II.

4.7K 171 27
                                    

II.

NAIWAN kaming dalawa ni Ludwig. Nakaramdam naman si Ren kaya agad din siyang umalis. Sumenyas lang siya sa akin na aalis na siya.

This is war. Yes, I know.

"I just... arrived from the airport." I said casually.

"I don't care." He said straightly to my eyes. "I am asking you, why are you here?"

Pinaghandaan ko na 'to hindi ba? Pinatibay ko na ang puso ko para hindi maduwag kapag kaharap at kausap siya. Expected na naman na masasaktan ako sa magiging trato niya sa akin e.

"Because this is my house?" I tried to arched my eyebrow para lang magmukhang matapang.

But the truth is, my knees are trembling. Parang anumang oras ay bibigay iyon.

Kakauwi ko lang ng Pilipinas, literal. Fresh from the airport. Akala ko aabot pa ng ilang araw bago makarating sa kaniya na umuwi ako, but here we are, facing each other. He caught me.

"Your house?" His voice is cold. Walang ni katiting na naka-rehistrong emosyon sa mukha niya.

"I mean, our house." Mabilis kong sagot.

Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Where is my Ludwig? The funny one, the talkative one, iyong masaya lang na siya. Parang ibang tao na siya. Hindi ako sanay na cold siya at walang emosyon.

Masama ang tingin niya. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko ngayon. Ang kapal naman kasi talaga ng mukha ko.

"I missed you." Lakas loob kong sabi sa halip na sagutin namh maayos ang tanong niya. Bahala na talaga si spiderman pero na-miss ko talaga siya. Sa sobrang pagka-miss ko sa kanya ay hindi ko kayang hindi i-voice out ang nararamdaman ko. He's my everything. Mahal na mahal ko ang lalaking 'to.

Kitang kita ang galit sa mga mata niya. He glared at me. "The audacity."

Napalunok ako. Iyong boses niya, madiin at napakalamig.

"Na-miss talaga kita, Ludwig."

Isa na ba ako sa pinakamatapang na tao ngayong oras na 'to? Pagkatapos ko siyang iwan sa araw ng kasal namin, heto at sinasabi kong na-miss ko siya.

Matalim ang mga mata niyang tiningnan ako. "You have no rights to call me by my name. You also don't have the rights to fucking look at me like you love me." He said with his mad tone. "Because you're not."

"Lud⎯"

"How much do you want? Just don't ever come back here. This is my fucking house. I am living here so get your things and fucking leave."

Dito siya nakatira? Wait... why. Walang nabanggit ang cleaner na nakatira si Ludwig dito.

"Hindi ko kailangan ng pera. Ang gusto ko lang, tumira dito sa bahay natin."

"Please refrain from saying natin. There's nothing about us. Walang atin, we don't owe each other. So leave while I'm being nice."

"Pero⎯"

"Leave."

Wala akong gustong tirahan kundi ang bahay na 'to. Ito nalang ang naiwan na may koneksyon sa aming dalawa. Hindi ko hahayaang mawala sa akin 'to. Not now. Not this time.

Naging tanga ako noon pero nangako ako sa sarili kong hindi na magiging tanga ngayon.

"Let's live here together." Ang lakas talaga ng loob ko, punyeta.

He looked really mad. He's glaring at my eyes. Hindi niya gusto ang mga sinabi ko. Well, mali naman pero kasi ayokong umalis dito. Ayoko. Kakapalan ko na ang mukha ko.

Casanova's Club #4: Beautiful BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon