VI.
HINANG HINA ako. Nakaligo na ako at nakapag-prepare na ng gamit na dadalhin ko today. I don't need to bring make up kasi si Dave na ang bahala do'n and besides may make up artist naman do'n.
Para akong tulala sa kawalan. Bakit kasi kung kailan naman first day ko sa trabaho e, nagpakalasing ako kagabi. My gosh.
Although ilang beses na nangyari ang ganito noong nasa London ako, iba kasi ngayon sa Pilipinas. Hindi pa nga yata ako recovered kasi nag-a-adjust ulit ako lalo na sa oras.
I took a deep breath and stood up, bitbit ang bag ko. I am ready. Kakatawag lang ni bakla na malapit na siya so I need to go outside para hindi na rin maistorbo si Ludwig. I forgot to tell Dave na huwag nang bumusina kapag narito na siya.
Lumabas ako ng kwarto. I walked towards the main door pero natigilan ako nang may magsalita.
"Too early."
Nilingon ko si Ludwig na nakatayo sa may hagdan. He's wearing bathrobe at mukhang kakabangon niya lang.
"For work." Sagot ko. "Nagising ba kita? Maingay ba ako? Aalis na ako. You should sleep more, Ludwig. Bye."
Ewan ko ba, kung makapag-bye naman ako parang may pakialam siya.
Lumabas na ako ng bahay. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Hindi ko na rin siya nilingon. I made sure I locked the door. Natanaw ko na rin ang sasakyan ni Ren sa labas kaya mabilis akong lumabas ng gate.
Sinenyasan ko si Dave mula sa windshield ng sasakyan dahil tanaw ko naman siya. Sumenyas rin siya kaya sumakay na ako sa unahan.
"Good morning!" Bati ko.
"Good morning! So how's your sleep?" Dave asked while manouvering the stirring wheel.
"Ano pa nga ba? Look at me. I feel so ugly today." Sabi ko. Nagsisisi pa rin talaga ako na nagpakalasing ako kagabi.
"Nah! You're always pretty even with your bare face. Bihira nalang ako makakita na ang ganda ganda kahit walang make up like 'yung iba, they look really good with make up on."
Kumibit lamang ako. Madalas din kasing magkwento para mag-rant ni Dave about models.
Tumunog ang phone ko and I frowned with the unregistered number on the screen.
I answered it dahil baka sa new work ko 'to.
"Yes, hello? This is Russia."
Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya.
"Who is this?" Tanong ko.
Wala pa ring sagot. I was about to end the call when I heard someone's deep breath.
"Hey..."
I don't want to assume but this is Ludwig's voice. I know for sure. I know every bit of him. Kahit pa nga hininga niya lang, kilala ko.
"Yes? Who is this?" Muli kong tanong kahit may hint na ako na siya iyon.
"You see, uh, I think you forgot something."
Kumabog ang dibdib ko. Si Ludwig talaga 'to. I am very sure. And wait... ayaw mag-process ng utak ko. Anong naiwan ko? Paano niya nalaman ang number mo? Oh my, ano ba talaga ang uunahin kong isipin?
"Hm, w-wala akong maalalang may naiwan ako. I think—oh my heels! Stop the car!"
I automatically turned off the call and looked at Dave.
"Punyeta, bakla! Stop the car ka d'yan!"
"Gaga! Naiwan ko 'yong heels ko!"
He immediately stop the car and looked at me with his confuse face.