Chapter 2;"Hey Tigress, nasabihan ka na ba na kailangan daw nating pumunta ng gymnasium for the check up, lalo na't cheerleader tayo baka daw kasi may mga internal, external injury tayo or mga injury na hindi pa gumagaling" ani Alice sa akin ng makababa ako ng hagdan.
Alice Jane Fransia, 26 years old, kaibigan ko at miyembro ng Tigers since 2014, at yes 8 years na siyang part ng Tigers, at pangalawang kurso na din niya to, ang law, her family owns a law firm. So she's taking the course para sa kompanya nila.
"Bakit parang wala namang nabanggit si coach" ani ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa dinadaanan namin
"huhulaan ko, hindi ka nanaman nag online ano, kaya hindi mo nakita yung announcement ni coach sa group chat" ani nito at pinklakota ang cellphone niya
"I was very busy last night, you know plates, idagdag mo pa na ang malas ko kahapon dahil yung bus na sinakyan ko muntikan ng may mangyaring nakawan, plus hindi din ako makatulog kagabi lalo na't nakokonsensya ako dahil may nadaplisan ng patalim dahil sa akin, iniligtas ba naman ako, hindi niya ata alam na malakas ako" pagod na ani ko sa kanya
"Lalaki ba?" tanong nito, na tinanguan ko lang
"O my gosh, knight in charming armor, bongga ka girl, so sinamahan mo ba sa hospital?" tanong nito habang hindi mawala sa mga labi nito ang malaking ngiti animong kinikilig
"Sa tingin mo ba kung sinamahan ko siya sa hospital makokonsensya pa rin ako" ani ko
"Ang sama mo naman pala, hindi mo sinamahan, nadaplisan na nga dahil sayo eh, kung sinamahan mo sana yun ede nachansingan mo, at baka dahil sa robbery ka pa magka lovelife" ani nito
"Ano bang pinagsasabi mong love life, I'm just 26, masyado pa akong bata para diyan" ani ko sa kanya
"Yan nga eh, twenty-six ka na pero wala ka pa ring love life" ani nito
"Alam mo, tara na, at baka tayo na lang ang hinihintay may practice pa naman tayo ngayon kahit may mga doctor sa gymnasium" reklamo nito
"Kaya nga naka-bihis ako eh, kasi alam kung may practice tayo" ani ko sa kanya
"Pero ang sexy mo ngayon girl, for sure titingin tingin na naman sayo yung mga gwapong basketball player natin, like girl, your ak fucking hot" ani nito bago binuksan ang pinto ng gymnasium
"Oy nandito na pala ang Tigress at si Paru Paru G eh" ani ng isang kasamahan namin sa The Tigers.
At para malaman niyo hindi puro babae ang member ng Tigers may mga lalaki, gays, bisexual at lesbians, we don't discriminate gender and physical traits, because Tigers is open for everyone who wants to join, hindi kami mapili, mataba o mapayat ka man, flexible ka man o hindi, pandak ka man o matangkad, as long as we see that eager you are to learn and join our team, you are welcome to our family.
"Hey, baklang tigress, ganda natin ngayon hah, blooming na blooming, in love ang tigress" ani ni Cristina, Christina pag umaga, Christian pag-gabi
"Oo nga sinong Tigre naman kaya ang nagpaamo sa isang malditang tigress namin" ani ni Rose, at kagaya ni Christina, Rose pag umaga, Rosalino pag gabi
"Hays, alam niyo ang chismosa niyo, at isa pa, ako? maiinlove, kahit ata sa panaginip niyo hindi mangyayari yun, blooming lang naman ako at may naisip na akong paraan para pahirapan kayo lalo sa practice mamaya" ani ko sa kanila
"Bitter talaga ni Tigress, bakit kasi hindi ka na lang pumili sa mahaba habang pila ng mga papi na nanliligaw sayo" ani ni Rose sa akin
"THEY'RE. JUST. A. WASTE. OF. TIME." madiing wika ko kay Rose
YOU ARE READING
Senior Agent (Completed)
ActionSenior Agent Mariah Micaela Ibrahimovic Precyles Woman: Series 1