Kabanata 19
Flashback 5 years ago.
Kabado man sa nangyari ay sinikap ni Ish na hindi masyadong mag-isip. Ganoon pa man ay hindi siya mapakali. Tinatawagan niya si Lucio ngunit hindi na ito sumasagot.
Ang alam niya ay nasa America si Rucio para sa isang racing tournament. Nasa UK naman si Lucio para gumawa ng 8 episodes exploring UK video vlog nito. Nakabreak kasi siya as Cavs.
Pagdating niya sa airport ay expected na niyang walang susundo sa kanya. Pero nabigla siya nang makita si Lucio sa passenger exit. Naningkit ang mata niya nang makitang namumula ang mga mata nito. Mukha din itong walang tulog. Hindi pa man niya nalalaman ang dahilan ay kinakabahan na siya.
Kinuha lang nito ang gamit niya at nagmadaling lumabas nang hindi nagsasalita. Sumunod lang siya sa likod nito. Gusto niyang magtanong dito.
"Lucio, wait." Tawag niya. Nagpatuloy lang ang lalaki na para bang hindi siya na rinig nito. "Lucio!" Nilakasan niya ang pagtawag. Tumigil naman ang lalaki.
Unti-unti ay humarap ito sa kanya. Sa pagtatama ng mata nila ay naramdaman niya ang hirap na nararapdaman nito. Lakad takbong bumalik ito sa kanya. Ikinulong siya nito sa mahigpit niyang yakap at nagsimulang umiyak.
"Spock, si kuya!" Humihikbing wika nito. He's seen Lucio in this state before. Kaya lalo siyang kinabahan.
"Ano ba kasing nangyari?" Nilakasan niya ang loob niya. Ayaw niyang maramdaman ng lalaki na nanghihina na siya dahil sa suspense na nararamdaman.
"Si Kuya, Spock." Sambit niya ulit. "He's sick."
I rarely saw Lucio cry. Masayahin kasi ito at maloko. But kung may roon man itong kahinaan, that would be his Kuya Rucio. Dinadamdam talaga nito ang mga bagay na may kinalaman sa kuya niya. Kahit na hindi na sila nagkikita at nag-uusap madalas ay alam niyang hindi nabago ang tingin nito sa kuya niya. Kung hindi lang sana nagka-girlfriend si Kuya Rucio marahil ay hindi sila didistansya dito.
Sa kabila ng mabigat na nararamdaman ay nakaya pangmagdrive ni Lucio. Gustuhin man ni Ish na siya ang magmaneho ay hindi niya iyon magawa dahil hindi naman siya marunong mag-drive. Kaya kahit kinakabahan ay hinayaan niyang ipagdrive ito.
Sa loob ng sasakyan ay walang imik silang dalawa. Ayaw din niyang magtanong sa kasama dahil baka mawala ang konsentrasyon sa pagdrive at maaksidente pa sila. Lucio is barely sane at the moment. He could sense that the guy is bottling his emotion right now.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang appartment. Medyo malayo iyon sa city kaya medyo natagalan ang byahe nila.
"We're here." Aniya.
Lumabas naman sila agad sa sasakyan. Sinundan lang niya si Lucio. Sa bawat yapak niya ay mas lumalakas ang kabog ng puso niya.
Pagpasok sa loob ay bumungad sa kanya ang magulong bahay. Naroroon ang nagkalat na mga gamit sa saying, mga basag na frames at kung ano pa.
"I gave him sedatives, so he can calm down and sleep." Rinig niyang sambit ng isang lalaki na nagmumula sa isang kwarto.
Pagsilip niya doon ay naabutan niya si Lucio na kausap ang isang lalaki. Magsasalita na sana siya pero naagaw ang pansin ang lalaking natutulog sa kama. Hindi na niya naituloy ang gustong sasabihin dahil tila pinipaga na ang puso niya sa kalagayan ng lalaki.
Natatakipan man ng kumot ang katawan nito ay halata ang pagpayat ng lalaki. Hindi niya napigilang lapitan ito. Napasinghap siya nang malapitan niyang mapagmasdan ang mukha nito. Malayong malayo iyon sa nakilala niya. Mahahaba na ang mga balbas niyo. Habang ang mga labi nito ay nanunuyo dahilan upang maging visible ang gaspang nito. Halatang hindi din ito nakakatulog ng maayos dahil sa mga eyebags nito sa magkabilang mata. Sa tabi ng kama ay may nakasabit na solutions na nakakabit sa swero.
BINABASA MO ANG
Los Caballeros Series: Rucio Arcenal
RomantikLos Caballeros Series: Rucio Arcenal Blurb: Kung meron mang pinapaalala si Ish sa kanyang sarili, 'yon ay huwag na huwag mahuhulog kay Rucio Arcenal, ang lalaking tanyag sa pangangarera ng sasakyan, sa pagiging modelo at higit sa lahat, ang pangana...