CLYDE KENDRICK BAUTISTANandito ako ngayon sa ospital nagpapahinga dahil nabusy kami kanina because of emergency patients, at hindi ko man lang natawagan si Caela (Mica) dahil doon, hindi ko din siya naiwan ng sulat kanina dahil nagmamadali ako, masyado din akong pagod kahapon sa trabaho kaya hindi ko siya napagtuonan ng pansin
"Lets welcome the Tigers of Saint Vincent University, the 7th time cheerleader champions, Tigers" announce sa Tv kaya napatingin ako doon, marami din ang nanonood na pasyente
"GO SVU!!!!"
"As we can see partner, napakasupportive naman talaga ng SVU sa pambato nila lalo na ang Tigers Basketball Team" ani ng babaeng announcer
"Sinabi mo pa partner, at napansin ko nga partner na pag ang Tigers Basketball Team ang nasa arena ay ang Tigers Cheerleading team naman ang todo cheer sa kanila at ngayon na ang Cheerleading team naman ang nasa arena ay ang basketball team naman ang todo cheer sa kanila" ani din ng lalaking announcer,
Nagsimula na ang SVU at todo cheer naman ang mga tao sa kanila sa arena, muntik na din akong mapatayo ng bigla na lang hinagis pataas si Caela at nag tumbling pa sa ere,
"SVU Tigers are really awesome, don't you think Dr. Bautista" ani ni Andre
"masyadong delikado ang ginagawa nila, so tell me, paano naging awesome yun?" ani ko sa kanya
"KJ mo Doc" ani niya
"So how does it feel, Cheer Captain Mica?" tanong ng reporter kay Caela
'Why didn't she tell me about her competition?' tanong ko sa sarili ko
"It feels really amazing, and I must say the time and effort that we put in this performance is worth it because we delivered it perfectly more than what we practiced" masayang ani ni Caela, at kahit na medyo pawisan ito ay maganda pa rin ito
"Do you think your going to win the competition this time and bring home the trophy just like the current year?" tanong ng reporter
"Well I didn't really think so, kahit na we delivered our performance perfectly, ay magagaling din ang ibang squad so I must say this is a really tough competition for us" medyo hingal na ani niya
"So do you have anything to say, Mica" ani ng reporter
"Manalo o Matalo tuloy pa din ang laban, and to those who want to be a cheerleader wag po kayong panghinaan ng loob and don't give up dahil isang big NO yan" ani nito at ginawang ekis ang dalawang kamay
"Thank you Mica, at balik sa inyo partner" ani ng reporter
"Thank you partner at thank you din sa iyo Mica ang napakagandang Tigress ng Tiger Cheerleading Team ng Saint Vincent University" ani ng babaeng announcer
"Magbabalik po kami at sa aming pagbabalik ay malalaman na natin kung sino nga ba ang maguuwi ng tropeo" ani ng lalaking announcer
MICAELA
"Our performance is perfect" ani ni Rose
"Syempre magaling ang captain eh" ani nila at tinignan ako
"Ano ba naman kayo, hindi ako yun kundi tayo, magaling tayo" ani ko
"Ang galing niyo don hah" ani ni Henry na kakadating lang kasama ang Tigers basketball team
"Ang supportive naman ng Tigers Basketball Team, takot ata na hindi natin echeer hahahah" pagbibiro na ani ni Rose
"Anong takot na hindi echeer, diba nga pamilya tayo eh dapat nandito kami para echeer kayo" ani ni Gunner
"Si baril ka ba talaga" ani ni Alice
"Ako si gunner yung may hawak ng alak at taga sabing shot muna" ani ni Gunner kay Alice
"At bakit napunta ka sa alak?" ani ni Alice
"Ang slow mo, naiwan mo ata utak mo sa wonderland, Alice" ani ni Gunner at halata namang ayaw na makipagusap kay Alice dahil sa napaka-slow nito ngayon
"Tumilapon ata utak niya ng ihagis namin siya sa ere" ani ni Christina
"Ede ihagis ulit natin baka sakaling bumalik" ani ni Louis
"Isa ka pa eh" ani ni Henry
"Heheh joke lang, mysterious dapat ako ngayon kaya wag niyo ako kausapin" ani ni Louis at sinuot ang sunglasses niya at mask
"As if naman" sabay na ani namin nila Gunner, Henry, Rose, Christina, Alice at ang ibang kasamahan nila,
"And the winner is Tigers of Saint Vincent University, congratulations Tigers" announce ng MC sa nanalo at kami yun
"Wahhhh" tili nila kaya dali dali naman kaming pumunta sa gitna ng mga kasamahan ko, nag tumbling pa ang iba papunta sa gitna, agad naman akong nakipagkamay sa kanila at tinanggap ang trophy, sinabitan din kami ng Gold medals, at isa lang ang masasabi ko ang bigat ng trophy, malaki kasi, may awarding din kanina, And I have an award as the Best Cheer Captain, and the face of Cheerleaders,
"We did it" ani namin sa isa't isa at nag group hug,
"Tigers!!! Tigers!!!" sigaw ng mga tagasuporta namin
"Tigers!!!" sigaw nila Henry
"We did it Tigers!!!" sigaw namin ng sabay sabay,
"1, 2, 3 smile" ani ng photographer man kaya sabay naman kaming ngumiti, tatlong ulit din kaming kinunan ng litrato,
"Tigers Basketball Team hali na kayo" sigaw namin at pinapupunta sila sa harap kaya agad naman silang nagtakbuhan sa papunta sa amin,
"1, 2, 3" ani ng photographer man kaya agad kaming ngumiti sa pangalawang kuha naman ay para kaming mga nakawala sa mental dahil sa kulit namin,
"1, 2, 3"
"Alak!!!!" sigaw namin, sabay na nagtawanan, natawa na lang din ang photographer sa kakulitan namin
"You did a good job Tigers, and because of that ready your things and we will going to have our victory party at the penthouse" ani ni Coach
"Yung penthouse niyo coach yung may malaking pool" ani ni Christina
"Yung mala Casino at Night Club ang datingan?" ani ni Rose
"Ano pa ba, yun lang naman ang penthouse ko hah" ani ni Coach
"Yes, makakapunta na naman tayo doon" ani ni Alice
"May alak ba coach?" tanong ni Henry
"Bakit kasali ba kayo?" tanong ni Coach sa kanila
"Coach naman, kami kaya ang taga-cheer sa kanila" ani ni Louis
"I'm just joking, the party will start at 7, so see you girls" ani ni Coach at umalis na
"Narinig niyo yun, we only have 3 hours to prepare guys, kaya lets go" ani ni Rose
"Lets go"
YOU ARE READING
Senior Agent (Completed)
AksiSenior Agent Mariah Micaela Ibrahimovic Precyles Woman: Series 1