Kabanata 8

195 28 21
                                    

Kabanata 8

Late man silang natulog ni Lola Lucia ay maagang nagising si Ish. Ngayong araw gaganapin ang board meeting ng Arcenal Industries. Hindi man siya direktang nagtatrabaho dito ay kinakailangan pa rin niyang alamin ang lahat dahil siya ang mag-aasist sa mga kailangan ni Lola Lucia na siyang Chairwoman.

Kaya nga napag-iinitan siya palagi ni Sir Lucian. Mas pinagkakatiwalaan kasi siya ng Mama nito kesa sa kanya. Ang dahilan naman kasi ni Lola Lucia ay mas gusto nitong gampanan na lamang ng anak ang pagiging president ng Arcenal Industries sa ngayon. At dahil ito ang may hawak ng chairmanship ay hayaan na muna ng anak magdesisyon dahil hindi pa naman ito baldado. At mas makakakilos ito ng maayos kung mapagkakatiwaalaan niya ang taong tutulong sa kanya.

Kung tutuosin ay alam na din naman ng mga taong under ni Lola Lucia ang mga gagawin. Kailangan lang na may magcheck sa mga ito. Bago pa man magsimula ang meeting ay dapat na brief na ang chairwoman sa mangyayari. Ayaw kasi ng nito na may mga topic na biglaang lumalabas. She wants to know everything so she can prepare herself.

Mabilis tumakbo ang oras ngunit natapos nina Ish at mga tao ni Lola Lucia ang mga dapat gawin bago pa tumuntong sa target na oras. Pinasalamatan niya ang mga kasama bago bumaba sa lobby ng building para hintayin naman ang pagdating nito. Saktong pagbaba niya ay pumarada naman ang sasakyan ni Lola Lucia. Saka lamang niya na pansin na naroroon na pala si Sir Lucian kasama ang ilang mga Board. Naghintay na lamang siya sa isang tabi. Ayaw niyang may masabi uli si Sir Lucian sa kanya.

Unang bumaba sa driver's seat si Kuya Rucio na nakapagpataas ng kilay niya. Hindi niya inaasahan na sasabay ito sa lola nito. Saka niya naalalang nasa iisang hotel lamang sila.

"Ikaw pa ang nag-book ng room nila diba?" Paalala niya sa sarili.

Rucio is wearing a three piece suit na pinasadya kaya sakto ito sa hulma ng katawan nito. Nakaset ang buhok nito na bihira lamang niya makita. Kumabog naman ang puso niya nang makitang ngumiti ito habang bumabati sa mga kasamahan ng ng daddy niya. Napahawak siya sa dibdib niya at pinakalma ang sarili.

"Not now self!" Sita niya sa sarili.

Kung si Kuya Rucio niya ay nagsusumugaw ang pagka-royal nito sa suot at ayos ay kabaliktaran naman si Lucio. Sa kabila ng abnormal na tibok ng puso niya ay tila gusto niyang sugurin ang lalaki. Sa itsura nito ay mukhang inaantok pa ito. Halatang pinilit lamang ito ni Kuya Rucio na bumangon at magbihis. Napailing na lang siya at pasimpleng lumapit sa kinaroroonan nila.

Si Sir Lucian ang nagbukas ng pinto ng passenger's seat kung saan naroroon si Lola Lucia.

"Good morning madam Chairman." Rinig niyang bati nito sa matanda.

Gaya ng inaasahan ay pusturang-pustura si Lola Lucia. Nagsusumigaw ang aura nito sa kulay puting terno na may mga black accents. Hindi din nagpatalo ang suot nitong cloche na may kaunting black feather accent. Pagbaba nito ay agad na bumati ang mga taong naroroon. Inilinga nito ang kanyang tingin na tila may hinahanap. Nang tumigil ang tingin nito sa kinaroroonan niya ay alam na niya ang gusto nito.

Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago lumapit sa matanda na ngayon ay kaharap ang ilang mga member ng board.

"Good morning madam chairman, your office is ready." Ayaw man niya ng atensyon ay kailangan niyang pumagitna dahil ayaw ng matanda ang mga ganitong pleasantries. Nararamdaman nanaman niya ang matang nakatitig sa kanya.

"I'm sorry, gentlemen I have to take my meds first. We can do the chitchat later." Wika nito. Humawak ito sa kamay ni Kuya Rucio na tahimik lang palang nagmamatyag doon.

"You already used that excuse, madam." Pasimpleng bulong niya dito habang pinipigilang tumawa.

"Who cares? What do they expect, magtitiis akong nakatayo doon habang nagbobolahan?"

Los Caballeros Series: Rucio ArcenalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon