 2
                                    

Gaya ng sinabi ni stateside, nanatili nga lang ako sa likuran nya, habang patuloy parin sya sa ginagawa nyang pakikipagbaliran dun sa grupo nila bisugo.

Alam kong sobrang higpit na ng ginagawa kong pagkapit sakanya, pero hindi niya iyon alintana.
Sobra-sobra din ang kabang nararamdaman ko, lalo na kapag naririnig ko ang mga putok ng baril na hindi na yata hihinto.

Nananatili lang sa ibaba ang tingin ko at sumusunod lang ako sakanya sa paminsan-minsan nyang paggalaw.

Hindi ko tinitignan kung ano na ba ang nangyayari, pero kahit na hindi ko tignan alam ko na magaling makipaglaban itong si stateside.

Kahit kasi hindi maya't maya ang ginagawa nyang paggalaw ay napaka biis naman nya sa pagbaril, para bang lahat ng matutukan ng baril nya eh sapul talaga.

"Shit!"

"Aaaaarrggghh!!!"  Napalakas ang ginawa kong pagsigaw ng biglaan siyang humarap sa akin, at sa ganoong posisyon muling nakipagbarilan. Sunod-sunod ang ginawa nyang pagpapaputok sa kung sino mang nasa likuran ko.

"Die. fucking asshole!" Narinig kong mahina ngunit may diing sinabi ni stateside.

May kahigpitan ang ginagawa nyang pagkapit sa baywang ko, para tuloy kaming magkayakap na dalawa kung titignan. Kaya naman nanlalaki ang parehong mata ko habang nakatingin sakanya. Habang siya naman ay seryosong-seryo lang sa ginagawa.

"A-ah e-eh s-stateside, sa l-likod m-mo n-na lang u-ulit a-ako!" Nanginginig at pautal-utal kong sinabi sakanya.

"No." Sagot niya na hindi man lang ako nagawang tignan.

"S-sa likod m-mo nalang ako, pa-ra h-hindi ak-o nakahara---"

"I said fucking no! Just stay right there woman!" Noon nya lang ako tinignan, kaya wala na akong nagawa kung hindi tumango nalang at saka muling nagtungo ng ulo.

Naiilang kasi ako sa posisyon naming dalawa na parang magkayakap na. Hindi man tamang mag-isip sa ganitong sitwasyon, hindi ko pa rin maiwasang isipin na para kaming loveteam sa isang pelikula. Lalo na at natitigan ko pa ng malapitan ang lalaking to. Grabe ang kagwapuhang taglay niya! Nakakahiya mamaya may muta ako sa mata, o kaya blackheads!

Kaya mas magandang yumuko nalang at wag nang makipagtinginan sa poging bastos na'to!

'Ano ba ligaya? Umayos ka nga! Walang puwang ang kalandian mo sa ganitong sitwasyon!'

"Arrrggghhh!!!" Agad akong napalingon sa kaliwa ko ng marinig kong sumigaw ng malakas si tutong.

Nakita kong nakahiga na siya habang hawak-hawak nya ang kaliwang balikat nya na mukhang may tama ng bala.

"Tutong!" Sigaw ko habang nagmamadali akong lumalapit sakanya.

Kahit na naririnig kong pinapabalik ako ni stateside ay hindi ko na siya pinansin.

"Anong nangyari sayo tutong?! Ayos ka lang ba? Walang hiya ka! Hindi ka pwedeng matodas dahil pagtapos nito ay yari kapa sa akin!" Mangiyak-ngiyak kong sabi sakanya. Hindi ko naman alam kung paano ko siya hahawakan, dahil may tama siya ng baril sa magkabilang balikat nya.

"I-igay u-malis k-kana d-dito, s-sige na! I-ikaw na din ang b-bahala kila ning-neng ah!" Uutal-utal na sabi ni tutong habang nakapikit siya at naghahabol ng hininga.

"Sira ba ulo mo?! Anong pinagsasasabi mo ha?! Higit ka pa sa masamang damo, kaya wag kang umarte dyan na akala mo eh mamamatay kana!" Sabi ko habang sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko.

"T-tara na! umalis na tayo dito, nasaan ba si bochog?! Huy! Ano ba?! Dumilat ka nga!" Lalo akong kinabahan ng makita kong hindi na sya gumagalaw. Kaya bahagya kong tinapik-tapik ang mukha nya. Nang magmulat siya ng mata ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Taas Ang Kamay! Kidnap 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon