V.
MASAYA ako na makakuha agad ng trabaho. Of course, hindi ako nahirapang makapasok sa mundo ng modeling, dahil iyon ang trabaho ko sa London. I have experience and may ilang sikat na magazine rin naman na kumuha sa akin abroad.
I decided to be a freelance model so I can accept different offers from different companies and besides, para hawak ko iyong oras ko.
Nagpagawa na rin ako ng calling card ko and portfolio and passed it on different magazine companies.
Agad agad ay binigyan nila ako ng offer. Dahil summer na, a popular clothing brand wanted me to model their summer attire. Tinanggap ko naman agad iyon. Maigi na rin iyon para may napagkakaabalahan ako. Isa pa, I still need to save money dahil mula pa noong mapunta ako sa London, ako na ang bumuhay sa sarili ko and nakasanayan ko na iyong maglaan para sa savings.
Bukas ang start ng photoshoot and six in the morning ang call time. For now, didiretso muna ako sa restobar ni Ren. She has her own restobar named Asterisk and sa pagkakaalam ko ay sikat iyon.
I started driving. Kaninang umaga ay hiniram ko ang sasakyan ni Renren dahil bukas pa kami makakabili ng kotse ko.
Asterisk is not that far. Ilang minuto lamang ang layo kapag nakasasakyan.
Habang nagmamaneho ay wala akong ibang ginawa kundi magmuni muni at mag-throwback sa happy memories namin ni Ludwig noon. Noon... noong mahal na mahal pa niya ako.
Maya maya ay nakarating din ako sa Asterisk. It will be the first time na makapunta rito. Noong nasa London ako ay bukambibig lang ito sa akin ni Ren. This is her dream. I am happy for her that she achieved her dream.
Ako kasi... mukhang walang pag-asang makamit ko ang pangarap ko... si Ludwig.
"Earth to you, Russia! Tulala ka na naman. Ganyan talaga kapag kulang sa jowa."
Sinamaan ko ng tingin si Ren saka inabot ang susi ng sasakyan niya.
"Ang sama mo!" Sabi ko.
"Totoo naman e! Ewan ko ba sa'yo, hindi ko alam kung maaawa ako sa iyo o ano e. Hayaan mo nalang kasi si Ludwig. Wala siyang time pakinggan ang side mo. Hindi mo naman siya masisisi."
"Grabe ang atake. Kakarating ko lang tapos iyan ang ibubungad mo. Nasaan ang hustisya?"
Tumawa siya. "Kailangan mo kasi mai-realtalk e. By the way, pasok ka dali! Look at my restobar. Very millenial and aesthetic."
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. "In all fairness, instagrammable ang lugar na 'to."
"Aba s'yempre! Iyan ang uso ngayon. I did my very best for this restobar." Proud na sagot ni Ren. "Come here, dito ka maupo. I will let you taste our bestsellers and of course, hindi pwedeng walang inuman!"
I rolled my eyes. "Bring back the old days?" Natatawang sabi ko.
Noon ay bonding talaga namin ang mag inuman habang pinagkukwentuhan ang buhay buhay, tsismis at kung ano ano pa.
Beer always tastes good when you're with friends.
"Yas! So wait ka lang. I will personally serve it for you."
Ngumiti na lamang ako nang makaalis si Ren.
"Uh, excuse me?"
Nag-angat ako ng tingin. Kumunot ang noo ko sa lalaking ngayo'y nakatingin sa akin.
"W-Wait... what the fuck are you doing here?" Napatayo ako saka niyakap ang lalaki sa harap ko.
He chuckles as he hugged me back.