Hindi alam ni Ish kung anong oras na siya nakatulog kagabi. Paggising niya kasi ay nakabukas pa din ang TV. Dahil nakasara ang mga kurtina ay tanging liwanag lamang ng TV ang nakikita niya. Uupo na sana ito nang maramdamang may kamay nakapulupot sa bewang nito. Sa bandang binti niya naman ay may nakatantay na paa.
Hindi na niya inusisa kung sinu-sino ang mga iyon. Kabisado na niya ang mga sleeping habits ng mga katabi. Ang pinakamalikot sa matulog ay si Lucio bukod doon ay tulog mantika din ito. Ang Kuya Rucio naman ang tipo nang tao na kung ano ang pwesto matulog, tiyak iyon din ang pwesto paggising.
Nagawi ang tingin niya sa lalaking nakayakap sa kanya. Matagal tagal din nang huli silang magkasamasama ng matagal at makita ito ng ganoon kalapit. Gusto sana niyang kausapin ito kagabi dahil nag-aalala siya dito. Kaya nga hindi na siya humindi sa edeya ni Lucio na magluto at mag stay ng weekend dito sa villa. Nahiya pa nga itong pumasok sa villa ni Kuya Rucio dahil ang linis at maayos ang mga gamit. Yung bang ikaw na lang mahihiyang gamitin ang alin man doon.
Malinaw na matagal nang gusto ng daddy nito na siya ang mag-take over ng Arcenal Industries. Kaya sa tuwing may pagkakataon ay pinapaalala nito iyon sa kanya. Bagay na kinaaayawan ng ni Kuya Rucio. Wala siyang hilig sa business. Kung meron man ibang linya ang gusto nitong pasukin. Kaya lang ay iniipit ito ng daddy niya nadalas.
Growing up with him, Ish learned na kung may ayaw ito, walang makakapilit sa dito. At hindi din basta-basta ito nagbabago ang isip. Tulad na lang ng pagsali nito dito sa Cavalier Racing Club. Kahit na galit na galit ang magulang nito noong malaman ang ginawang pagsali ay walang nakapagbago ng isip niya. Kaya nga naging idol ito ng kapatid niya. Malakas daw ang loob kalabanin ang parents nila. Buti nga at suportado ito ni Lola Lucia. Kahit alam ni Ish na nag-aalala ang matanda sa kanila ay hindi ito kumontra. Tiwala kasi si Lola na alam nilang dalawa kung ano ang pinasok nila.
Maingat na bumangon si Ish upang hindi ko maistorbo ang pagtulog nilang dalawa. Nagbukas siya ng isang lamp shade at pinatay ang TV. Dumiretso siya sa CR upang magayos ng sarili. Buti at dinalhan siya ni Lucio ng masusuot bago pa man sila magsimulang magluto kagabi.
Suot ang isang white shirt na may kalakihan at isang chino short ay lumabas si Ish ng CR at dumeretso na ng kusina upang maghanda sana ng agahan. Ang problema ay pagbukas niya ng refregirator ay wala naman siyang maluluto. Panay bottled water, beer in can at mga left over food na hindi niya alam kung pupwede pang itong kainin. Wala ding laman ang freezer nito. Napapailing na lang si Ish. Malinis nga ang bahay wala namang laman ang ref.
Bitbit ang wallet at phone niya ay dahan dahan lumabas si Ish ng bahay gamit ang back door. Baka mabulabog pa kasi ang dalawa kung sa harap pa ito dumaan.
Paglabas ay agad siyang naglakad patungong guard house upang mag patawag ng shuttle para maihatid ito sa palengke. Mabilis naman dumating ang shuttle. Pagdating sa palengke ay hindi na pinaghintay ni Ish ang driver ng shuttle. Kaya na din naman niyang magcommute pabalik.
Paglipas ng isang oras at kalahati ay mukhang pinanghihinayangan niya na hindi ito nagpahintay sa driver. Masyado yatang naexcite itong mamalengke na napadami ang mga pinamili niya. Kaya ngayon ay hirap na itong sa paghanap ng masasakyan at idagdag pa na parang mababale na ang magkabila niya balikat.
"Sir, Caballeros Compound po ba?" Napalingon si Ish sa nagsalita. Isang katangkaran na lalaki ang na nakasuot ng shades ang pinanggalingan noon. Nakatayo ito sa tabi ng isang kotseng kulay gray. Mukha naman mabait yung lalaki kaya sinagot niya ang tanong nito.
"Opo sana, kuya. Kaso ang hirap pala ng sakayan pabalik doon."
"Sumabay na po kayo sa akin, sir. Pabalik na din naman po ako." Bahagya pa siyang nahiya dahil sa pag-sir nito sa kanya. Di kasi hamak na ang lalaki dapat yung sini-sir sa kanilang dalawa. Tanging t-shirt at short lamang kasi ang suot niya. Sa tantsa pa niya ang pawisan na din ang mukha niya. Sa mantalang ang lalaki naman ay naka-white polo at pants. Idagdag pa ang sapatos nitong mukhang mamahalin. Papasang model ang lalaki sa isip-isip niya.
BINABASA MO ANG
Los Caballeros Series: Rucio Arcenal
Lãng mạnLos Caballeros Series: Rucio Arcenal Blurb: Kung meron mang pinapaalala si Ish sa kanyang sarili, 'yon ay huwag na huwag mahuhulog kay Rucio Arcenal, ang lalaking tanyag sa pangangarera ng sasakyan, sa pagiging modelo at higit sa lahat, ang pangana...