To: KenI'm going to attend a victory party baka hindi na ako makauwi or late na akong makauwi,
Text ko kay Ken, it's already 6:38 pm kaya papunta na sa penthouse ni Coach, nakasuot na din ako ng bikini in the inside kasi gusto kong magtampisaw sa pool mamaya, at nagdala na din ako ng extrang mga damit
Let me tell you this, Coach Lee is not just a normal coach na minsan niyo ng nakakasama, and for sure you're curios kung bakit may penthouse si Coach, well our coach is the second son of the School Director, at ang penthouse ni coach ay hindi basta bastang penthouse lang, sa loob ng penthouse ni coach ay may malaking pool, may mga Island counter din na puno ng drinks from a non-alcoholic to hard wines may mga beer din, and may mga casino machine din si Coach na bigay ng kaibigan niya, why I know about that? Simple because since first year college ay kasali na ako sa Tigers Cheerleading Team, and kasali din kasi noon si Coach sa cheerleading team, remember 2 years older lang siya at 3rd year pa lang noon si Coach, at hanggang sa nakagraduate na siya ay pinili niya na lang na magtrabaho as our coach
"Kailan niyo po pina-organized ang party coach?" tanong ni Alice bago uminom ng wine
"Kaninang umaga" ani ni Coach
"pero hindi pa naman nagsisimula ang competition kaninang umaga hah" ani ni Christina
"Oo nga coach, manghuhula ka ba, pakihulaan naman future ko coach, at baka ikaw talaga ang future ko" ani ni Rose at nagpacute kay coach, kaya napangiwi na lang kaming walo na nasa jacuzzi,
"Mahiya ka nga sa mukha mo" ani ni Louis kay Rose pero tinarayan lang siya nito
"Hindi ako manghuhula, sadyang alam ko lang na mananalo kayo dahil magaling ang coach niyo" ani ani Coach
"Hindi ka nga masyadong nagpapakita this past few days eh" ani ni Alice
"Syempre may inaasikaso ako" ani ni Coach
"Babae o lalaki coach?" tanong ni Henry
"Bagay" ani ni Coach
"Tayo" hirit ni Rose kaya napa 'woah' na lang kami
"Walang tayo, Mr. Rosalino" ani ni Coach, na nagpatawa sa amin dahil sa reaksyon ni Rose, na nakanguso
"Ang bad niyo" ani ni Rose
"Mag billiard tayo let's go" ani ni Alice
"Kayo coach, gusto niyo sumama?" tanong ko kay Coach
"Sure" ani ni Coach at umahon na din sa jacuzzi, dumeretso naman kami sa Billiard Table
"Pustahan tayo" ani ni Alice
"Sure" ani ko at ngumisi
"I'll bet 5 000" ani ni Alice
"I'll also bet 5 000" ani ko
"Deal" ani niya
"Si Mica ang manok ko" ani ni Henry
"Kung sino ang mananalo sa inyo ay bibigyan ko ng 50 thousand pesos" ani ni Coach, kaya napangisi na lang kami
"Woah, si coach na ang nagalok niyan hah" ani ni Christina
"Cash or bank account?" tanong ni Alice
"I'll send it to the winners bank account" ani ni Coach
"This is going to be fun" ani ni Gunner
Kaya nagsimula na kaming dalawa at kagaya nga ng sabi;
'Ipasok mo na lahat wag lang ang puti'
"I'll send it to your bank account, Mica" ani ni Coach
"Copy that coach" ani ko
Tinignan ko na ang oras and it's already 10 pm, malapit na mag 11, but tonight I want to enjoy my life and this party,
"Lets go party!!!!" sigaw ni Alice at nagsimula ng sumayaw sayaw, because of the disco lights at dahil na din sa tugtog, at isa lang ang masasabi ko 'the crowd is getting wild' kaya nagpunta na din kami sa open space at nagsimula ng makiparty
11 pm
"sayaw pa tayo guys" ani ni Alice, iilan na lang kaming nasa dance floor dahil yung iba ay knock out na ang iba naman ay lasing lang habang nakaupo sa mga couch na nasa tabi tabi, si coach naman ay ayon nasa isang solo chair nakaupo habang umiinom ng wine, na para bang hari
"Louis sayaw pa tayo, hali ka na" ani ni Alice at hinila si Louis papunta sa amin
"Ayaw ko na, ang sakit na ng ulo ko" ani ni Louis at umupp sa sahig
Blagg
Agad naman kaming napatingin sa entrance ng malakas iyong bumakas
"Si-sino ka?" lasing na tanong ni Alice
"Long time no see, Fernandez" ani ng lalaki na kakapasok lang sa pinto
"Sino ka ba at... bakit kilala mo si.. Coach, hah?" lasing na tanong ni Henry sa lalaki
"Tumahimik ka!!" sigaw ng lalaki at tinutokan ng baril si Henry, kaya natahimik na lang kami, hindi naman sa takot ako kaya lang maraming tao dito eh at maraming madadamay
"Sino ka ba at ano ang atraso ko sayo?" medyo lasing na ani ni Coach
"Ikaw wala pero ang magulang mo meron" ani nito
"Hindi kita kilala at wala akong kinalaman diyan" ani ni Coach
"Anak ka kaya ikaw ang magbabayad ng kasalanan ng magulang mo Fernandez!!!!" sigaw nito at nagpaputok sa kung saan
"Ahhh" tili ni Alice at ng iilan naming kasamahan na nagising
"Dapa" sigaw ko sa kanila
"Shit" ani ko ng tamaan ako sa tiyan ramdam na ramdam ko yung pagbaon ng bala sa tiyan ko at masakit
"Coach!!" sigaw ko kay coach ng bigla itong matumba, may nakita naman akong bote na nasa tabi ko pa kaya agad ko yung kinuha at binato sa lalaki na para bang nababaliw, dahil pagkatapos nitong magpaputok ay tumatawa na ito mg malakas
"Ahh" ani nito at bago natumba, nawalan lang cguro ng malay yun
Tumingin naman ako sa paligid at marami rami din silang natamaan ng bala,
"Kuya tumawag po kayo ng ambulansya bilisan niyo" ani ko sa DJ na nakatago sa ilalim ng mesa agad naman nitong kinuha ang phone niya at nag simula mg magdial
"Lee, wag kang bibitaw hah" ani ko kay coach na nakahiga habang ako naman ay hawak ang parte na natamaan ng bala nasa tiyan at balikat niya yun,..
"Kung mamamatay man ako ngayon hingin mo na lang kay Kuya yung prize mo kanina" ani nito
"Putangina ka nabaril ka na nga at ang prize ko pa rin yung iniisip mo, nahihibang ka na ata" ani ko sa kanya
"Pero kung mamamatay man ako, kunin mo kay kuya yung prize hah, at isa pa sabihin mo din na may listahan ako ng mga utang ko sa opisina, pakihanap na lang yun at pakibayaran" ani nito,
"Baliw ka Lee, wag kang mamamatay dahil pag ikaw namatay, papatayin talaga kita"
YOU ARE READING
Senior Agent (Completed)
AksiSenior Agent Mariah Micaela Ibrahimovic Precyles Woman: Series 1