Kabanata 28
Naging abala si Ish nang sumunod na araw. Maging si Rucio ay ganoon din naman. May mga balita na kasing lumalabas hingil sa kinahaharap ng Arcenal Industries at kaulangan na nilang kumilos upang hindi na lumaki ang krisis. Hinala nila ay may nagmamanipula ng mga nangyayari.
Hindi naman naging mahirap kay Ish ang mag-manage ng PR team na hahawak ng issue dahil binigyan siya ni Sir Lucian ng go signal para pumili ng mga tauhan niya.
Sa loob bg isang linggo ay naging abala ang team niya sa pagmonitor ng mga business news, broad sheets, social media at iba pang avenue na maaaring makasira sa image ng company. Although, naglabas na ang kompanya ng official statement hindi pa rin iyon sapat.
Maliban sa pagmonitor ay nagingbabala din siya sa recovery plan at iba pang way para madivert ang attensyon ng mga tao. Siniguro nitong kumikilos lahat ng business unit.
"Hon, are you done?" napalingon siya sa nagsalita. Napangiti siya nang makita si Rucio na naka-dungaw.
Simula nang may nangyari sa kanila ay palagi na siya nitong sinusundo at inihahatid sa bahay niya. Minsan ay doon na din ito natutulog.
"We're at the office, Kuya." he warned. "Watch you words, please."
Kumunot naman ang noo nito. Heto nanaman at maiinis ito. Ayaw na kasing magpatawag nito ng kuya. Kung gaano siya kaingat sa office ay ganoon naman ito ka provocative. Kaya palagi itong nakukurot sa tagiliran ni Ish.
Hindi naman sa ayaw niya ang ginagawa nito. Ayaw lamang niyang may mapag-usapan uli ang mga tao. Isa pa, wala naman silang matinong usapan kung ano ba ang istado nila sa isa't isa. Oo at may nangyayari sa kanila pero hindi pa talaga sila nag-uusap ng masinsinan.
"I told you to drop the "kuya". Sabi na't maiinis nga ito. Napapailing na lang si Ish dahil napaka-childish kasi nito.
"You can go without me, kuya." Diniinan nito ang salitang kuya. "I have to see kuya Bong. Kailangan ko kasing macheck ang iba kong mga client." Ilang araw na din kasing naririto suya sa Arcenal Industries. Kailangan din niyang bigyan pansin ang personal business niya.
"Ihahatid na kita." Seryosong wika nito.
"No need to do that. Nagpasundo na ako kay..."
"Kay Johann?" Putol nito sa sinasabi ni Ish.
"Kay Kuya Bong." Siya naman ngayon ang napakunit noo. "Saan naman nanggaling ang ideang si Johann ang magsusundo sa akin?"
Hindi na ito nakasagot dahil mabilis itong umalis. Pinagkibit na lamang iyon ng balikat at inayos ang gamit. Maya-maya ay nakatanggap na siya ng tawag kay kuya Bong. Nasa harap na ito ng building kaya nagmadali ma siyang bumababa.
Dumeretso sila sa cafe kung nasaan din ang office niya. Kailangan niyang maayos ang bagong schedule para sa susunod na linggo. Hindi niya alam kung hanggang kelan siya magtatrabaho sa Arcenal. Ganoon pa man ay buo naman ang loob niyang hindi bumalik doon. Masaya na siya sa maliit na negosyong meron siya.
"May meeting pala tayo with HorseMen Motors next week. For follow up markering plan ng kalalabas nilang bagong product."
"Sige po. Mag-set ka nalang kuya para mailagay ko din sa calendar ko." Sagot niya nang hindi tinitignan ang kausap. Abala siya sa kakatipa sa kanyang computer. Kailangan niyang makatapos ng tatlong proposal ngayon para sa mga bagong klitente. May mga drafts at pre-made na din naman siyang nasimulan kaya mabilis na ito para sa kanya.
Hindi siya punasok ng sumunod na araw. May importanteng meeting kasi siyang dadaluhan. Alam na din naman ng team niya ang gagawin at nakapagpaalam siya kay Sir Lucian.
BINABASA MO ANG
Los Caballeros Series: Rucio Arcenal
RomanceLos Caballeros Series: Rucio Arcenal Blurb: Kung meron mang pinapaalala si Ish sa kanyang sarili, 'yon ay huwag na huwag mahuhulog kay Rucio Arcenal, ang lalaking tanyag sa pangangarera ng sasakyan, sa pagiging modelo at higit sa lahat, ang pangana...