Kabanata 17
Napuno ang buong dining area ng tawa nina Ish, Lucio at Johann. Katatapos lang ng dinner nila at ngayon ay nagk-kwentuhan na sila habang umiinom ng wine na dala ni Johann. Kinukwento ni Lucas ang mga kalokohan nila noong mga high school pa lamang sila. Matamang nakikinig naman si Johann dito.
Nang matapos ni Ish ang mga dapat ayusin sa compound ay agad siyang dinala ni Kuya Bong sa villa ni Lucio para magluto. Dapat ay ito ang maghahatid sa kanya pero may kakausapin lamang daw ito kaya si Kuya Bong na lang ang nagdrive para sa kanya.
Pagdating sa villa ni Lucio ay dumeretso siya agad sa kusina upang iprepare ang lulutuin. Lihim pa siyang nagpasalamat dahil maayos ang bahay nito ngayon. Kung sabagay ay kahapon pa lang ito nakakauwi kaya wala pang pagkakataon para magkalat.
"Hoy, masyado mo naman dina-dramatize yung nangyari." Komento ni Ish sa kalagitnaan ng kwento nito. Ang lagay kasi ay siya ang ginagawang pasimuna ng pagka-cutting class nila para manood ng sine. Kung saan ay umakyat pa sila ng pader at muntik pang mahabol ng aso.
"Hindi kaya!" Malakas na protesta nito. Assual ay hindi nanaman siya magpapatalo. "Naku, bro, maniwala ka ganoon ang nangyari." Hindi naman makasagot si Johann dahil nakapako ang mata nito sa mata niya na parang nagbabanta.
"Nabangit ni Ish, Bro na may pinsan kang Cavs? Sino yun?" Tanong ni Lucio.
"Yes, magpinsan kami ni Harrison." Natahimik naman agad si Lucio at tumingin kay Ish.
"Ano nanamang tingin 'yan?" Natatawang tanong ni Ish. Alam niya ang gustong ipahiwatig ng tingin na iyon.
"Close kayo?" Tumingin sa kanya si johann.
"Parokyano ng bar ni Harrison yang ungas na iyan." Tinuro nito si Lucio. "Madalas siyang nambabae doon tuwing nasa Manila."
"Grabe siya sa akin." Lumapit ito kay Johann at bumulong. Yung bulong na naririnig naman niya. "Liligawan sana ni Harrison yang boyfriens mo." Napatingin naman si Johann kay Ish confirming if what Lucio said is true.
"Wala akong alam diyan. Minsan lang naman ako nakakapunta sa bar niya. Usually kapag susunduin ko yan." Depensa niya.
"Pero tinatawagan mo siya always." Gatong ni Lucio na kung malapit lang ito sa akin ay nabiwasan ko na.
"You're calling him?" Agad na tanong naman ni Johann.
Sa inis niya kay Lucio ay agad siyang tumayo upang malapitan ang lalaki. Mabilis namang tumayo ito ay tumakbo upang makaiwas. Sa huli ay nahuli din ito ni Ish at pinatikim ng pingot.
The dinner went well. 'Yun nga lang ay hindi naka punta si Kuya Rucio. Gusto din kasi niyang makilala nito si Johann. Pero sinabi na raw ni Lucio dito ang tungkol kay Johann. Gusto sana niyang tanungin ang reaction ng kuya nito ngunit pinigilan niya ang sarili. Bakit pa ba siya magtatanong? Pinaalalahan nito ang sarili ang distansya na gusto niyang ilatag sa pagitan nilang dalawa.
Dahil maaga pa ang gabi ay nagdisisyon silang maglakad lakad ni Lucio. Nagpaalam naman si Johann na babalik ng security office upang tapusin duty nito. Nag-split duty kasi ito para masundo siya kaninang umaga. Buti na lang at hindi nito sineryoso ang mga kalokohan ni Lucio tungkol kay Harrison.
Tahimik lang silang dalawa sa habang naglalakdad. Nakaangkla ang kamay niya sa matipunong braso ni Lucio sabay hilig ng ulo sa balikat nito.Para silang magkasintahan sa ayos nila. Pero wala namang pakealam si Lucio. Madals nila itong ginagawa sa labas. Natatawa na lamang sila pag nakakarinig sila ng bulungan tungkol sa kanila.
Kung sa ibang pagkakataon ay hindi niya gugustuhin ang tahimik na paligid masyado kasi iyong nakakabingi para sa kanya. Ngunit ngayon, sa mga oras na iyon, nagustuhan niya ang pagyakap ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Lucio.
BINABASA MO ANG
Los Caballeros Series: Rucio Arcenal
RomanceLos Caballeros Series: Rucio Arcenal Blurb: Kung meron mang pinapaalala si Ish sa kanyang sarili, 'yon ay huwag na huwag mahuhulog kay Rucio Arcenal, ang lalaking tanyag sa pangangarera ng sasakyan, sa pagiging modelo at higit sa lahat, ang pangana...