CHAPTER 1

149 5 0
                                        


Chapter 1;

Nandito ako ngayon sa waiting shed, hinihintay ang bus, kakagaling ko lang kasi sa University kung saan ako nagaaral sa kursong Architecture, pangalawa ko na itong kurso, CPA kasi ang una kung tinapos bago ang Architecture.

On Call

"Hello, Head Agent Alfredo, napatawag ka po?"

"Come here, we need to talk about the case"

"What case?"

"The Car accident"

"I'm coming, pasakay na ako ng bus" ani ko dito, siyaka ko binaba ang tawag ng huminto ang bus na sasakyan ko papunta sa Head Quarter.

Marami ang tao sa bus, uwian na din kasi, at mabuti na lang may isa pang upuan na bakante katabi ng lalaki na natutulog, hindi na ako humingi pa ng permeso sa lalaki at mukhang pagod ito.

Apat ang madadaanan naming bus station bago kami makarating sa station na bababaan ko. Kating kati na akong pumunta sa head quarter at may extra pa namin akong damit, nakasuot kasi ako ng uniform namin sa cheerleading team ng San Vincent University. The Tigers, kanina kasing uwian hindi na ako nakapagpalit lalo na't hindi na din naman bago sa akin na lumabas na nakacheerleading uniform wala din akong dalang extra at nakalimutan ko ito sa sala ng condo ko, confidence din naman akong lumabas ng nakaganito lang dahik kahit 26 na ako ay mukha pa naman akong 18.

"Itaas niyo ang mga kamay niyo, holdap to" rinig kung sigaw, kaya unti unti kung minulat ang mga mata ko para makita ang dalawang lalaki na naka itim at puti na may hawak na baril na nakatutok sa ibang pasahero.

"Ilabas niyo ang mga pera niyo pati na din ang mga alahas niyo, at ilagay niyo dito sa loob ng bag, bilisan niyo!!" ani ng lalaking naka-itim

"Wag kayong magtatangka na tumawag ng pulis kung mahal niyo pa ang mga buhay niyo" sigaw nito, napatingin naman ako sa katabi ko na kakagising lang at walang kaalam alam kung ano ang nangyayari

"Akin na ang pera mo bata" ani ng holdaper sa akin ng makalapit ito, habang ang baril niya naman ay nakatutok sa sintido ko

"wala po akong pera e" pagsisinungaling ko

"Wag mo akong pinagloloko, bata, Sa San Vincent ka nagaaral tapos sasabihin mo na wala kang pera" singhal nito sa akin, bakit ko nga ba nakalimutan na sikat ang paaralan namin.

Napatingin naman ako sa katabi ko na para bang ngayon lang tuluyang pumasok sa utak niya ang sitwasyon namin ngayon

"Wala po talaga, scholar lang po ako" ani ko dito pero tinutukan pa din ako kaya unti unti kung kinuha ang wallet ko at agad niya namang hinablot yun, kinuha din ng isa niyang kasama ang wallet ng katabi kung lalaki kaya ng makatalikod na sila agad ko silang pinaghahampas sa batok, nakita ko naman ang gulat sa mata ng mga tao sa bus ng sabay na bumagsak ang dalawang holdaper, kaya agad kung kinuha ang posas sa backpack ko at pinosasan ang holdaper siyaka ko kinuha ang mga gamit na nasa loob ng bag nila na kinuha lang din nila sa amin siyaka ko yun pinabigay sa mga may-ari

"Here" ani ko sabay abot ng wallet sa lalaki na katabi ko, ng bigla itong tumayo at tinulak ako kaya nasalampak ako sa kabilang upuan na may babaeng nakaupo, sisinghalan ko na sana ito ng mapansin ko ang lalaki na nakatayo sa likod nito, at may hawak na kutsilyo

'e di ba nahimatay na to kanina'

Agad naman akong tumayo at pinatabi ang lalaking katabi ko, sinipa ko ang kutsilyo na nasa kamay ng holdaper, bago ko ito binatokan para cguradoging makakatulog ito, dapat pala sa likod ko pinosas kanina.

"Ok ka lang ba?" tanong ko sa lalaki ng makalapit ako, tumango naman ito, ng mapadako ang tingin ko sa kamay niya

"You're hurt" ani ko, hinablot ko ang kamay niya, malakilaki din ang sugat kaya, kinuha ko ang first aid kit ko sa bag na palagi kung dala.

"Wag ka ng mag-abala" ani nito, kaya napatingin ako sa kanya, medyo namumula ang mukha nito.

'may sakit ba siya?'

"It's my fault kung bakit ka nagkasugat, kaya ako na ang gagamot" ani ko dito, then I cleaned his wound siyaka ko ito binandage

"Mga pulis to" sigaw ng nasa pinto kaya agad akong tumayo, tapos ko naman din linisan ang sugat ng lalaki

"Senior Agent Mica" mahinang bati ng mga pulis na dumating

"Pakidala na ang dalawang to, at bring that guy to the hospital, nadaplisan siya ng patalim" ani ko sa kanila at tinuro ang dalawang lalaki na nakahiga sa sahig at ang lalaki na ginamot ko. I didn't know his name, but his a savior.

"Senior Agent Mica" tawag ng pamilyar na boses ng makababa ako sa bus

"Head Agent Alfredo" bati ko sa kanya

"You did a great job" ani nito at tinapik ang balikat ko, ngumiti lang ako at tumingin sa bus, ng magtama ang tingin namin ng lalaki na ginamot ko

"Did you know that guy?" tanong ni Head Agent Alfredo

"I don't, ngayon ko lang siya nakita but that guy is my savior" ani ko dito, tumango tango naman ito at may mapanuksong tingin

"Yah, Captain" angal ko

"Akala ko kung ano na ang nangyari dahil sa narinig ko sa telepono" ani nito

"po?" tanong ko, anong narinig niya?

"Nevermind, Here" ani nito at binagay sa akin ang folder, binuksan ko naman yun

"This is the hit and run case of Faye Aguina" ani ko dito kaya tumango naman ito

"Your right" ani nito

"Oo nga po pala may nakalap akong impormasyon kanina sa University, alam naman po natin na pareho kami ng pinapasokan kaya nagtanong ako kanina sa mga kabatch niya at sabi nila may nakaaway daw si Aguina ng araw na maaksidente siya, so I assumed baka may kinalaman ito sa aksidente" ani ko kay Head Agent Alfredo

"May nalaman ka ba kung sino ang nakaaway niya?" tanong ni Head Agent Alfredo

"So far hindi ko pa alam, pero sabi ng mga kaklase niya pumunta daw sa likod ng building si Aguina ng tanghali at bumalik na may pasa, pero hindi ko pa natitingnan ang CCTV sa area na sinasabi ng mga kaklase niya"

"Don't worry, sasabihan ko sila Cortes na tignan ang CCTV at echeck ang mga impormasyon ng mga taong nakasama ni Aguina" ani ni Head Agent Alfredo

Napatingin naman ako sa isang itim na vios na nasa litrato "Ito ba yung sasakyan na nakabangga kay Aguina?" tanong ko, na ikinatango niya

"Maraming ganito sa lugar natin, kaya mahihirapan po tayo, may plate number po ba kayo ng sasakyan? Yung mas klaro." tanong ko

"Here" ani nito at pinakita ang nasa cellphone niya

"Can you send it to me, Captain, susubukan kung hanapin ito sa University, dahil kung tama ang hinala ko maaaring nasa University lang ang taong may kinalaman sa askidente ni Aguina" ani ko

"You have my permission" ani nito kaya tumango ako

CLYDE KENDRICK BAUTISTA

"Doctor Clyde, ano pong nangyari?" tanong ng nurse ng makarating ako sa hospital

"Wala to, daplis lang" ani ko at dumeretso na sa opisina, binaba ko na ang bag ko siyaka ako umupo sa swivel chair ng maalala ko ang babaeng nakatabi ko kanina. I didn't even get her name, but I hope I'll meet her next time.

'She's really pretty and brave at the same time.'

Senior Agent (Completed)Where stories live. Discover now