"Mica" tawag ko ng makapasok ako sa condo, pero walang sumasagot, kaya agad akong pumunta ng kwarto niya pero wala siya doon, nagpunta din ako ng kusina pero wala siya doon, mukha ding isang araw na itong hindi nagagamit, kaya agad akong pumunta sa living room at napaupo na lang sa couch"Hindi, Hindi siya umalis" mahinang ani ko, pumunta naman ulit ako sa kwarto at tinignan ang wardrobe niya, pero nandoon pa rin ang mga gamit niya, kaya lumabas na ako ng wardrobe ng may mapansin akong folder, agad ko namang kinuha iyon, ito yung tinapon ko sa kama,
'NBI' agad ko namang binuksan yun
'Drug transactions'
'4 Billion Transaction''Lopez'
'Douglass''Manila Port, Pier 5, warehouse 7 at 2 am'
'Head Agent Alfredo, Supervising Agent Cortes, Senior Agent Precyles, Investigation Agent III Gary, Investigation Agent II Oliver'
"Senior Agent" ani ko
'12 daw ang patay sa NBI, 6 sa Police at 1 sa Militar, 79 naman daw ang sugatan'
'Ito pa, ito pa, narinig niyo yung balita diba, sabi ng kaibigan ko, yung Senior Agent daw na apo ni General ay bata pa'
'Alam namin 26 pa yun ang sabi sa balita'
'Pero sinabi ba kung okay lang yun, hindi diba, sabi pa nga ng kaibigan ko ang ganda ganda daw ng Senior Agent nila, pero kahit gaano pa daw kaganda eh kinuha naman daw ng maaga'
'Namatay?'
'Oo daw, nabaril kasi sa puso at sa likod, tapos hinila pa daw nung drug lord nung tumalon sa terrace ng warehouse, kaya na tegek'
'Si Douglass naman ay nabaril at tumalon sa warehouse na naging sanhi ng ikinamatay nito'
"No, she's not yet dead, hindi totoo yung sinasabi nila hindi pa siya patay, hindi" mahina kung ani
"Tama wala namang sinabi sa balita kaya hindi totoo yun" mahinang ani ko para kumbinsihin ang sarili
ALFREDO IBRAHIMOVIC
"How is she?" tanong ni Mikel ng makarating sila
"We don't know, nasa loob pa rin siya ng OR" ani ko,
"Ilang oras na siyang nandiyan?" tanong nito
"Its been 1 hour and 28 minutes, eh kayo bakit nandito na agad kayo?" tanong ko
"Nasa Cebu kami for business meeting, kaya hindi kami natagalan na bumalik dito" ani ni Mikel
"Kuya, bakit mo naman pinayagan si Mica na pumunta doon?" umiiyak na tanong ni Aria sa akin ang nakakabata kung kapatid
"Hindi namin inaasahan na dadating si Navarro, Aria, Kung alam ko lang hindi ko na sana siya pinayagan na sumali sa misyon" ani ko sa kanya
"Ate, sorry, wala man lang akong nagawa para iligtas si Mica" ani ni Michael kay Aria
"Wala kang kasalanan, walang gustong mangyari ito, sorry kuya kung parang sinisi kita, ipagdasal na lang natin na okay lang si Mica" ani ni Aria, ng bumukas ang operating room
"Doc, How is my daughter?" tanong ni Mikel
"Please Brace yourself" ani ng doctor
"Tell us Doc, wag ka ng magpaligoy ligoy pa" ani ni Michael
"We did our best, we're sorry"

YOU ARE READING
Senior Agent (Completed)
AksiSenior Agent Mariah Micaela Ibrahimovic Precyles Woman: Series 1