"Ready ka na ba, Agent Mica?" tanong sa akin ni Mr. Lopez"Matagal na po akong handa" ani ko sa kanya
"Cgurado ka ba, napapansin ko kasi na para bang may problema ka, sa pag-ibig ba" ani nito
"Paano niyo po nalaman, Psychologist po ba kayo?" tanong ko
"Ganyan na ganyan kasi ang mukha ng asawa ko pagkatapos naming magaway ng hindi nagkakabati" ani nito
"Ang ganda po cguro ng asawa niyo at ang bait, kaya ganyan niyo po siya mahalin at isipin" ani ko sa kanya
"Maganda talaga ang asawa ko isa nga yun sa nagustuhan ko sa kanya eh, at pangalawa naman yung ugali niya sobrang bait ng asawa ko, kabaliktaran sa ugali ko" ani nito
"Parang ikaw nanaman po ata ang broken ngayon at hindi na ako" ani ko sa kanya
"Hahaha, pero ito lang ang masasabi ko sayo Agent Mica, kung ano man yang pinagaawayan niyo ng nobyo mo ay malulutasan din ninyo yan, magkakabati din kayo" ani nito
"Sana nga po, lalo na't hindi ako cgurado kung ano man ang mangyayari sa misyon na ito" ani ko
"Magtatagumpay tayo Agent Mica, makakabalik tayo ng buhay" ani nito
"Salamat po" ani ko sa kanya,
Kinuha ko naman ang phone ko at nag-iwan ng text kay Ken, Alice, Zene, Trisha at kay Meghan, nagiwan din ako ng message sa group chat ng Tigers, just in case, hindi ko alam kung makakabalik ako ng buhay pagkatapos nitong misyon, dahil sobrang delikado nito, tuso ang taong makakalaban namin ngayong gabi, dahil isa itong maimpluwensya na drug lord sa Pilipinas at sa Amerika, kaya 50/50 ang misyon na ito
"Handa ka na ba, Mica" tanong ni Tito
"Handa na ako Tito" ani ko at niyakap siya, agad naman niyang tinapik ang likod ko
"Wag kang magiisip ng masama" ani nito
"Opo" ani ko at humiwalay na sa yakap
"Maghanda na kayo, mauuna na kayo ni Mr. Lopez at susunod kami, remember Personal Assistant ka ni Mr. Lopez, ang pinagkakatiwalaang tauhan ni Mr. Lopez" ani ni Tito sa akin
"Alam ko na po ang gagawin" ani ko, at sumakay naman kami sa sasakyan, ako ang nasa passengers seat, nasa backseat naman si Mr. Lopez at isang miyembro naman ng CIDG ang driver
Nakasuot ako ng red bodycon dress at pinatungan ng itim na blazer at itim na 3 inches heels, nakadalasang suot ng personal assistant ni Mr. Lopez, mabuti na lang at may hawig kami ng P. A niya kahit kunti, at 2 years na din daw na hindi nagkikita si Mr. Lopez at Mr. Douglass kaya cguro naman daw ay hindi ito magtataka, at ang pangalan ko ngayong gabi ay Kate na siyang pangalan ng P.A ni Mr.Lopez
WAREHOUSE
"Long time no see, Mr. Lopez" bati sa amin ng may katandaang amerikano
"Yes, Its been 2 years, Mr. Douglass" ani din ni Mr. Lopez
"This must be Kate, your beautiful assistant" ani nito at tinignan ako
"Its been a long time, Mr. Douglass" malandi kung ani, dahil malandi naman talaga ang tono ni Kate na siyang P. A ni Mr. Lopez lalo na pag nakikipag-usap ito sa lalaki matanda man o binata
"You became more beautiful and angelic until know" ani nito
"Thank you for that Mr. Douglass, I see that your eyes is still good as you can still see how beautiful I am" Malandi kung ani,
'Shit nakakasuka'
"Lets get to the point, Mr. Douglass so you can still talk with my assistant after the transaction" ani ni Mr.opez na agad naman na ikinatango ni Mr. Douglass
YOU ARE READING
Senior Agent (Completed)
ActionSenior Agent Mariah Micaela Ibrahimovic Precyles Woman: Series 1