Kabanata 12
Hindi na namalayan ni Ish kung ilang beses nang humampas ang mga alon sa kanyang mga paa. Masyodong okupado ang kanyang pag-iisip. Nakadagdag pa ang natuklasan niya pagdating sa kanyang tutuluyan. Pinikit na lamang niya ang kanyang mata ay ninamnam ang simoy ng hanging nagdadala ng katamtamang lamig.
Ilang sandali pa ay minulat niya ang kanyang mata at muling itinuod ang tingin sa asul na karagatan. He needs this wika niya sa kanyang sarili. Masyado nang mabigat ang kanyang dinadala na kung hindi pa siya lalayo ay baka bumigay na din siya.
Ang isiping nauulit muli ang mga nangyari noon ay masyadong masakit para sa kanya. Hindi na niya kakayaning magpakatatag kung saka-sakali.
"Oh mag-e-emote ka nalang ba d'yan?" Hindi na niya nilingon ang nagsalita. "Gusto ko lang i-relax ang isip ko." Sagot niya sabay pikit muli at nagpakawala ng ilang malalalim na hininga.
"Mukhang sobrang bigat ng bagahe ah. Huhulaan ko na lang ba iyan o ikukwento mo?" Napangiti si Ish. Naalala nanaman niya ang isa sa mga paburito niyang pelikula.
"Ginawa mo naman akong si Bea Alonzo sa "One More Chance". Natatawang biro nito.
"Alam ba niya kung na saan ka?" may panunuksong tanong ng kasama.
"Sino nanaman yang tinutukoy mo?"
"Naku, Ish! Tayo pa ba maglolokohan? Hindi na kita boss, pwede na kitang batukan kapag nainis ako sa pagiging pabebe mo." Kunyaring naiinig ngunit natatawang sambit muli ng babae.
"Alam mo, ako nga dapat ang kumurot ng singit mo. Kung hindi pa ako pumunta dito, hindi ko pa malalaman ang sitwasyon mo, gagang 'to." Ganti naman niya. Sanay na silang dalawa sa ugali ng isa't isa. "Anong plano mo?"
"Aba, life must go on. Wala tayong magagawa. Nag-deny si gago eh." Ramdam ni Is hang bahagyang galit sa boses nito. "At saka, bakit ba sa akin napunta ang usapan? Ikaw tong topic ah."
Natawa na lamang siya. Idinipa niya ang kanyang dalawang kamay. Lumapit naman ang kasama nito at niyakap siya.
"Thanks, Cat."
"Itagay natin ito mamaya." Kapwa sila bumitaw sa pagkakayakap. "Tara na sa loob at nakahanda na ang pagkain."
Sa bigat ng nararamdaman ni Ish ay nilakasan niya ang loob para makapagpaalam ng maayos kay Lola Lucia na magbabakasyon muna siya ng ilang araw. Hindi naman na nag-usisa pa ang matanda bagkos ay pinayagan siya agad. Saka nalang daw sila mag-usap kapag nakabalik na ito. Marahil ay hindi pa handang makipag-usap ang matanda. Hindi na din siya naglakas loob na puntahan si Kuya Rucio dahil baka kung maudlot pa ang plano nito. Tinawagan na lamang niya si Doc Thomas at binilin dito ang lalaki. Si Lucio naman ay pinabalik niya muna sa Cavalier Compound upang kausapin si Coach Race. Six weeks na lang kasi ang natitira bago ang karera ni Kuya Rucio sa France.
Nang masettle at naibilin na niya ang lahat ng mga dapat ibilin ay tinungo na niya ang terminal patungong Batangas.
Ginugol ni Ish ang buong maghapon sa tabing dagat. Sinubukan niyang isantabi ang mga bagay na nagpapabigay ng kanyang damdamin at ninamnam ang ganda ng karagatan. Laking pasasalamat niya na may maliit na resort ang magulang ni Cat.
Kinagabihan ay hindi nga nagbibiro si Cat dahil pagkatapos kumain ng dinner ay naglabas ito ng alak. Hindi na siya tumangi dahil gusto din naman niya.
"Alam mo bilib din ako sayo." Wika ni Cat sa kaya. "Imagine, ilang taon mo nang bet si Sir Rucio. Ni hindi ka man lang nasilaw sa kagwapuhan ng ibang mga Cavalier. Or kay Sir Lucio na lang."
"Akala mo naman ikaw hindi." Balik nitong sita kay Cat. "Akala mo ba hindi ko alam na patay na patay ka doon sa walang bayag na Price na yun."
"Ay grabe siya kay Price."
BINABASA MO ANG
Los Caballeros Series: Rucio Arcenal
RomanceLos Caballeros Series: Rucio Arcenal Blurb: Kung meron mang pinapaalala si Ish sa kanyang sarili, 'yon ay huwag na huwag mahuhulog kay Rucio Arcenal, ang lalaking tanyag sa pangangarera ng sasakyan, sa pagiging modelo at higit sa lahat, ang pangana...