"Gisingin mo nga yan" ani ni Agent Cortes sa akin
"Ikaw na lang, eh ikaw naman ang nagpatulog niyan eh" ani ko sa kanya
"Nanlaban eh" ani ni Agent Cortes
"Napaka-agressibo mo talaga eh" ani ko sa kanya, bago niyugyog ang lalaking ito
Unti unti naman nitong dinilat ang mata niya, at takot na tumingin sa amin
"Ikaw, isa ka ba sa mga tao na nanghuhuli ng babae hah, tapos ginagahasa" ani ni Agent Cortes, pinagsasabi nito, kaya hindi ito pinapayagan na mag-interrogate eh
"Anong amoy yun?" tanong ko kay Agent Cortes, kaya napatingin naman kami sa lalaki na nasa harap namin ng may nakita kaming basa sa inuupuan nito
"Did you just pee?" natatawang tanong ko
"Ano bang kailangan niyo sa akin hah?" takot na tanong nito
"Let me interrogate him, kasi hindi ka magaling dito" ani ko kay Agent Cortes at tinapik ang balikat nito
"Kilala mo ba to?" tanong ko sa kanya at pinakita ang picture ni Kc
"Hindi" ani ko sa kanya
"May kilala ka bang lalaking may tattoo na kagaya niyang nasa braso mo?" tanong ko, nakita ko naman na parang nagdadalawang isip ito
"I need your honest answer" ani ko dito
"Oo, dalawa lang kaming meron nito dahil special daw ito na tatto, pero hindi ko kilala ang pangalan niya kilala lang siya tawag na Snake" ani nito
"May kasama ba siya?" tanong ko ulit
"Meron, apat sila" ani nito
"Alam mo ba kung saan ko sila makikita?" tanong ko dito
"Sa Blue Killer Club, palagi silang pumupunta doon" ani nito, kaya tinignan ko si Agent Cortes
"At ano naman ang ginagawa nila doon?" ani ko dito
"Pumaparty malamang, ano ba ang ginagawa sa club" ani nito, hold yourself Mica
"Para saan ang mga web cams, lenses at yung maliliit na camera?" tanong ko dito
"Business ko yun, nagtitinda ako ng mga web cams, lenses at mga maliliit na camera, kaya kayo ano bang iniisip niyo" ani nito
"Wala, hindi mo na kailangan malaman pa" ani ko sa kanya
"Kalagan mo na yan at ng makaalis na tayo" ani ko kay Agent Cortes
"Why me?" reklamo nito
"Dahil ikaw ang nagtali sa kanya" ani ko at nauna ng maglakad sa pababa ng building naglakad lang kami hanggang sa makabalik kami sa sasakyan, agad naman akong sumakay at sumunod naman si Agent Cortes sa akin
"Headquarter" ani ko kaya tumango lang siya at nag drive pabalik sa Headquarter, its already 6 pm kaya kailangan ko ng umuwi
"Tito, I need to go home" ani ko, pagkatapos kung sabihin lahat ng nakalap ko
"Okay be careful, at magdadala na lang din ako ng tauhan para mag-matyag sa Blue Killer if ever na magpunta ang mga suspek doon" ani ni Head Agent Alfredo
"Tito, for sure hindi sila pupunta doon ngayon lalo na't mainit sila sa mga mata ng pulis" ani ko kay tito
"Your right, but there is a possibility na baka sa ibang club sila pumunta" ani ni tito
"Yeah there is, una na ako tito" ani ko at nakipag-beso kay tito bago sumakay sa sasakyan ko, agad ko naman itong pinabilisan ng takbo hanggang sa makarating ako sa parking lot ng condo, dali dali ko itong sinarado at kinuha ang mga gamit ko bago sumakay sa elevator
Nakapasok na ako sa loob, at mabuti naman at wala pa si Ken, kaya naglakad na ako sa kwarto at nagbihis, agad kung sinuot ang pangtulog ko siyaka pumunta sa kusina para magluto ng hapunan, kumuha lang ako ng baboy sa refrigerator para gumawa ng adobo, I really love adobo lalo na pag-medyo maasim ito,
Tapos na akong magluto ng makatanggap ako ng text ni Ken
From: Love
'My parents called me, kaya hindi ako makakauwi diyan, before you sleep make sure to close the window and doors, I won't be there to protect you'
Wala sa sarili akong napangiti ng mabasa ko ang huli nitong sinabi, I don't need his protection kasi kaya ko namang lumaban pero kung para sa kanya handa ako maging mahina para protektahan niya, I want his protection though
YOU ARE READING
Senior Agent (Completed)
AcciónSenior Agent Mariah Micaela Ibrahimovic Precyles Woman: Series 1
